Chapter 82: Albert's Puzzlement! Tahimik na nakatayo si Albert habang nakatapat ang palad niya kay Ana. Kitang-kita niya ang komplikadong emosyon sa sugatang mukha ng babae, masaya ito na may halong lungkot. Hindi niya maintindinhan kung bakit pero nang makita niya ang kaawa-awa nitong kalagayan, may naramdaman siya sa dibdib niya na nagbibigay sa kaniya ng hindi komportableng pakiramdam. Ang enerhiya sa palad niya ay mabilis na namuo, at nang gumalaw ito pa diretso kay Ana ay napapikit ng wala sa oras ang babae. Pero bago mapapikit, nakita ni Albert na nanaig ang takot sa mata ni Ana, takot hindi para sa kaniyang kaligtasan. Ito ay takot na malamang ang pinakamamahal niyang kadugo ang papatay sa kaniya, at para sa kaniya, labis na mas masakit pa ito sa kamatayan. Pero ang inaasahan ni

