AZA POV
Nakakapagtaka na walang sumalubong na Alex, Aim, at Alc samin.
Nauuna kasing umuwi ang mga ito samin after training.
Sa bundok na rin kami ngayon nag-eensayo at may chopper lamang si lolo Andrew na naghahatid sundo samin.
Yes, si Alcibiades ay narito narin sa Isla na isang araw lamang ang pagitan at masasabi kong close kaming dalawa. Kamukha ko daw kasi si mama sabi ni lola kaya sakin dumidikit ang bunso kong kapatid.
Then I heard some tickling voice. Parang may nagkukulitan sa loob ng bahay na madalas ay kami lang naman ang gumagawa nun.
Nagkatinginan kami ni Aldric.
So, patakbo na kaming pumasok ng bahay then we saw mama.
Yes si mama!!!
Napatalon ako sa saya pero-
Haiiiissshhht!!!! So daya dahhhhh!
Sabi ko sa inyo eh, iyakin si Aldric.
Ako dapat ang iiyak pero inunahan nanaman niya ako at nakayakap na agad sya kay mama.
Pero ako, di man lang makasingit. Apat ba naman silang lalaki!
Hmmmmp Tskkkk!
"Mama.... " tawag ko sa kanya at nakanguso na ang labi ko.
"Later.... " lip sign lamang yun ni mama sakin kaya nagpakalong nalang ako sa tight ni lolo Andrew.
Babawe naman ang mama ko kaya ok.
Prinsesa naman ako ng lolo ko.
"Mama, how's papa!? " tanong ko.
Dahil nandito si mama, mas lalo kong namiss si papa.
Napatingin sakin si mama at alam ko na pilit ang ngiti nya.
Hindi rin niya sinagot ang tanong ko.
"Dont stay her too long mama okay? " ani ko sa malungkot na boses.
Ayaw kong sabihin yun pero papa needs her.
Ngumiti sya sakin at tumango.
"I will sweetie. I just wanted to check you all. "
"Dont worry po. We are fine here. "
Pagsapit ng gabi ay ang higpit ng yakap sakin ni mama. Sabay pa kaming nag warm bath at iniscrub nya ang likod ko at nagbabad pa kami sa mainit na tubig.
Pinagblower nya rin ang buhok ko after at higit sa lahat ay magkakatabi kaming natulog sa sahig withfoam. Ayaw kasi naming mahiwalay kay mama na kahit sila lola nakijoin.
Si Alcibiades ay sa dibdib ni mama natulog at magkabilaan naman ang kambal , at si Aldric ay naunahan ako sa ulonan ni mama na nakayapos sa leeg.
Ayaw ko naman sa paanan at baka ako matadyakan.
Hindi na ako nagtampo kasi katabi ko naman ang lola ko na yakap yakap din ako.
Kinabukasan ay kasama ni mama si Alcibiades sa training.
Sa kambal, di kami nahirapan ni Aldric dahil ang galing ng dalawa. Enjoy na enjoy pa nila ang training na ibinibigay sa kanila at ginagawa pa nga nilang laro ito lalo na ang pagswimming.
Mabilis mo namang makilala si Alex dahil may nunal ito sa sentido at ang isa naman na si Aim ay malinis ang mukha.
Isang Linggo lang si mama nagstay dito. Medyo nahirapan kami sa bunso namin dahil hinahanap na naman niya si mama. Kaya si lola to the rescue na pati pabango ni mama ay pabango nya narin.
Hindi naman ako pwede kasi more time kami sa bundok.
At dito ko nabalitaan na si mama ay kasama na ni papa sa office magwork.
Naging sweet ang dalawa. Feeling binata at dalaga sabi ni lolo.
Although hinahanap hanap kami ni papa but everytime na naririnig ni papa na masisigla kami rito ay nababawasan yung pag-aalala nya.
I was eighteen year old ng matapos namin ni Aldric ang training namin. Its so mahirap dahil natuto na akong kumitil ng buhay ng mga hayop.
Nasabayan ko ang kakayahan ni Aldric dahil like what mama said, I have skills and ability na tanging Jones lang ang nagtataglay nito dagdag pa na porsegido talaga ako sa training. Pero mas malakas at suplado lang talaga ang kapatid ko.
Hindi lang ako nagpapahuli sa kanya. ang
Pangarap ko ang maging special agent na ngayon ay natupad ko na. Nakakasama na ako sa mga forces of government operation.
Ang kapatid ko ay kadikit ko lagi sa lahat ng misyon. Kahit gusto ko ng magsolo ay hindi pa napayag ang aking lolo at wala pa daw akong bente. Masyado nya rin akong pinoprotektahan dahil sa mga banta ng papa ko sa kanya.
Sabi pa ni mama, si uncle Adir ang kanyang partner noon bago sya nagsolo sa edad na twenty, kaya pumayag na ako.
Madalas nasa mga buy bust operation kami ni Aldric. Kami ang laging nasa likod ng kanilang tagumpay. Napili rin kaming shadow ng Queen of England for almost six months.
We enjoyed our job being agent of ACES Target. Laging may action. Masama ang kumitil ng tao , pero for me, masama kung inosente ang napapatay ko. Lalo na until now ay hindi ko parin makontrol kahit ang mga daliri ko kapag nasa high emotional state ako.
Tandang tanda ko pa na pinalamon ko ng bala ang rapist na naaktuhan kong ginagahasa ang limang taong gulang. At mula noon mahirap na akong pangitiin ninuman. Kahit si Aldric ay naging uhaw sa dugo ng mga kriminal.
Dito namin nabalitaan na si mama got pregnant on her age of 42.
Aldric and I are nineteen na. At ang layo ng gap ng age ni Alcibiades sa pinagbubuntis ni mama. Ten to eleven years!
Ito pa ang malupit kasi boy nanaman ang anak ni mama after na magpasurprise delivery. Di na ako umasa na magkakaroon pa ng babae na kapatid dahil naniniwala akong last na yun ni mama at nakalusot lang ang sperm ni papa.
Matatanda na pero naglalaro parin sa kama.
Sabi nga ni lolo Andrew, Im the only princess of Jones Smith. At habang nabubuhay sya ay proprotektahan nya ako.
May apat na buwan kaming bakasyon ng kapatid ko. Kaya naman makakauwe na kami ng Pilipinas. I am twenty na kaya mas maeenjoy ko na ngayon ang pagiging agent ko.
Mamemeet ko narin ang bunso naming kapatid.
Kaya lang hindi kami magsstay kina papa at mama dahil may mission kaming magkapatid.
We're going to Lian Batangas. Ito ang itinuturo ng formula na pinasolve sakin ng kapatid ko. Sana lang tama ako sa putang inang pagsolve ko sa formula. Kung hindi ay mababatukan ako ng magaling kong kapatid.
Pero sampung taon kong pinag-aralan yun at iisa lang talaga ang itintutumbok noon. Batangas.
Nakuha narin namin ang title of land ng lupa na talaga palang nasa pag mamay-ari ng taong nagbigay ng mana sa kanya.
Kaya lang ayon sa nakalap naming impormasyon ay may mga mag-sasaka roon at doon na mismo naninirahan. Nagsilbing hacienda ang lugar doon n pinangungunahan ni Kapitan Lorlan.
May mansion lamang silang hindi pinapakialaman ngunit iniingatan.
Mayroon ding mga naghaharian at mga nangangamkam ng mga lupa. Lalo na at pinamumunuan sila ng isang kilalang senator sa bansa pero matatapang din umano yung mga magsasaka na ayaw pakawalan ang lupang sinasaka.
Kaya naman dahil sa mga hilaw kaming banyaga, magpapanggap na lamang kaming adventurer kahit alam naman naming kay Aldric ang lupang yun.
Sa ngayon, uuwian na namin sila papa at mama!