TAHIMIK ang lahat na hinihintay si Delta na buksan ang envelope na naglalaman ng paternity test result ng dinadala ni Rhea habang magkakaharap silang lahat sa mansion ng mga Madrigal. Sina Haden, Darren, Drake, Noah, Roselle, Angelique, Sharanaya, Leon at Chelle. Kasama din nila ang Kuya Red ni Chelle at ang dalagang si Rhea. Maging ang mga magulang nilang sina Mr Dwight at Mrs Anastasia ay nakaharap din. Napapalunok si Leon na kabado. Kanina pa siya hindi mapalagay lalo na't napakatahimik ni Chelle na halos hindi siya kibuin. Lakas loob nitong kinuha ang kamay ni Chelle na nakapatong sa hita nito at pinagsalinop ang mga daliri nilang ikinalingon sa kanya ng asawa. Pilit itong ngumiti na mariing hinagkan ang palad ni Chelle na malamlam ang mga matang nakatitig dito. "Uhm, the result is

