CHAPTER 15

1120 Words
PABLO POV Akala koy tapos na! Pinauwe na nga ng itay ang grupo ni Empoy kanina pero kakainis eiy! May tatlong ghang d*monyo na namang dumating! Nagulat din sila doon sa sensor light kaya laang, sayang gha. Isa laang ang nahulog kaya naiwan ang dalawa. Hindi na laang nilahat. Nakakaaduwa talaga eiy. Mga sentonado naman kung umawit!!! Dapat doon sila sa may burol kumanta eiy, wala namang patay deni! May mga dala pang kamote at piling ng saging! Ano areh!? unggoy!? Ang matindi pa ritoy mga animal, ginawa akong translator!!! Ohhh sigeeeeh! Di ko naman maaaring iwanan areng irog kot baka ako maisahan ng mga animal. At ganireng tawa pa ng tawa ang aking bayaw na si Aldric sa pagpapakilala pa laang kanina! Eh kagalingang ko ba namang magtranslate eiy. Kaya laang areng kapatid kong dalawa ay kasama tumingin sa akin! Bantay sarado din nila ako eiy! Para ghang akoy kikitilin ng kanilang mga mata sa pagiging translator ko. Tanggapin nalang nilang ako ang expert sa english deni. Ahhh ahhh! Ano ghang problema ng mga areh!!! Di na laang magsipagtulogan! Areng si Havier at si Lando, di na maalis ang tingin sa irog ko eiy. Mabuti na laang at may pagkasuplada areng irog ko. "Pare pakitranslate naman na siya pa laang ang nakikita kong binibini na napakaganda eiy, talagang nahulog ang puso ko sa kanya!" Arehhh na ngang sinasabi ko! Napakamot tuloy ako sa ulo. "Ayyyy asusss akoy pinagluluko mo eiy. Yaan din naman ang sinabi mo kay Ana noong ikay sinamahan ko mangharana! Nagkataon laang na ako ang ginusto nuong nililigawan mo! " eiiy pambabara ko. Katutuhanan yuon, kaya hindi na ako isinasama nito bilang taga awit niya. "Alay si Pablo naman eiy nakaraan na yuon.... Junior ikaw na laang ang mag-english noon, gagawan kita ng saranggola bukas bilang kabayaran!!! " Ang animal, sinuhulan pa ang kapatid ko eiy! "Ay siya ako na!!!! Kabata pa niyang bunso ko eiy matututong maging bolero sa gawa mo eiy! " Ayyyy kahirap nat baka mainlove ang irog ko sa animal na negrong areh!!! "Aza, Havier said that your not the only one beautiful here eiy and so many beautiful here all around." seryuso ko ghang sabi na tinaasan ako ng kilay ng irog ko. Ahhhh ahhh! Nagkaka-eye contact na kami niyan!!! Kagaling gha!!!! Kung kanina ay hindi niya ako pinapansin, ngayon naman tinatapunan na niya ako ng pansin. Di ko tuloy mapigilang ngumiti sa kanya eiy!!! Ayyy oo nga pala!!! Di ko pa naipagmamayabang sa inyo eiy, kaganda nga pala ng ngipin ko.... Mapuputi areh at alagang bayabas noong kabataan ko pa. At noong nagbinata nay syempre nagsisipilyo na ako! Nakikipaghalikan na ako eiy. Kakahiya namang may tinga pa ako sa ngipin! Areh pa! pati labi ko, kapag iyong napagmasdan, ay papangarapin mo ng akoy mahagkan! Hanggang sa panaginip mo, ako parin ang iyong makikita! Sa nipis gha neri at pula abay kikilitiin ka na neri sa kilig. Kung maalala nyo nga si Sofia, ganuong ganuon eiy. Bigla na laang akong itinuka. Ohhh arehhh na, ibinigay ko na ang masarap kong ngiti kay irog. Kataray talaga ayyy siya..... "Don't believe in him my love. Because for me, your the only one beautiful in my eyes! " Eye to eye contact pa yan, alalahanin nyo!!! "Eiiih!!!?" alay nagulat ko ata si irog! Pinanlakihan ako ng mata! Nagpapakatotoo na ako at mabuti na yuong nagpaparamdam na! At isa pay di ko na matiis. Kaya putang *na mo Havier umuwe kana!!!! "Bwahahaha!!! " si Aldric yuon eiy, di ghay supurtado ako!!! "Okay Aldric my friend!? Okay my english? Clear and understand!? " tanong ko at abay nag-approve eiy. Ohhh ayannn hah! Bayaw ko na ang nag-approved! "Tais-toi Aldric ! Ce n'est pas drôle ! Pourquoi dois-je les affronter eiiih !!!?" dinig kong winika ni Aza. (Manahimik ka Aldric! Hindi nakakatuwa ! Bakit ko ba kailangang harapin ang mga yan eiiih !!!?) Ala eiiiy di ko alam kung paano itranslate yuon!!! Ano kayang lengwahe yuon!? katunog ng pangkastila eiy! "Pablo anong sagot!!!?" tanong sa akin ni Havier. "Ay teyka laang, tanong ko rin kung ano yuon! Gumamit ng alien na lingwahe, english laang ang alam ko! " tugon ko. "My friend, what did she say!? " "She said thank you my friend! Keep it up!!! Bwahahaha!!!" natutuwang sagot ni bayaw pero sinipa yuon ng irog ko. Kakatuwa talaga ang magkapatid na areh! "Ahhhhh!!! Ok my friend! I got it! " " Ala eiy Havier, salamat daw pero di daw siya interesado sa pag-ibig mo at abala daw siya." "Alay di naman ako nagmamadali eiy Pakisabi na tulad din iyan ng pagtatanim. Handa akong maghintay hanggang magtag-ani. " Tingnan mo areh! Paano ko gha mapapasuko toh!? May nalalaman pang pagtatanim at ani eiy! "Alay eiy Havier, paano na laang kung binagyo ang itinanim mo!?, wala ka ng aanihin noon. Katarantado mo eiy!! " Halaaahhh at narinig ko nanamang tumawa si Aldric. Napakamot tuloy ako sa baba ko. Wari ko bagay naiintindihan kami nere!? Pero parang hindi naman siguro... kasiy sa kanyang cellphone naman siya nakatingin eiy. Madalang lang sa amin deni ang may cellphone. Cellphone gha na pindot pindot laang, pero yuong kay Aldric ay maliit na tv na hinihimas. Napakataas na teknolohiya na ang gamit tulad noong kay King David gha. "Alay, diskarte ko na areh. Sige na Pablo, sabihin mo na. At ng mapanatag naman ang loob ko. " "Ay siya! Siya! Ano nga ulit ang sasabihin ko. Ulitin mo! " Tangnang animal toh! Nakakaaduwa na talaga! "Sabihin mo na handa akong maghintay, tulad gha ng pananim na inalagaan hanggang sa dumating ang araw ng tag-ani. " "Ahhhh.... Eh Havier, paano na laang kung bansot!? At hindi namunga? Wala kang aanihin nuon!? Kung halimbawa na laang ha!!! " "Bwahhahahaha! " si Aldric. Bigla kaming napalingon sa dalawa. "Nyahhhhh!!! " si Aza ko naman yuon na hinablot pa yuong cellphone at hinagis sa fishpond!!! Halllaaahhh eiiiyyyy!!! Sayang yuon! "What the f**k sis!!! "sigaw ni Aldric. Nag-away na ang magkapatid. Naku poh!!!! "Bwahahahaha!!! " Ayyy ohhh! Tumawa naman!!! Yung totoo!? "My friend, your cellphone!? " concern ko. "Its okay my friend. Water proof bwahahahaha!!! " "Ahhhhh.... Okay I will get it for you! " ani ko na tumayo na ako. Kaya lang bigla akong pinaupo ni Aza. Hinawakan niya ang kamay ko eiy! Ayyyyyyy!!!! Wahahahaha Kinilig mandin ako! Kalambot ng kamay! Alahhhhh hoyyy!!!! hindi na ako maghuhugas mamaya at akin na areng hahalikhalikan! "Would you like to get that for me Havier!? " At nalintikan na! Kalambing ng boses ng irog ko na wari ghang inaakit nya si Havier. Ayyy anak ng kalabaw!!! Areng si Havier ay napalunok eiy! "Pablo, ano ghang sabi!? " "Ano, ang sabi ay gusto na niyang matulog. Magpapahinga na raw siya. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD