CHAPTER 16

1060 Words
PABLO POV Kalaking kaluwagan sa aking dibdib mandin eiy ng umuwe na ang bisita ni Aza. Mga animal gha yuon, ayaw pang magsipag-alisan - at gusto pa talagang sabihin ko muna yuon pinasasabi niya kay Aza. At ang kakaluko deni ay si Junior na ang nagtranslate. Ayaw ko sana eiy! Pero okay narin at ganeri pa ang pagkakasabi oh - baybay na baybay niya ang kada salita... "Ate Aza, - Kuya Havier said, his love for you is like a plant. He will going to wait nyo until you give birth plant too then he going to harvest you. " "Bwahahaha! " kadami kong tawa eiy para tuloy akong baliw deni. Sabay pa kami ghang tumawa ni Aldric kanina kaya ang ending areng aking irog na si Aza hindi nakayanan. Alay asar na asar na pala. Nagtitimpi laang. Abay sinapak na ang kanyang kapatid sa harap namin. At akoy pinanlisikan din ng mata eiy. Tama nga ang inay, may pagkaamasona areng iniibig ko. Pero kaya ko naman eiy! Ako pa! Matutuwa ka rin sa magkapatid na areh. Sabi ng inay ay palagay daw ang loob niya sa dalawa at ganun din ang dalawa dahil sa welcome na welcome na agad sa pamilya. Nakikipagbiruan na agad si Aldric maliban kay Aza gha na si Junior laang ang kaclose. Bagamat ang inay ay kapalagayan niya sa galawan. Mabilis gha ang pakiramdan ni Aza. Matulungin. Ay oo nga pala kalungkot lang deni ay babalik daw sila Havier bukas. Kung hindi laang masama ang mag-isip na sana ay mapilayan siya bukas oh kaya magkasakit ay ipinagdasal ko na eiy. Kanina ay ako na ang sumisid ng umalis sila. Kinuha ko yuong itinapon ng irog ko na cellphone. Kaluko ring babae eiy. Ayyyy hayaan na nga laang at poge points naman eiy at hindi naman pwedeng si Havier ang makapuntos. At totoo nga, wala man laang nangyari sa cellphone ni Aldric eiy. Hayun ngat pinaglaruan agad ni Junior. Naligo narin ako pagkatapos kong makuha sa palaisdaan yuong cellphone. Pagbalik ko sa tambayan eiy ang akala koy nasa kubo na sila. Wala pa naman akong baro na pantaas at nakasalawal laang ako ng manipis, kaya labas ang aking matitigas na bato bato sa katawan habang pinupunasan ko ng bimpo ang aking buhok. Kaya ang resulta abay syempre nasermunan ako ng itay. "Mahiya hiya ka nga Pablo! May bisita tayong babae!!! Ikay maiitak ko na!!! " "Pasensya na po itay, akala ko hoy namamahinga na sila. At isa pa itay, baka maakit ko areng binibini ng aking kagandahang lalaki ba! Masubukan ko kung marupok siya eiy hindi na ako mangingiming pakakasalan ko na agad siya. Tayoy mamulungan nha! " At sa sinabi ko ay nasamid ang irog ko. Ala eiy! Bakit parang naintindihan niya ako o nagkataon lamang? "Tumigil ka Pablo at mahiya kah! Ikay hindi na bata para punahin at pagsabihan! Sasan-gutin ko na iyang leeg mo ng makita mong hinahanap mo! Bigyan mo nga ng kahihiyan areng pamilya natin. " Alaaahhh eiy galit na ang itay! "Itay naman hindi na mabiro eiy. Areh na magbibihis na hoh. " Nagkayayaan pala sila ng inuman. Mabilis pa naman uminit ang ulo ng itay pag nakainum. At pati areng si Nicolo ay nabarik na rin eiy. Ayyy oo nga pala, di ko pa nasasabiy, lambanog ang binabarik nila. Habang ang aking Aza ay kumakain ng mga shesherya. Silang tatlo ng inay at Junior gha. Close na agad sila eiy. Si ate naman kasiy hayun at nasa loob, inaayos yuong mga pagkain ng mga kano. May mga grocery din kasi silang baon kaya tuwang tuwa si Junior eiy. Hayun ngat bangus ang kanilang pulutan bukod doon sa mga chips na nilalantakan ng mga inay. Pabalik na ako sa loob ng makarinig kami ng sunod sunod na putok ng baril. Apat na putok. "Alahhhh eiiiyyyy ano yun!!! " bulalas ng inay. "Putok yuon ng baril! Teyka laang at lalabasan ko. " sagot ng itay. "Wag na po itay! / tatang / Lorlan hindi ka lalabas! " chorus naming apat. Si inay, ako, Junior at Nicolo. At syemprie, anong panlaban ng itay doon! Wala naman siyang balute o agimat ni Panday eiy! "Ala eiy! Hindi maaari! Baka kababayan natin yuon! " kaya sabay sabay na kaming hila sa itay na ipasok siya sa loob ng bahay. "Alay wag nyo akong pigilan!!! Mag-iingat naman ako eiy! Mag iikot laang rin ako!!! " sigaw pa ng itay. Ng biglang namatay ang lahat ng ilaw. Natira ay ang liwanag ng lampara namin. "Itay manatili ka riyan! Maghulos dili ka! Huwag kang masyadong magpakabayani! " dinig kong sambit ng ateh. Naalala ko sila Aza at binalikan ko sila sa tambayan. Ngunit ng makita ko ay wala na yung dalawang magkapatid roon. Agad akong pumunta sa kanilang kubo at wala rin sila roon! Ayyyy putang *na!!!! Agad na akong kumuha ng itak at lumabas. Dito ko naaninag na may naghahabulan. Isa't dalawa ang isip ko kung akoy susunod eiy. Ay utang na loob, itak laang ang mayroon ako!!! Makakabutas areh kung malapit ang kalaban pero ala eiy baril yuon eiy!!! Pang malayuan! Pero bahala na eiy! Nanaig ang pagmamahal ko kay Aza. Sa ngay-on laang talaga ako nagmahal ng ganereh! Sumunod na ako sa habulan. Sa nakikita ko ay may anim na katao sila at nagmamadali. Habang may tangan tangan silang di ko malaman kung- Alahhhh eiiiy hindi kaya tao ang kanilang tangan tangan!? Yuon kaya!? Siya kaya ang binaril kanina!? Sanay sa dilim ang mga mata ko - kaya naaaninag ko sila. Pero teyka laang- Nasaan ang aking Aza!? Ang aking bayaw!? Putang *na naman oo! - Makakasaksi pa ako ng ganireng kakumplikado! Bahala na si Batman!!!! Nakarating na kami deni sa burol. May kunting kakahuyan deni kung saan ako nagkukuble. Kaduluhan na areh ng lote at may lawa deni sa bandang baba kung saan sila bumaba. Mayabong rin deni ang talahib at wala pang masyadong napunta para bungkalin ang lupa. Wala akong makitang Aza deni at Aldric. Saan kaya pumunta ang mga yuon!!!! Aza naman! Magsisimula na laang ang love story natin eiy ganire na agad! Ako sana ay lalayo na ng biglang sumablay ang aking paa at dumaosdus akot nakalikha ng ingay!!! Nakuuuu poooohhh!!! Kung minamalas nga naman!!! Kasabay neri ang sunod sunod na putok sa gawi ko. Inayyyy ko po!!!! Sisigaw sana ako ng may dumagan sakin at tumakip ng aking bibig!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD