Cierra Maureen's POV Napatingin ako sa relong nasa bisig ko para malaman ang oras. Three forty-five na pero nasa loob pa rin ako ng sasakyan namin na bumabyahe pa lang papunta sa university. Four pm ang alis namin pero mukhang mala-late pa ako nito. Nakakahiya naman kasi kay sir na siguradong naghihintay na roon. "Two days and three nights kang mawawala. Mag-ingat ka roon hah," pagpapaalala sa akin ni mama. Nakapwesto siya sa kaliwa ko habang si papa naman ay nasa kanan ko. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin 'yan at napapatango naman ako kay mama. Patingin-tingin lang ako sa relo ko dahil baka hindi na ko antayin ni sir kapag wala pa rin ako doon pagdating ng four pm. "Bakit ba parang natataranta, Maureen?" kunot noong tanong sa akin ni papa. Napakamot na lang ako sa ulo ko at umayo

