CHAPTER 21

1675 Words
PABLO Abay tama nga ang itay. Dapat hinay hinay laang. Ang tanga ko talaga eiy! Tama rin ang inay at mas lalong tama si Aldric eiy. Weak pa nga laang yung kagabi kumpara sa ngayon! Ay kaluko eiy! "Aray aray tiya Nora, dahan dahan naman hoh. Kasakit ho eiy! " "Alay, di ko pa nga nahahawakan ng mariin, umaaray ka na eiy! " "Alay masakit ho talagaeiy! " Abay reklamo ko na. Mababalian yata ako ng buto sa babaeng yun. "Halik ka ng halik eiy!!! " winika ng inay na may galit ang boses. "Ala inay, halik laang naman! Wala pa nga ang bataan doon eiy! " sagot ko. Pero ang inay hinampas ako. "Nakuuuu po inay ang sakittt!!! ang inay naman!!!! " sigaw ko. "Alay kulang pa yaan!!! Ang babaeng yuon! Tama ghang ibinaliktad niya akot pinilipit ang kamay! Kalakas na babae! Paano kaya niya nagawa yuon!? Halik laang iyon sa pisnge eiy nagalit na! Ako ngang hinalikan niyay hindi nagagalit! Napakalukong babae talaga eiy! Alangan namang siya ng siya na laang ang hahalik. Ano yuon? Ako nalang lageh ang kaniyang iisahan!? Sa gusto ko ring humalik!!! Ay napakasadista talaga eiy! Hindi tuloy ako nakasama pabayan. Gustong gusto ko ring sumama!!! Ano na kaya ang kanilang ginagawa!? AZA POV Gago. Animal. He deserves it. Galit sakin si Aldric sa ginawa ko pero di ko pinagsisisihan yun. Tarantado. Ang halik na binigay ko sa pisnge niya kanina ay kapalit lang sa muntik ko ng pagbasag ang pagkalalake nya. Nothing else. Nawala nanaman kasi ako sa sarili ko. Abay malay ko bang dambuhala yung peste nyang alaga! Gumagalaw galaw pa. Sabi ni Aldric, its normal na tumutigas at gumagalaw yun! Shhhiiit!!!! Kalukuhan! Nasa mall kami ngayon at magkasama sila Aldric at ka Loloy na naghahanap ng mga outlet at generator at kung ano ano pa. Bahala sila. Awan ko ba sa kapatid kong yun at gusto niyang magkaroon ng good facility ang barangay hall ng Sagana. Ako, si Junior at kasama ng kanyang dalawang kaibigan ay nag-ikot nalang ngayon dito sa mall. Ito pala ang una nilang pagpunta ng city. "Alay kalamig pala deni!!!! Ang dami ring tao eiy! May natakbo ring hagdan eiyyy!!! " bulalas ni Geyo. "Alay oo nga!!! Sumakay tayo at ng makaranas din!!!! " segunda ni Donald. "Can we do that Ate Aza!? " paalam ni Junior. Tumango lamang ako. Muntik ng maout balance ang tatlo at biglang tumawa sa unang pagtapak. Ganun din sa pagstep out. "We would like to do that again Ate Aza!? Can we? Only one! " paalam ni Geyo. "Okay. Just be carefull. " At inulit nga ng tatlo at pagsakay sa escalator. " Ate Aza. You make libre us right!? " "Okay! " " Yes! Let's taste the coffee here. I heard that the coffee here is cold and delicious!" aya sakin ni Junior. "Oo nga ate Aza!!! Yung ghang may yelo. Alay sa amin ay panay na laang mainit na kape eiy! Para maiba naman ate!?" segunda ni Donald. "Eiiihhh!? " tugon ko lang na ikinatawa ni Geyo at Junior. "Alay Junior, itranslate mo na laang ang sinabi ko!" -Donald "Huwag na! Tara na! Alam na niya yuon. Basta kape. " sagot ni Junior. Nakakapagtaka laang at pumasok sila sa Cyber Hard Cafe. Sumunod nalang ako. "Ala eiyyy Junior asan ang kape deni!? " -Geyo "Alay, bakit ako ang tinatanong mo!?" "Ay siya, sabi moy kapehan areh! " -Geyo "Nabasa mo rin naman eiy!!!! Hard Cafe!!!! " "Oo nga! Pero nasaan nga ang kapey!? " Nakakatuwang panoorin ang tatlong toh. At napansin kong nag-iikot na ang kanilang mga mata na parang nag-oobserba. Lalapitan ko na sana sila ng naunang nilapitan sila ng staff ng cyber. "Boss, ilan po " tanong ng staff. "Ala eiy areh na pala ang tindero!" "Ehhh!?" reaction ng staff. " Alay kuya apat hoh na kape, damihan nyo hoh ng shokolate at masarap daw yuon!? Tapos yung yelo eiy durog na durog! " - Geyo Sinasabi ko na nga ba eih....hehe ang kulit. "Eiiih!? " -staff "Kuya yung sa akin ho eiy, gatas na laang ang toppings " - Donald "Kuya yung sa akin naman hoy yuong pinaka specialty nyo at ng maiba naman!!! At yuong kay ate Aza eiy-" "Mga boss kape po ba ang hanap nyo? Wala pong kape dito!" natatawang pagputol ng staff sa sasabihin ni Junior. Hehehe. Gusto ko ng tumawa ng malakas pero gusto ko silang mag-explore. "Ay katinde nering tindahan na areh! " -Geyo "Ala eiy paano nyo hoh nasabing walang kape deni !? Digah hoh ang pangalan ng inyong tindahan ay Cyber Hard Cafe!!!! Kami hoh yatay pinagluluko nyo eiy! " -Junior "Oo nga ho eiy! Ipasara nyo na laang kung walang kape eiy! May pahard hard pa kayong sinasabi eiy! Nakuuuu!!! - mas hard pa yata ang aming kapeng barako!!!! " - Donald. "Pacafe cafe pang nalalaman wala namang kape!!! - Tara na nga! - Huwag na laang tayong magkape deni!" -Geyo "Eiiihhh!? " natatawang tugon ng staff sa kanila. " Ate Aza no coffee here! let's go!" aya narin sakin ni Geyo at lumabas na. Sinundan naman ito ni Donald. " Let's go ate! " si Junior naman na yamot ang mukha at hinila naman ang kamay ko palabas. "You should have coffee here! " natatawa kong ani sa staff saka ako ngumiti dito at nangangamot na lamang ng ulo yung nag-aasist sa tatlo. "Ate Aza, kasarap neri eiiy!!! " si Donald na kumakain ng ice-cream. "Tingnan nyo ohhh kahit baliktarin koy hindi nahuhulog!" -Geyo. "May pandikit are eiiy !!! Hindi kaya tayo malason neri!?" "Ehhh di sana patay na ang mga iyan!!!! eiiyyy kalalaki pa ng mga apa nila!!! " "Ay oo nga!!! " Walang tigil din ang mga ito sa pagpapasalamat. Pinasok ko narin sila sa fast-food dahil matatagalan pa sila Aldric. "Gusto ko noong spaghetti o kaya ikaw na ang bahala ate! Basta may hita ng manok, na katulad nuon oh" si Donald na itinuro ang set C ng package na pagkain. "Ano gha Donald di ka namaan maiintindihan ng ate Aza eiy! Englisin moh! " utos ni Junior "Alay alam na niya yuon! Itinuro ko na eiy. " Hehe. "Come with me Junior and two of you stay here okay. " utos ko. "I want to come with you ate! " si Geyo. "Diyan ka na Donald! Huwag kang magpapaupo diyan ha at mawawalan kami ng upuan! " bilin pa ni Geyo. "Oo nahhh! " At sumama nga ito sa counter. Ang dami nilang itinuro at hindi ko alam kung kaya nilang ubusin. "Ma'am total of 926 pesos. " sabi nung cashier. So I gave her 1000. "Ma'am Do you have 26 pesos!?" "Ay teyka laang! Bakit ka pa nagtatanong ng 26 pesos eh yaang hawak mo ay isang libo na!? Sinasabi ko na nga ba eiy, kaya ako sumama deni, kasi alam kung mangyayari areh! " -si Geyo "It's okay Geyo. Yes miss, I have. Wait. " sagot ko. "Ala eiy, ate Aza. No. Leave it to me. Ikay binubudol neri ate Aza porket ikay puti." -Geyo "Eih!?" sabay naming reaction ng cashier. Pinagtitinginan narin kami. Ang kulit ng mga batang ito eiiih! Saka muling hinarap ni Geyo ang cashier. "Ako na Geyo, mas magaling naman ako sa iyo na math eiy! " agaw ni Junior at siya nga mismo na ang nakipag-usap. "Ala eiy Ate, diba sa isang libo ay imamaynus mo laang ang 926!? Atulungan na laang kita magsubract. Ang sagot diyan ay may sukli pa ang ate ng 74. Ikaw ang magbibigay ng sukli at hindi ang ate namin. Hindi mo na kailangan padagdagan pa iyan. Subra na nga iyang ibinigay nya sa iyo eiy nahirit ka pa eiy! " Hehehe. Napapangiti ako sa mga ito! "Hehehe, Sir bibigyan ko naman siya ng 100 kaya ako humihinge ng 26." agad na sagot nung cashier. "Ahhhh!!! " At dito sinapak ni Junior si Geyo. "Ikay katanga mo eiy! Nangingialam ka na kasi agad. Magbibigay naman pala si ate ng 100 eiy! " may kapilyuhan singhal ni Junior. "Ala eiy malay ko ghang tayo pa ang susuklian niya ng malaki! Eh siya nga itong tanga eiy!!!" mahina niyang sambit sa huling pangungusap pero dinig ko naman. "Eiy di ngayon siya pa ang nalugeh! Ala eiy masisira ang ulo natin dine sa City eiy. Akala koy matatalino sila deni!" dagdag pa nya . "Eiiihhhh!!?" Ahhhh, ako ata itong masisiraan ng ulo sa kanila. Sarap na sarap sila sa kanilang kinakain habang ako ay nagburger nalang at fries. Totoong naubos nila ang kanilang inorder at nagpatake out pa dahil sa nabitin daw sila. Pumunta rin kami sa department store at pumili sila ng tig isang pares ng damit gayun din ng tsenilas at sapatos. "Are you sure? You dont want else guys!? Get what you want. I pay for it." ani ko. Ayaw na kasi nilang dagdagan ang kanilang napiling damit. "Yes ate. This is enough." -Geyo "Oo nga. Wala naman tayong pinupuntahan eiy. Bukid laang. " -Donald "Kung pagkain ang tinatanong ng ate Aza, eiy ang dami kong ituturo." dinig kong sambit ni Geyo ng nakangiti. "Ala eiy tama na areh at nakakahiya na kay Ate Aza. Baka sabihin niyay inaabuso na natin!!!! " -Junior. "Oo nga! " -Donald. "Alay kung sakali laang naman! Di ko naman sinasalin sa salitang english ey." -Geyo Dahil sa natutuwa ako sa tatlo kaya naman ipinasok ko parin sila sa supermarket. "Ala eiyyy!!! Kalaking tindahan eiy!!!! Ate Aza, you going to buy something!? " "Ahuh, my personal stuff may be and you can get what you want also!" sagot ko. At dito ko nakitang nag appear ang Geyo at Junior. "Alaaa eiy anong sabi!? " -Donald. NANINGKIT ang mga mata ko ng pagkababa ko ng tricycle ay nakita ko si Pablo na nakabusangot ang mukha. May bagong sasakyan kasi si Ka Loloy at sa kanyang tricycle na ako sumakay. "Aza.... " salubong sakin ni Pablo at problemado ang boses nito. "What!?" Ano nanaman kaya ang kailangan ng animal na toh!? At saka nya ininguso ang labi nya. "Eeiiih!!!? PESTENG YAWA!!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD