Cierra Maureen's POV "Hindi ka man lang ba inaantok? Malapit na tayo mag stop over bago umakyat ng Baguio pero hindi ka man lang natulog." "Ayos lang po ako," sagot ko habang nakatingin pa rin sa maluwag na kalye. Seven-thirty na ng gabi at bakit naman ako aantukin kung bawat minuto yata niya kong nililingon sa pwesto ko. Hindi naman ako basta mawawala sa inuupuan kong loob ng kotse niya pero 'yong mga mata n'ya masyado yatang nakabantay sa akin. "Nagugutom ka na ba?" tanong niya sa akin. "Hindi naman po. Kumain pa ko sa bahay bago umalis," sagot ko ulit kay sir. Bakit parang ang special ko sa kanya ngayon? Porket ba sinabi ni papa na bantayan niya kong mabuti? Tapos kanina ang bait niya talaga kila papa at ito pa ang binati niya. Tapos ako hindi niya man lang ako binati. Baka gano

