CHAPTER 12

1201 Words
AZA POV Pinupunasan ko na ang aking mahabang buhok ng malinis na towel habang nakikinig sa usapan ng pamilya. Binigyan narin kami ng matutuluyan ng kapatid ko at may sarili kaming kubo. Nakakatuwa nga at ang kubo daw na yun ay naisipan lamang na gawin ng kapitan last two weeks. Para daw kasing nararamdaman nitong may bisita silang darating. Kakatuwa din ang batang si Junior dahil sa siya ng naging translator ni ka loloy. Tulog pa kasi ang pablo kanina. Malapit na sya agad sakin at ang daldal nya tulad ni Alcibiades. Inupakan narin nito yung chocolate kong baon at ng kaibigan nyang si Geyo at Donald Wala namang problema samin ni Aldric ang kubo at magkapatid naman kami. May banig silang pinahiram at unan na napakalambot. Bukas na bukas ay iikutin daw namin ang buong lupain. Pero nais lang namin puntahan sa ngayon ay ang mansion dahil naroon ang huling formula na sasagutin ko. "Ay Pablo, ikay umayos ayos!!! Hindi biro yuong kanina! Unang una! Hinalikan mo yung bisita natin!!! " Sa sinabi ni ka Loloy ay naagaw nito ang pansin ko. Nag-uusap kasi silang mag-anak. Naalala ko nanaman ang tarantado! Yawa talaga at nararamdamam ko parin ngayon yung mainit nyang labi sa labi ko. Animal! "Itay, di ko sinasadya....- CPR.... Nadarang ako sa lambot ng labi ey. Akala koy nanaginip ako, ay siya, pananagutan ko na laang! " Di ko sya masyadong narinig dahil sa tumigil ang hangin pero malinaw kong narinig ang iba nyang sinabi. Tsk!!! At sa sagot nya ay uminit ang pisnge ko. Pesteng yawa talaga sya!!! "Tarantado!!! Ikay umayos ayos ha! Sa tingin mo gah magugustuhan ka nering kagandang babae!? " "Itay naman! Gwapo din naman ako! Akoy anak nyo! Mala Ruben Padilla pa nga areh oh! At isa pa itay totoo po. Hindi ako nagbibiro. Kanina laang ay ang lakas ng pintig ng puso ko ng makita ko siya. Bumagal ang lahat sa akin eh. Natagpuan ko na itay ang mamahalin ko habang buhay.... " Kinikilabutan talaga ako sa pinagsasabi nya! Ito pang si Aldric ay tawa ng tawa habang nakatingin sa cellphone nya pero ang totoo, yung pagtatalo ng mag anak ang pinagtatawanan nya. Gago. At dito ko nakitang sinapok sya. Buti nga!!! "Animal! Bumilis ang t***k ng puso mo dahil sa mamamatay ka na kanina!!! " sigaw ni ka Loloy. Hindi na maitatago sa ngiti nila yung pagtatalo nila. "Speaking itay! Sino gang gustong pumatay sakin kanina!!!? Abay galit na galit ang taong yun sa akin ey! Akoy ginaneri ohhh! " Hehe at ang gago nagdemo pa! Impakto ka talaga! Dapat nga pinatay na kita!!! "Kuya!!! Abay tama na! Ikaw ata ang may galit sa akin! Dinadaan daan mo pa sa ganiyan ey!" "Maala-ala ko laang naman bunso at ng malaman ng itay ang ginawa sa akin. Abay sino gang animal yun!?" Ako pa ngayon ang animal!!! Kapesteng yawa kang n***o ka!!! At dito ko narinig tumawa ng malakas si Aldric! Hayop na kambal toh, pero ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya after 13 years. Huli kong narinig ang halakhak nya nung nagkukulitan kami nila papa noong bata pa kami with mama. Pero ngayon, namumula naman na ako sa galit. At ang demonyo!!!! Parang minamanyak ako ng bawat tingin nya!!! Assshhhhst!!!! "Mga animal! Ikaw ang papatay sa amin! Sa dami ng bubuyog na yuon ikamamatay natin yuon! May bisita pa tayong idadamay eiiiy! Mabuti na laang at naisipan nilang tumalon sa tubig at gumaya na kami! Ayyyy siyang animal-" "Itay.... " At hindi na ako nakinig. Nagsuot na lamang ako ng headseat at kinuha ang aking phone habang kumakain ako ng maruya. Ang sarap with calamansi juice. Probinsyang probinsya ang kinakain namin ngayon at ang ganda ng pagkakaluto. Napapansin ko kay Aldric na tawa ito ng tawa kanina pa! Wala namang ginagawa ito sa kanyang phone. Malamang sa malamang ay nakikinig ito sa kwentuhan ng mag-anak. Di ako interesado lalo na sa ulupong na batangenio na Pablong n***o. Nang mapansin ko na lamang na kinuha ng kapatid ko ang isang headset ko. Kinakausap na pala ako. "Il vous a déjà regardé. Il a également dit qu'il était le maire de la ville." (Kanina ka pa nya tinitingnan. Mayor daw sya dito. ) At nakita kong may bisita pala. "donc!?" (so?) "Même le maire a été frappé par votre beauté. Il veut connaître votre nom." (Even the mayor was struck by your beauty. He wants to know your name.) Yawa yan!!!! "Connerie!" (bullshit! ) "Ka Loloy, baka maari mo naman akong maipakilala sa mga bisita mo. " dinig kong tanong nito. " Ala ey, Mayor baka nais nyong kayo na laang. Kahirap gang magbanyaga ng salita." sagot ni ka loloy. "Tsk Tsk Tsk Tsk! Ikaw Pablo baka maaari mo akong bigyan ng magandang intro sa kanila!? " Ang kapal ng mukha ng mayor na toh. Kahit pa batang tingnan sya ay may kayabangan na. Nakita ko si Pablo na sumalubong ang kilay at biglang ngumiti. Bakit pakiramdam ko ay may kalukuhan syang iniisip. Nakatingin pa sakin ang ewan at napahawak pa sa batok ang puta!!! Parang taeeeeehhh!!! Hiyang hiya sa sarili! Ano nanaman kaya pinag-iisip nito! Hindi ganun kalayo ang mga ito samin pero sapat lang para marinig namin sila. "Mayor, sya ho yung kapenpal ko. Kasintahan ko ho." "Bwahahhahahaha!!! " Ang putang ina!!! Penpal!? Kasintahan!!! Tarantado ang puta! At ang gago kong kapatid ang lakas ng pagkakatawa. Tarantado!!! Parang baliw na tinuturo ang cellphone. "Im sorry, I'm too noisy? I'm just watching sis!! " Pagdadahilan niya na sinadyang laksan ang boses at nakatingin sakin. Feeling kaming dalawa ang nag uusap. Tsk! Kaya yung nasa labas ay nagpatuloy ng pag-uusap. "Teyka ho mayor ay tatawagin ko laang ang darling ko at ipapakilala ko ho sa inyo. At maigeh na ho pala mayor na makilala ninyo, baka sa inyo na laang kami magpapakasal." "Bwahahahahaha! I can't stop laughing sis!!! Look at this! it's so funny!!! bwahahahahaha! " "Nyaaaahhhhhwa!!!!" pilit kong sigaw na mahina at sinipa siya. "Ouchhh!!! f**k you! " bulong niyang mariin. "f**k you more eiiih!!! " sagot ko. Gagong n***o!!! Kasal kasal ang puta! Anak ka ng kalabaw!!! Magpakasal ka sa impakta!!! nyaawah ka!!! May padarling darling ka pang tawag ang yawa ka!!! Kumukulot na balahibo ko sa kili kili ang putcha. Hindi sya Ruben Padilla!!! Mr Swabe nya! Swabeng ulol! Baka gusto nitong pagbubuhulin ko yung bigote nyang parang ewan!!!! Bweseeetttt!!!! "Tsk! Sa ibang araw na laang. At Ka Loloy, nais ko lang ipaalala sa inyo yung inaalok ko. Baka magbago ang isip ko at maging bato pa. Kaya kung ako sa inyo tanggapin nyo na ang inaalok namin ni papa keysa makaalis kayo dito ng walang bibit. " "Mayor, mawalang galang na, ngayon pa laang rin ey sinasabi ko na sa inyo na hindi nyo talaga kami mapapaalis deni. Si King David laang ang maaaring magpaalis sa amin deni. At kung totoo man ang sinasabi ninyong patay na si King David ay di parin kami aalis. Ang tanging may karapatan laang ay yung pinamanahan niya neri. Siya laang ang susundin namin. " "Ka Loloy, sa susunod na pupunta ako deni , ay mag-iingat na kayo! " sabay silip nito sa akin at ngumiti saka umalis. Kumalat na mga impakto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD