Chapter 43

2025 Words

NAKABIBINGING katahimikan ang naghari sa pagitan ni Chelle at Leon sa buong magdamag. Kung hindi lang iniisip ni Chelle ang kapakanan ng anak nito na muntik ng mawala sa kanila ay tumakas na siya ng hospital habang nahihimbing si Leon. Kahit hindi niya iniimikan si Leon ay panay pa rin ang pag-asikaso nito sa kanya. Inaalalayan siya na todo alaga kahit wala silang imikan. "Leon?" Sabay silang napalingon sa may pinto na may tumawag kay Leon na Ale. Napalunok si Chelle na nag-iwas kaagad ng tingin na tumayo si Leon at sinalubong ito. "Mama!" ani Leon na bakas sa tono ang tuwa na niyakap ang bagong dating. "Mama?" piping usal ni Chelle na kumunot ang noo. Sa pagkakaalam kasi nito ay namatay na ang ina ni Leon. Kaya nagtataka siya kung sino itong bagong dating na tinatawag ni Leon na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD