Chapter 83: Zac Morgan vs Richard Goodman! Pinakawalan ni Richard Goodman ang nakakapangilabot na aura na matagal nang gustong kumawala sa katawan niya. Mabilis nitong sinakop na parang nagngangalit na apoy ang buong Capital na kasalukuyang pinaggaganapan ng digmaan. Sa isang iglap, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Ang mga ingay na nagmumula sa mga naglalaban ay biglang naglaho. Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong Capital. Bumigat ang pakiramdam ng bawat isa. Disciples, Nobles, at kahit ang mukhang walang kinatatakutan na mga Royal guard ay napahinto sa kanilang ginagawa. Namutla rin ang mga mukha nila na para bang bigla na lang silang naubusan ng dugo. Hindi mapigilan ang panginginig ng mga binti nila sa takot, mayroon pa ngang iba na hindi na kinaya ang biglaang pagkaubo

