PABLO POV
Napakasaya ko gah ngay-on eiy at kasama ko aring si bayaw.
Ay teyka laang areh iyung kapatid ng aking iniirog ha at hindi yuong si Kuya Nicolo.
Hehe.
Abay di nalalayo ang kagandang lalaki ko deni. Ang sabi ko nga sa inyo ey habulin ako deni at may pagkaitalyano kaya ang aking mukha ayon sa mga taga bayan. Pero yuong kulay ko ay pinoy na pinoy.
Yun ghang pang modelo tulad sa mga naglalakihang picture sa bayan. Mas gwapo pa nga ako kay idol ko na si Ruben Padilla eiy.
Kayumanggi ako sa madaling salita. Huwag na natin pahirapan pa eiy. Yun na nga yuon!
Binabagtas na namin ngay-on ang pabalik sa b****a.
Abay may kalayuan din areh. Kung ikaw ay pakinding kinding kung maglakad ay aabutan ka ng trenta minuto. Pero kung ikay ay kasing bilis ng tulad ko, ay kalahati laang ng trenta.
Ay kaya nga pala kami palusong ey kukunin namin yuong sasakyan nila duon gha sa pinag-iwanan sa harapan ng tulay eiy. Porket wala ngang kaalam alam dine ey sa itaas sila dumaan.
Katanga din noong napagtanungan nila kanina, nakita ng ngang may dalaang sasakyan ey dine pa sa taas itinuro!!!
Kaluko rin eiy!
Areng si Aldric naman ay kahanga hanga, abay, kayang makipagsabayan sa akin eiy. Mas mabilis pa nga sa akin maglakad.
Kakatuwa areh!
"My friend! I have a question. It's that oke!? " para naman ghay may kwentuhan gah kamiy.
Kahirap nering tahimik laang. Mapapanis areng aking english. At ng mahasa narin ey! Kaytagal ko ng di nagagamit. .
At isa pay kailangan ko ng kumilos kilos- at ang dami ng umaaligid na animal sa irog ko.
Nagawan ko na nga ng paraan yuong kay Mayor, pero areng mga kapitbahay namin eiy baka dayuhin na ng harana mamaya! Maunahan ko na at hindi maari sa akin yuon! Umiibig na ako kaya kailangan ko ng panindigan!
At isa pay di ako papayag na hindi siya ang mapangasawa koh. At siya laang ang babaeng naglakas loob na akoy hagkan eiy!!!
Halahhhh! Para akong taeeehhhh!!! nangangarap eiiiy!!!!
Ako ang natuka sa mga babaeng gusto ko pero dahil nga sa pumintig areng puso ko, hindi laang tuka yuong iginawad ko sa labi nya.
May pagmamahal yuon! Peksman!
Mamatay pa si itay!
"Yes of course my friend! What is that!? "
Abay sinagot ako!
Kagandahan pay nakangiti pa eiy!!!
Ayy kagandang senyales na areh sa akin!
"My friend about your kambal.... Your twin yow know!" nahihiya gha ako?
Ayyyy eiiiy, pakipot ng kunte hehe.
"Ohhh! what's about her!?"
Alah! yung ngiti na yuon!? Kinikilabutan ako eiy.
Abay bakit ako ghay biglang kinabahan?
Nakakaluko gha yung ngiti nya eiy!!!! Wari ghang may laman...!
Think positive Pablo! Abay abah!
Para yaan sa future wife mo!
"Eiiiyyy my friend I just wanna know... Yow know! Ahmmm- ano... Ano nga yuon sa english ang pwedeng manligaw? Alay nablangko ako eiy!"
Ano nga yuon!?
"Ay animal ka Pablo! Dinali ng katangahan! Nakakahiya eiy! Tinanong ko pa kung anong english!!! " sambit pa ng aking bibig at napapaisip na ako.
Areng si Aldric ay nakangiti pang nakatingin sa akin eiy! Kasing gwapo ko nga areh!
"I know what my friend? Say it?"
Ay hala!!! Ayan na nga! Hindi ko na tuloy alam ang sasabihin!
"You like my sister? Is that what you mean!? "
"Ayyyyy!!!! Nadali mo bayaw!!! "
Ahhhhhh!!!!!
Walang preno preno eyyy!!! Kagaling nering tumumbok! Napalakpak na ako.
"Whooooahhhh!!! " sigaw ko.
"What!? "
" Exactly bayaw! I like yow sister my friend! " agad kong sagot.
"Bayaw!? What is bayaw my friend!? "
Ala eiy patay! kumunot ang noo!!! Isip ng idadahilan mo Pablo!!! Sasablay ka pa ata ey!!! Napakaexcited kasey!
Teyka Teyka! Ay oo!!!
"Hehe yes bayaw!!! bayaw my friend !!! Brotherhood my friend! Let's call bayaw to each other. Sign of brotherhood! Okay!? "
Ayyyy katalino ko talaga ey!
Pinagpawisan ako roon!
"Ahh bayaw is a brotherhood!? So, it's a call sign! Okay okay! Bayaw! So you like my sister!?"
Ay salamat naman at naniwala! At teyka laang... Bakit ganun ang ngiti nya!!! Nakakabakla eiy!
"Yes bayaw! I like your sister. Can I make ligaw to her!? What i mean putang ina, ano ghang ligaw sa english? suitor!? Just like that. I will my love to her. Its that okay!? "
Abay!!! Pagkakataon ko na areh!!!
"Ohhhh shiiit!!!! "
Halahhh eiiiy nagalit! Nanlumo ako eiy!
"She's a monster my friend!!! "
Ayyyy yun!!!! may karugtong pala!
Ala eiy kahit impakta pa iyan ay okay laang at akoy impakto naman eiy!
"Dont worry bayaw! I can handle it! "
Sa pagkasabi ko neri ey kumibit na laang siya ng balikat.
Ayyyy wag niyang eesmulin ang batanggenio!!!!
Iba arehhh!!!
Lalo pat napakasipag ko sa lahat ng bagay!!! Lalo na sa pag gawa ng anak!!!!
Nag-iisa laang areh sa Barangay Sagana!
At ng sa wakas ay nakarating na din kami deni.
Karami pala nilang dalang gamit eiy. Kaganda rin ng kanilang sasakyan!
Mabuti na laang at mababait ang mga tao deni sa amin kaya safe parin ang gamit nila.
"Bayaw, I can drive for yow if yow want !" alay suhuwestyon ko kay bayaw.
Bwahahaha!!! Kailangan ko ng dumikskarte. Papasikat na ako at kailangan kong makuha ang loob niya.
Akoy marunong ding magmaniubra ng sasakyan, akala nyo gah! at akoy trucker din sa bayan.
Wala nga laang lesensiya! Ayyy saka na eyyy! Kapag may sasakyan na!
"Here! "
At abah! Si bayaw, nagtiwala agad ey!!!!
Ibinigay sa akin ang susi!
Kagandang senyales nga areh!!!
Ehhhh di syempre kaganda ng aking ngiti.
Nagpasikat na agad ako eiy. Maingat ko ng pinatakbo areng karwahe nya. May kabilisan ng kunte para hindi naman matawag na kamiy nakikipaglibing!
"So! You can drive! Impressive!"
O digay pinure na ako!
"Of course I am bayaw! I am ano nga!? Ala eiy- ayun na nga yuon sa english!? Kahirap gha nering kinalawang na!!! I'm a driver long time ago! Past past so many months bayaw... Basura truck in town. You know basura!? Its a trash can bayaw. Trashed. Garbage. Yes bayaw, garbage! Tama! I am a garbage helper and sometimes a extra driver of our driver, when he want to sleep. Hehehehe!" putang nang areh, kinakalawang na nga ata ang english ko eiy!!!
Kakahiya kay bayaw!!! Ako yatay mapagkakamalang b.o.b.o
Naku po! Dinaig na ko ni Junior.
"Yow understand my english bayaw!? Yow want me to explain more!? "
Tanong ko. Abay baka hindi niya naintindihan gah... Alay aexplain ko na laang ng dahan dahan!
"Yes yes! Ofcourse I understand! " at tumawa ng napakalakas.
Iginarahe ko yuong sasakyan nya deni sa may mansion ni King David matapos naming ibaba ang gamit nya doon sa kubo.
Wala kasing mapag-iiwanan ng safe neri.
Pagkababa namin ay nakita ko siyang sumandal sa kanyang kotse at tinitingnan niya ng malamig ang bahay.
Ala eiy bakit pakiramdam koy ang laki ng koneksiyon ng taong areh sa lahat ng bagay na narito.