LIHIM na napapangisi si Chelle habang magkakaharap silang nag-aagahang buong pamilya kasama si Rhea. Napag-usapan na kasi nila ni Leon at Kuya Delta nila ang plano para ma-trap si Rhea at kakampi nito. Magkahiwalay sila ng upuan ni Leon na hindi nag-iimikan katulad sa plano. Kaya naman nagdidiwang sa loob-loob nito ang dalaga na nagkakasira na ang mag-asawa. "Uhm, Leon, bakit hindi mo asikasuhin ang asawa mo?" sita ng ama nilang ikinalingon nila kay Leon at Daddy nila. "Kaya na po niya, Dad. Sabi nga. . . hindi niya ako kailangan," walang emosyong sagot ni Leon na nagpatuloy sa pagkain. "He's right, Daddy. Hindi ko rin naman masikmurang. . . magpaasikaso sa kanya. Ngayon pa na napag-alaman kong. . .may iba pa siyang inanakan bukod sa akin? Hindi ko ugaling makihati." Pabalang sagot di

