CHAPTER 11

1619 Words
AZA POV May kalaliman ang palaisdaan nila ka Loloy at sa tingin ko ay mga bangus ang laman ng palaisdaan nila. Kasarap nito pag-inihaw mamaya. Pero hindi biro ang dami ng mga sumugod na bubuyog at kailangan namin talagang maging maingat. Tiyak na natumbok ng mga ito ang kabahayan nila. Tsk ano kayang kalukuhan ang ginawa ng mga ito para mabulabog sila? Napakadelikado ng mga ito lalo na kung sabay sabay silang aatake. Napansin na agad namin ni Aldric na lumulutang ang katawan ng tatlong bata kaya inisa isa namin ni Aldric na ginawan ng paraan ang mga ito. Saktong may mga ugat ng bakawan o mangrove sa ilalim at doon na namin sila pinahawak pero may isa akong napansin na parang hirap na hirap. Parang tanga!? Noong una ay hindi ko ito pinansin dahil alam na niya dapat ang gagawin at may katandaan na pero naiinis na ko dahil ayaw umalis ng mga insekto dahil sa kagagawan nya. Gumagawa kasi siya ng ingay. Ang ingay nya talaga! Kaya mula sa kanyang likuran ay pwersahan kong inilubog ang kanyang ulo hanggang sa nagsipag-alisan na ang mga bubuyog. Di ko akalain na napakaraming bubuyog sa lugar na toh at pera kaya ito! Mapagkakakitaan nila ang pulot ng mga yun kung magkaroon sila ng idea kung papaano nila maaalagaan ang mga honeybee. . Kasalukuyan ko ng kinocompress ang gitnang dibdib ng lalaking inilubog ko kanina dahil sa nawalan na ito ng malay at mahina na agad ang pulso. Binibigyan ko rin siya ng hangin gamit ang aking bibig. Hindi pa naman mamamatay ito sa ginawa ko kanina. Pansin ko na agad na may kagat ito sa pisnge at sa puno ng taenga. Katangahan kasi. Nag-aalala rin ang mga nasa paligid. Kasalukuyan ko na siyang binibigyan ng hangin sa bibig ng bigla nitong hinawakan ang batok ko at siniil ako ng halik! Ang putang ina!!!! At hindi ko na napigilang bigwasan siya ng suntok sa sikmura! Kaya nawalan muli siya ng malay. Tarantado eh! Pesteng yawa ba!!!! Animal! "Ala ey katarantado ng aking anak ey!!! " nangangamot ang ulo na ani ni ka Loloy. Kahit tatay, sinabihan syang tarantado! "Sorry sorry but his single my friend. No married. " dinig kong dagdag pa ni kaka Loloy. Animal! Wala akong pakialam kung single sya! Si Aldric naman ay titig na titig sakin at hindi ko alam kung natatawa o naiinis. "Il est beau soeur. La constitution du corps est également bonne." (gwapo din naman sya sis. Macho rin.) pang-aasar nya.... "Nyahhhh!! " sigaw ko at tumayo na ako. Dapat nga magalit sya kasi binastos ako! Yawa ka Aldrick!!! Bweseet! "Ala ey tatang, may gana pang tukain ang bisita natin ey! Nagalit tuloy! Ay napalawalang hiya ni bayaw! Siya na ang iniligtas, nagawa pang mang-isa!!! " Dinig ko pang ani nung isang payat na lalaki bago ako pumasok sa loob ng bahay nila at naligo. Agad naman akong inaasikasu ng ginang. Nagpalit narin ako ng aking damit. . Hanggang sa matapos na akong maligo ay tulog parin yung lalaki na si Pablo raw. Ang antot ng pangalan! Bweset! Shhhiiit!!! Tarantado!!! Nagawang sipsipin ang labi ko!!! Ang kapal ng mukha nya!!!! "Nyahhhhh!!! " sigaw ko na ikinagulat nilang lahat. Paulit ulit kasing napasok sa isip ko kakainis!!! Yawa!!!! Bumuntong hinga na lamang ako saka ako umupo sa may kawayan. Salubong parin ang kilay ko sa inis. PABLO POV "Itay, wala talaga akong kasalanan ey! Di narin ako bata para pagsabihan nyo pa ng ganyan. Nakakahiya sa bisita eiiiy! Kagandang binibini!" Abay pangiti ngiti pa kaming apat habang nag-uusap. Nakakahiya gah sa harap nilay ey nag-tatalo talo pa kami. Hindi na laang ipagpabukas. Nakikinig laang ang inay. Kaya mabuti na yung ganireng nakangiti. Nagmemeryenda pa naman sila, baka mawalan ng ganang kumain ay. "Ay Pablo, ikay umayos ayos!!! Hindi biro yuong kanina! Unang una! Hinalikan mo yung bisita natin!!! " Ala ey ang laki ng mata ng itay habang pinagsasabihan ako. At isa pa ey akala koy patay na ako ! Ay siya naman ang unang humalik! kaya gumanti ako ng halik! Eh malay ko gang CPR laang pala yun! "Itay, di ko sinasadya....yun pala ang tinatawag na CPR! Nadarang ako sa lambot ng labi ey. Akala koy nanaginip ako, ay siya, pananagutan ko na laang! " suwestyon ko sa malambing na boses. "Tarantado!!! Ikay umayos ayos ha! Sa tingin mo gah magugustuhan ka nering kagandang babae!? " "Itay naman! Gwapo din naman ako! Akoy anak nyo! Mala Ruben Padilla pa nga areh oh! At isa pa itay totoo po. Hindi ako nagbibiro. Kanina laang ay ang lakas ng pintig ng puso ko ng makita ko siya. Bumagal ang lahat sa akin eh. Natagpuan ko na itay ang mamahalin ko habang buhay.... " seryoso kong wika. Kaya laang sinapok ako ng itay. Nyahhhh!!! Nakakahiya!!! "Itay naman.... Nakakahiya ey! " "Animal! Bumilis ang t***k ng puso mo dahil sa mamamatay ka na kanina!!! " sigaw ng itay. Kakahiya na talaga ey. "Speaking itay! Sino gang gustong pumatay sakin kanina!!!? Abay galit na galit ang taong yun sa akin! Akoy ginaneri ohhh! " at ipinakita ko yung paglubog sa ulo ko gamit ang ulo ni Junior. "Kuya!!! Abay tama na! Ikaw ata ang may galit sa akin! Dinadaan daan mo pa sa ganiyan ey!" sigaw ni Junior. "Maala-ala ko laang naman bunso at ng malaman ng itay ang ginawa sa akin sa ilalim ng tubig. Abay sino gang animal yun!?" At narinig kong tumawa yung puting kano. Nakitawa na laang rin kami. At nakita ko yung magandang binibini. Kaganda talaga ey. Nagblublush pa yuong pisnge. Ayyyy kaganda talaga!! Kasarap pa ng labi bah! "Mga animal! Ikaw ang papatay sa amin! Sa dami ng bubuyog na yuon ikamamatay natin yuon! May bisita pa tayong idadamay eiiiy! Mabuti na laang at naisipan nilang tumalon sa tubig at gumaya na kami! Ay paano na lamang kung walang fishpond! Ayyyy siyang animal-" "Itay.... " putol ko sinasabi ng tatay. "Insect yun itay, paulit ulit na laang tayo. Di laang naman ako ang may kasalanan ey. Areng si Junior! " turo ng nguso ko sa sira ulo kong kapatid. "Teyka laang, bakit ako!? Tsinelas ko laang iyong kanina. Di naman ako nagpapatulong sayo ey! Inosente pa nga kami ng tsinelas ko! Pero si Geyo po itay , tapos ang kuya Nicolo!" "Sorry po tiyo... Di ko naman sinasadya yuon. Pero labas na po kami sa bubuyog. Sila kuya Pablo at Kuya Nicolo po talaga! " ani ni Geyo. "Eyyy teyka bakit ako napasali!? Nagsundo laang ako! Idinawit nyo pa ako ey! " "Bayaw, ikaw ang nagbigay ng kahoy! " sagot ko. "Abay tinuro na nga ako ng mga arey!! Teyka laang, noong una yuon di gah? Sumablay naman ang tira mo sa bigay ko ey! Sa pangalaway hindi na ako! Si Junior na!" si bayaw na itinuro nya naman kay Junior. Abay totoo yun! Si Junior nga! "Ay teyka laang, hindi naman ako ang bumato eiiiy!!! Si Kuya Pablo!!! Hindi ko naman ibibigay sa kanya ang kahoy kung hindi nya ako inutusan! " "Ay utang na loob!!! Ako nanaman!!! Ayan na ngang sinasabi ko! Ibinalik nyo nanaman sa akin! ala ey magtuturuan na laang ba tayo!? Pwede gang tayong lahat na ang may kasalanan!? Pasalamat na laang din tayo at nakaligtas tayo! Magkapatawaran na laang rin tayo. " suwehisyon ko. "Tatay sorry na.... Si kuya Pablo naman po talaga ey! Pero di naman niya sinasadya yuon... " Tingnan mo areng bata na areh! Kagaling magmalinis, pakunware pa. Tarantado ey! "Junior e ako mandiy di na malaman ang gagawin sa iyo ey! Hindi ka na nga pumapasok sa eskwelahan, kung ano ano pang kalukuhan ang pinaggagawa mo! Sa nakikita koy sa iyo nagmula ang lahat ey. Ikay pumasok na bukas ha!!! At kung hindi pay hahambalusin na kita diyan kapag di ka pa pumasok! Akoy sinusubukan mo na! " Halaaaah.... eh galit na ang tatay.... salamat naman at nakalusot na ako. "Eh itay naman, ako ng nakita nyo ey.... Bakit naman po napunta sa pagpasok ko. Deni na laang ako, ganun din naman yun eyyy!!! " "Anong ganun din yuon!? Sa eskwelahan ay natututo ka! Deni ay kahulukan! " "Ayyy itay, sa eskwelahan ay tinuturuan kaming mangamute, ay deni na laang at tunay na kamote pa ang kinakamute ko!!! " Ayyyy kabastos na bata areh eyyy! "Ay anak ng impakto ka Junior! Anong kamute ang ipinagsasabi mo!? " "Ako'y anak mo itay. Hindi ka naman impakto. Isa pay di nyo gah alam ang kamote. Ay ang tatay! Kamote laang, di pa alam! ikaw na laang ang pumasok at ng matutunan nyong mangamute! " Ay napakatarantado nering bunso kong kapatid. Ang itay ay hindi ko nasasagot ng ganyan ey, arey napakalakas ng loob na hamunin ang itay eh. Ako na ang sumapak. "Aray! Ano gah! " reklamo na agad niya. "Huwag mong masagot sagot ng ganyan ang tatay ha!" "Ala ey kuya, nangangamute laang naman talaga kami sa school! Wala kaming masagot sa exam tanong mo pa kay Geyo itay, sa katanga ba naman ng guro namin, wala ng ginawa kundi kamiy pag gamasin sa labas at magagaling daw kaming maglinis!!! Pinagtatanim pa kami sa halamanan ng kamote, kamatis, okra, tapos sila laang naman ang nakikinabang. Kamiy nagbubunkal ng lupa sa likuran itay tapos mga kaklase namiy nag-aral sa loob! dibay ganuun din naman sa eskwelahan at dito!? Ay deni na laang. Akoy natulong naman sa inyo ey mapapakinabangan ko pa!!! " "Ay putang inang - sino gang guro mo na yaan! At deni ka na laang nga!!! Kulang na laang nga ang mag-ani kayo! " "Kaya nga itay, si kuya na laang ang magtuturo sa akin! " Kagaling talagang magpalusot nering batang areh! Hindi pa sarado ang pag-uusap namin ay may demonyo nanamang dumating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD