Chapter 80: The Bloodthirsty Royal Guards! Malalakas na puwersa ng hangin ang paulit-ulit na namumuo at kumakalat sa paligid galing sa kalangitan kung saan naglalaban ang tatlo. May ilan na sa mga gusali ang tinamaan ng mga hangin na direktang ikinawasak ng mga 'to, at kahit na mag-isa lamang ang Prinsipe laban sa Grand Elder at Noble Child, malinaw sa Patriarch at Faction Master na hindi siya nalalamangan ng dalawa dahil sa kaniyang taktika. Umiiling at nahihiyang nagwika si Lawrence nang makita niya kung paano paglaruan ng Prinsipe ang emosyon ni Clarence na nagpadali para prediktahin at basahin ang mga susunod na galaw nito, "Mapanganib talaga si Prinsipe Harold, 'pag natalo si Clarence kahit na dalawa na sila ay siguradong tatanim sa puso niya ang pagiging mas mababa kay Prinsipe Har

