CHAPTER 20

1094 Words
PABLO POV Bakit pakiramdam koy pinagtaksilan ko areng irog ko!? ayyyy naku po inay!!! Kasama nanaman sa pakiramdam ko eiy! Saglit laang yung halik sakin ni Maria pero feeling koy tumigil ang mundo ko nung tinapunan ako ng malamig na tingin ni Aza. Minsan nya laang ako tapunan ng pansin eh ganire pa ang mangyayari!!! "Maria bakit mo ginawa yuon!!! " singhal ko saka ko tinungo at hinarap si Aza. Hindi naman sila kalayuan sa amin at nagpanagpo na nga kami deni sa kalye. "Pablo!!! " boses ni Maria. Hindi ko na hinintay pang sumagot sakin si Maria at madali kong hinarap si Aza. "My love.... Let me explain. - Bayaw!? Ala eiiiy! " hindi naman kalakasan ang boses ko at sapat laang. Ang dami pa namang nakatingin sa samin at mga foreigner nga pala ang mga areh kaya panay ang dungaw ng mga tao sa paligid. Akoy sasablay pa ata sa bayaw ko!! Sa sinabi koy tinapik laang ako ni Aldric sa balikat at tumawa saka niya inakbayan si Aza bago sila lumakad. "Alah eiy si kuya! Akala moy kayo na ng ate Aza eiy! Eh ano naman kay ate Aza yuon! Pisnge laang naman! Pero isa laang ang masasabi ko. - Ako na laang ang manliligaw kay ate Aza. Age doesn't matter namaan eiy! " si Junior na mabilis na tumakbo pagkawika noon at sumabay ng lakad sa kambal. "Junior!!!! Ikay-" putol na wika ko dahil kay itay. "Ikay na bata ka! Deni pa talaga kayo maggaganiyanan! Mahiya hiya nga kayo! " sita ni itay. "Magandang tanghali po Kapitan! " sabay na bati ni Sofia at Maria!! Nagsama pa areng dalawang areh! Nakuuuuu nakakaluko! Gusto ko na sanang sundan na ang Aza ko kaya laang hahakbang na sana ako pero ang itay hinawakan ang aking damit eiy. "Deni ka muna at kukulitin mo nanaman yuon eiy!!!" singhal ng itay. "Itay naman! Akoy magpapaliwanag pa sa irog ko! " wika ko at sinadya ko talagang iparinig sa kanila. "Alay tumigil ka! " Allllahhh ginamitan na naman ako ng itay ng kanyang killer eyes eiy! Napakamot na laang ako sa ulo. " Magandang araw rin sa inyo Maria at Sofia. Kagaganda nyong dilag deni sa Sagana pero mawalang gana na sa inyo eiy, hintayin nyo na laang si Pablo ang pumaroon sa inyo. Kayo'y mga binibini na dapat erespito eiy. " paalala ng itay. "Pasensya na po kayo Kapitan. " panabayan pang paumanhin ng dalawa. "Ikaw Maria, kamusta ang Manila!? Maligayang pagbabalik! At Sofia salamat sa balinghoy na paalmusal mo kanina. Hindi ka na sana nag-abala pa eiy. - Ay siya hindi na kami magtatagal. Mamaya na tayo magkwentuhan eiy at may bisita pa kasi akong aasikasuhin. Mauna na kami sa inyo. Tara na Pablo." Ayyyy salamat naman at sabay panapok naman sakin ng itay. "Alahhhh si itay naman, ginawa na akong bata eiy! " "Paano ka iibigin ni Aza kung ganiyan ka!!!?" Halaahhh ang itay, gusto din naman pala ang Aza ko para sa akin eiy. Akoy napangiti mandin. "Itay naman kasi, sinabi ko na sa inyo, gusto kong haranahin eiy!!! Ako naman ang hihimig. " "Nakuuuu!!!! Huwag mong madaliin Pablo! Magpakatino ka muna! Nakakahiya yuong ganyan oh!!! Lumalabas na babaero ka eiy! Sa tingin mo gha kung ikaw yuong si Aza at nakita mong may ganung eksena!? Maganda ba sa paningin mo yuon!? " "Itay, totoo naman ho yuong nararamdaman ko kay Aza. At isa pay hindi naman ako yung nahabol sa kanila eiy." "Ay naroon na ako Pablo! Ang sa akin ay paghandaan mo ang pagbwelo. Hindi yuong tira ka tira ng hindi ka man laang nag-iisip ng mga diskarte mo eiy. Oo nga pala, samahan mo sa bayan mamaya sila Aza pagkatapos mananghalian. May mga bibilhin daw sila at tama laang yuon para mag panabayan na kayong umuwe nila Phoebe mamaya. Kasama nyo si Junior at tuwang tuwa yung magkapatid sa kapatid mo eiy. Areh ang susi ng sasakyan. Kunin mo na para makaabot ka sa pananghalian. " Ahhhh kaya pala niya ako hinila. Lumihis na ako ng daan. Akoy nagmadali ng tumungo sa mansion at ng makabalik na agad. Parang bula laang ang nangyayari kagabi eiy. At heto na ngat pinagsisilbihan ko ang aking irog habang si inay naman kay Aldric. Pinababalat ko ng shell ng alimango ang mahal ko at kasweet naming tingnan gha dahil sa nagbubulungan kami. Para kaming love birds eiy! "Thank you! " wika niya ng iabot ko sa kanya ang mga laman ng alimango. "You're welcome my irog. Just for yow i can do anything! " nakangiti kong tugon. Alay kataray eiy, tinaasan laang ako ng kilay. Pero mas lalo ko siyang minamahal. "Do you want to try to pugot the head of hipon my Iove? I show you how my love..." paanyaya ko ng makita ko ghang seryoso areng natingin sa ginagawa ko ngay-on. May hawak kasi akong hipon na at pinagbabalat ko ulit siya. "It's look like a -" tugon nya sa akin pero pinutol koh na. Alam ko narin ang ibig nitong iparating eiy. Akoy kinilabutan mandin. "No its not a worm my love, don't be afraid." at tumawa ako ng kakaunti kaya tumingin siya sa akin. "Ala eiy prang manoy ko laang din yan kaya sanay wag kang magtransform into impakta. " dagdag ko pa ng nakangiti. At biglang narinig kong nabulunan si Aldric. "Abay ang tubig, bigyan si bayaw! " utos ko kay Junior na sumunod naman. "What did you say earlier!?" ng tumingin na ako sa kanya. "Hehe, I said this is a shrimp. Don't look if your afraid my love. I'm going to chop it then you eat okay!? " at binalatan ko na. Pinutol ko areh sa tatlong bahagi at nakita kong nanlalamig na nanaman ang kanyang mukha. "Hey my love, its okay! You can eat the crab. I will layo layo nalang this for you. Okay. " ani ko. "Junior, iisud mo na laang areh doon sa itay. Natatakot areng asawa ko. " At deni ko nanaman narinig si Aldric na nasamid. "Ala eiy dahan dahan ng kain bayaw. Just slow eating my gosh!!!! Ikakasal pa kami ng kapatid mo eiy! " singhal ko. At areng si Aza naman ang narinig kong nabulunan. Alay magkapatid nga ang dalawa!!! At pagkatapos naming kumain ay nag-usap ang magkapatid sa ibang linguwahe. Dito ko namalayan na lumapit sakin si Aza na waring nahihiya. "I'm - I'm sorry about last night Pablo. " at saka niya ako hinalikan sa pisnge eiyyy!!!! "Alaahhhh eiiiy!!!! Kasarap!!!! " At ako naman ang humalik sa pisnge niya kaya laang - BLLLOOOGGGS!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD