PABLO POV
"Sige nanaman itay.... Di naman kahirapang ang pakiusap ko eiy. Magtitipa laang naman kayo ng gitara, mahirap gah iyon!? ako naman ang hihimig sa awitin eiy! " lambing ko sa itay.
Gusto ko kasing haranahin ang pag-irog ko mamayang gabi sa tambayan.
Kasamaan kasiy di ako marunong maggitara! Pero may panlaban ang boses ko!
Nandeni kami ngayon sa tambayan sa kubo habang yung dalawa ay namimingwit.
Kasarap nilang tingnan dahil sa tuwang tuwa sila sa mga isda gha. Kasama nila ngay-on yung ate ko. Kararating laang mula sa bayan.
Nagtatrabaho kasi ito bilang tindira sa palengke. May pwesto kasi kami roon. Marunong din areh mag-english.
"Akoy tigilan mo nga Pablo. Sa tingin mo ghay, magugustuhan ka niyan!? Laking siyudad iyan! Tingnan mo oh! Anak mayaman iyan! Ikay tagabukid laang!!!"
Kasakit naman magsabi areng si itay eiy.
"Ay itay wag nyo naman pong ibaba ang katayuan natin. Hinahamak nyo naman eiy! Sa pag-ibig ay pantay pantay tayong lahat itay. Walang mahirap, walang mayaman! Kahit nga sa pag-gawa ng bata itay, pandak at higantey paghumiga mandiy digay pumapantay din naman eih! Aray! "
Akoy sinapak ng itay. Ano ghang mali sa sinabi ko!?
Alay katutuhanan laang naman eiy. Katulad noong nakipagniig sa akin na babae sa bayan na habul ng habul.
Kaliit mandin na babae noon, at ah ah sa tulad ko gang six footer , nagpantay mandin!
Nagtagpo parin naman ang manoy ko sa kanyang perlas eiy!
Oh di gah,- di pa nga umabot ng five feet yuon eiy, pumasok parin areng pagkalalaki ko!
Yuong si Leafe pa, hindi naman sa nagmamayabang, anak ng negosyante yuon, ohhh- eih nagpagalaw din sa akin yuon eiy!
Eh mayaman din yuon! Sila pa ang may-ari nuong malaking grocery sa bayan. Hahabol habol din sa akin yuon hanggang ngay-on.
Yun gha ang sinasabi ng itay na magbubukid laang ako?
"Ang bibig mo Pablo! at may bata deni sa harap mo eiy! Katarantado mo talaga!"
"Nakalimutan ko po itay eiy. Hehe "
Oo nga pala!
Pailing iling na laang si Junior.
"Tsk!!! Sumasakit ang ulo ko sayo eiy. Ehhhh areng batang areh! Pwede gang si Sofia na laang. Halika at yuon na laang ang ating haranahin! "
"Ang itay naman! Ayaw ko hoh duon! Kaitim naman nuon eiy!! "
"Ahhhh tingnan mo areng batang areh! Bakit nanghahamak ka na ngay-on ng kulay! Ano ghang tingin mo sa wangis mo!? Eh di ghay magkakulay laang kayo! Isa pay, maganda rin yuon eiy. Masipag pa. Mahal ka rin noon. Kanina nga laang umagay naghatid deni ng aalmusalin mong nilagang saging. "
"Itay, hindi naman yuon ang ibig kong sabihin eiy! Ayaw ko hoh duon itay. "
"Ikay nalusot pa! Kakaluko ka naman eiy! Alam kong gusto mo rin si Sofia. Nakita ko nga kayo noong isang araw ah, nagtutukaan, tapos sasabihin mong hindi mo sya gusto? "
"Itay naman eiy, Akoy bigla laang niyang hinalikan! Ehhh gusto na ngang isuko sa akin ang kanyang bataan. Eiy hindi maaareh! Pipikutin pa ata ako! At isa pay areh na kasi itay ang tumibok ohhh! Ang sa amin ni Sofia ay fling fling laang yuon pero wala itay, hindi ko sya gusto! " na itinuro ko yung puso ko.
"Kanina ko pa sinabi sa inyo! Natagpuan na nga hoh ng puso ko yuong iirogin niya habang buhay! Siya na talaga itay! Tinamaan talaga ang puso ko kay Aza itay. Ayaw nyo hoh iyon, magkakaroon kayo ng imported na mga apo! Tulungan nyo na ho ako itay! "
"Ikaw ay iitakin ko na Pablo!!! Akoy tigilan mo!!! Mahiya ka diyan sa bisita natin ohhh! At Junior ikaw na ang sumama sa akin sa paglilibot. Ipapasyal natin ang mga bisita natin! "
Halaaahhhh!!! Ang itay!!!
"Itay ako na po ang sasama! At ako na po ang bahala. Kaya ko na! Magkasundo narin naman kami ni bayaw eiy! "
"Anong bayaw!? "
"Bayaw itay. Si Aldric! "
"Ay animal ka! Ikaw ay magising na ha! Katarantado eiy! "
Ala eiy ayaw maniwala!
"Hehe, Itay kahit ako na laang po! o kaya kami na laang ni Donald at Geyo. Libot naman namin na areng Sagana ni King David. Di namin sila pababayaan. "
"Bunso!!! Ako na!!! Delikado at baka kayo'y maahas. Wala naman akong gagawin bukas! "
Sa daming ahas dine, baka ako maunahan! Babakuran ko na!
"Bayaw di ghay may tatapusin ka sa maisan at palayan!?"
Aring si Kuya Nicolo biglang nakisali! Nakakaaduwa!
"Sakto laang yun para maipasyal ko sila at maituro sa kanila kung anong meron sa atin!"
"Ala eiy, sige, sabi mo eiy!" sagot ni bayaw.
"At itay, ako ng bahala!"
"Naku Pablo, may ipag-uutos ako sayo bukas. Kami na laang ni Junior sa magkapatid. Sumama kay Phoebe at kay Nicolo yuon ang gagawin mo bukas. "
"Itay naman eiy! "
Kinagabihan ay ang sarap ng kain nila Aza. Wala siyang kimi at arte eiy.
Kalalakas ghang kumain!
At ako naman ang hindi makakain dahil sa siya yung nilalantakan ko ng tingin.
Alahhh sino ghang di maaakit sa magandang dilag na areh!!!
"Kung yan ay yelo, lusaw na Pablo!" sita sakin ng itay.
Ang itay talaga!!!
Ang Aza ko naman ay may kasupladahan eiy! Di man lang ako tinitingnan!
Walang kuryente deni sa amin pero nakakatuwa at maliwanag deni sa paligid!
Sabi ni Aldric ay solar light daw tawag sa ganire. Kanina ay kami ang nag-ayos noon. May apat silang dalang ganeri kaya pati deni sa loob ng bahay ay malaya kaming nakakagalaw. Isa sa bahay kubo nila, isa deni sa tambayan, isa doon sa loob at isa doon sa labas ng bakuran para malaman kung sino ang tao.
Yuong sa bakuran ay nakakahanga! Patay sinde! Sensor gha ang tawag doon.
At kahit gabi na sa wakas ay malaya ko paring napagmamasdan ang irog ko.
Hindi ko pa nakakausap aring aking darling na si Aza mula pa kanina at akoy nahihiya pa.
Sa totoo laang, ang sakit pa ng sikmura ko eiy dahil sabi ng inay ay amasona daw areng iniibig ko. Yun daw ang nakikita nya dahil sa napatulog daw nito ako sa isang suntok laang.
Pero di ako naniniwala dahil sa mahina lamang ako kanina.
Sa ngayon... nacoconfuse gha ako na baka akoy panget kahit alam kong akoy gwapo. Nahihiya talaga akong lumapit eiy. Tinotorpe gha ako. Parang ganun. Tumitiklop ang pagkakamali kow.
Pero susubukan ko na ngay-on.
Pupunta na sana ako sa kabilang kubo ng biglang may mga putang *na nagkagulo!
Biglang umilaw ang sensor.
At ang mga maligno nagulat!!!!
Nahulog sa fishpond!!!!
Ay ang tatanga eiy!!!
"Bwaahahahaha"
"Empoy!!! Kayo pala!!! Anong mayroon!? At bakit kayo lumusong diyan!? " bati ni itay.
"Bwahahahaha" di ko talaga mapigilang tumawa.
"Ka Loloy, ala eiyyyy!!! Akala namiy kinidlatan kami eiiy!! Napakatarandado naman nering si John, nadamay pa akong nahulog deni " sagot ni Empoy.
"Ayyy hala magsipag-ahon na kayo. Ano bang sadya ninyo!? "
"Ka Loloy, areh hong mga ito, dadayo raw ng pagpapakilala. Nakakapagtakang deni ako dinala sa inyo! Kung si ate Phoebe, may asawa na yuon! dadayo pa ng harana!!!? " dinig kong winika ni Empoy.
Patay!!!!
"Ka Loloy, pasensya na ho sa abala. Eiy makikipagkaibigan po sana kami diyan sa bisita po ninyo kaya kami napareni. Ehhh kaya lang nagulat kami na biglang lumiwanag eiy. "
Arehhh na nga ang sinasabi ko!!!!
Mga animal!!! Uunahan pa ako!!!