Chapter 79: First Prince Harold! Mabilis na naghahanda ang mga miyembro ng bawat Noble Family na sasabak sa giyera. Kabilang na nga rito ang Featherson Family, Moonward Family, Goodman Family at ang iba pang pamilya na kabilang sa Noble Faction. Kahit ang mga hawak ni Lawrence na maliliit na faction ay tutulong sa giyerang ito. Hindi niya maaatim na hindi isabak ang buong puwersa niya dahil ang kalaban niya ngayon ay ang pinakamalakas sa kanilang tatlong grupo, ang Royal Clan! Tungkol naman sa Goodman Family ay napagkasunduan man ng dalawang pinuno na mapupunta sa Sect ang mga Goodman, isasabak pa rin nila ang mga ito dahil unang-una ay wala pa silang kasiguraduhan sa kanilang pagwawagi sa giyera, at ang Hari ay posibleng mas lumakas pa dahil sa pagiging Evil nito kaya kahit nagtulong an

