Chapter 6

2399 Words
Chapter 6 Tori’s Point of View Nang dumating ang alak at pagkain na in-order ni Israfel gamit ang telepono ay nagsimula na siyang uminom ng alak habang katabi ko siya at nananatili pa rin ang takot ko sa susunod niyang gagawin sa akin. Marami na ang naiinom niya kaya mas natatakot ako dahil baka mas malala pa ang gawin niya sa akin at hindi na siya magpigil kapag lasing na talaga siya. “Anong bang mayroon ka, Victoria? Bakit lahat na lang sila nagugustuhan ka?” tanong sa akin ni Israfel na ikinagulat ko dahil tuminigin na naman siya sa akin saka hinawakan ang pulsuhan ko. “Sumagot ka dahil tinatanong kita!” galit na utos sa akin ni Israfel at nagtaas na naman ng boses. “H-hindi naman lahat g-gusto ako, na kagaya mo s-saka ng Mama mo,” tugon ko na lang. “Hmm, tama ka,” tugon ni Israfel. Namumula na ang mukha niya at namumungay na ang mga mata niya marahil dahil sa kalasingan. “Ayoko sa’yo at galit ako sa’yo!” “A-alam ko naman na hindi mo ako gusto. Hindi ko rin naman ipipilit ang sarili ko k-kaya sana, Israfel, h-hayaan mo na lang ako. S-simula bukas, iiwas na talaga ako sa’yo, pipilitin ko rin h-huwag nang masiyadong magpunta sa bahay niyo p-para hindi na magalit ang Mama mo dahil nandoon ako at ikaw rin,” puno nang pakiusap kong sabi. Ngumisi si Israfel saka hinawakan ang baba ko pero hindi naman mahigpit kaya hindi ako nasaktan. “Gusto kita, Victoria.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Gusto kitang paglaruan at saktan para makaganti ako kay Papa at ganoon na rin sa’yo sa pang-aagaw mo ng atensiyon sa amin ni Papa. Deserve mo iyon dahil pumasok ka sa pamilya namin!” puno ng poot na tugon ni Israfel sa akin na ikinahina ko nang loob. Iba ang ibig sabihin ng gusto niya ako para sa kaniya. Hindi iyon dahil may paghanga siya sa akin o nagugustuhan niya ako bilang bahagi ng kapamilya nila. Hindi katulad kong nagustuhan ko siya sa taglay niyang gandang lalake, talino at pagiging mapagmahal na anak sa Mama niya. Hindi ako magugustuhan kailan man ni Israfel kagaya ng nararamdaman ko sa kaniya at isang mang-aagaw lang ng Tatay ang tingin niya sa akin. Nagulat ako at napasigaw nang dumagan si Israfel sa akin dahilan para mapahiga ako sa sofa. Natatakot akong baka pagtangkaan na naman niya ako ng masama kagaya kanina kaya nagpapalag ako sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto na kinaroroonan namin at niluwa niyon si Kaan at Diego na mabilis lumapit at hinila si Israfel. “Nawalan ng malay,” sabi ni Kaan habang nakatingin kay Israfel na nakapikit na at umungol. “Lasing na lasing, eh,” tugon ni Diego saka isinandal sa sandalan ng sofa si Israfel. Walang tigil ang mga luha ko saka umatras palayo kay Israfel. Tumingin sa akin si Diego saka tumingin kay Kaan. “Ihatid mo na sa bahay nila itong bata at kami nang bahala sa lasing na ito,” utos ni Diego kay Kaan. “Sige,” payag ni Kaan. “Tara na, Victoria, iuuwi na kita,” aya ni Kaan sa akin. “P-pero b-baka magalit si Israfel kapag umuwi na lang ako nang hindi niya alam?” natatakot kong tugon. “If I were you, go home as long as Rafel is unconscious now because maybe what else can he do to you once he regains consciousness and you are by his side,” tugon ni Diego sa akin. “Sumama ka na kay Kaan, mapagkakatiwalaan siya at ligtas kang makakauwi sa inyo.” Napatango na lang ako at tumayo na. Mas mabuti ngang umuwi na ako dahil baka kung ano pang gawin sa akin ni Israfel sa oras na magkamalay siya. Mas magiging ligtas ako kapag napalayo na ako sa kaniya. Gagawin ko na lang ang lahat para hindi na niya ako malapitan pa at madala kung saan kagaya nang nagawa niya ngayon at iiwas na lang ako sa ikakagalit niya sa akin. Matapos nang gabing iyon ay pinilit ko na talagang makaiwas kay Israfel. Naging dahilan din kaya hindi na ako nagpupunta sa bahay ni Papa Sebastian at nagdadahilan na lang ako na tinatanggap naman ni Papa at Alijah subalit palagi pa rin kaming nagkikita ni Papa at Alijah dahil sila na mismo ang nagpupunta sa bahay kapag may oras sila at namamasyal naman kami kung saan-saan. Ayos na iyon, ang mahalaga ay hindi na ako nakikita ni Israfel sa bahay nila at hindi siya nagagalit sa akin dahilan para gustuhin niyang gantihan ako. Nakapagtapos ako ng high school na dinaluhan ng mga Nanay ko at si Papa at sa Unibersidad na pinag-aaralan ng Kolehiyo ni Alijah ako pinag-enroll ni Papa, noong una ay ayoko dahil tiyak na magtatagpo ang landas namin ni Israfel lalo pa at doon din siya nag-aaral saka pangmayaman ang paaralan subalit ipinilit sa akin ni Papa at sinabihan pa akong sasama ang loob niya kapag hindi ako pumayag kaya wala akong nagawa kundi ayunan na lang siya. Sa unang taon ng pag-aaral ko talagang palagi akong kinakabahan dahil nakikita ko minsan si Israfel sa unibersidad at ang mga kaibigan niya na nakasama namin sa bar maliban lang kay Diego. Alam kong nakikita ako ni Israfel kahit ng mga barkada niya dahil tumitingin sila sa akin kapag napapadaan ako sa lugar kung nasaan sila pero nagpapasalamat ako, na hindi naman ako pinapansin ni Israfel at parang wala naman siyang nakita sa tuwing nagkakataong magkakasalubong kami o nasa iisang lugar kami. Napansin kong kilala si Israfel sa University at ganoon din ang mga kaibigan niya dahil kapag magkakasama silang nasa cafeteria ay naririnig ko ang bulong-bulungan na sila ang pinag-uusapan at kilala si Israfel bilang isang matalinong istudyante sa school. Mukhang iniingatan ni Israfel ang image niya sa school kaya siguro minabuti niyang huwag na akong pansinin at awayin para hindi masira ang magandang imahe na pagkakakilala sa kaniya sa school. Mabuti na rin talaga para maging tahimik ang buhay ko lalo na at dalawang-taon na Israfel na mag-aaral sa school at ga-graduate na siya. Mas pag-iigihan kong pag-iwas sa kaniya habang nandito pa siya at pati na rin na maiwasang galitin siya. Sa ikalawang taon ko sa Kolehiyo ay marami na akong naging kaibigan at may ibang nanliligaw na rin sa akin. Eighteen years-old na ako pero dahil nag-aaral pa ay laging pinapaalala sa akin nina Nanay at Papa na kahit nasa legal age na ako ay hindi pa ako p’wedeng mag-boyfriend. Sinusunod ko sila kasi hindi naman masama ang payo nila sa akin kaya lang may isa akong bagong kaklase na naging malapit sa akin, matalino at gwapo na hinangaan ko. Iyon si Karlos na kaedad ko lang at nagtapat ng pag-ibig sa akin. Pumayag akong ligawan niya ako nang magsabi siya at naging dahilan kaya lagi ko na siyang nakakasama lalo pa at kaklase ko siya. Doon ko naranasan mas maging masaya dahil sa pagkakamabutihan namin at naranasan kong kiligin sa isang lalake, na nagugustuhan ko rin. Plano kong ipakilala si Karlo sa mga Nanay ko at kay Papa bago ko siya tuluyang sagutin pero hindi pa sa ngayon at humahanap pa ako ng magandang tiyempo. “SASAMA ka ba mamayang gabi sa birthday party ni Lea?” tanong ni Karlos sa akin habang naglalakad kami sa hallway. Galing kami ng cafeteria dahil nilibre ako ni Karlos. Isa sa masaya kapag nililigawan ka ay nalilibre ka at dahil mayaman ang pamilya ni Karlos ay talagang galante siya sa akin at lagi akong nabubusog. Hindi naman nagkukulang si Papa sa akin at malaki binibigay niyang allowance dagdag pa ng mga Nanay ko pero dahil kay Karlos ay hindi ko nagagastos ang ibinibigay ng mga magulang ko na pinangbibili ko ng mga gamit na gusto ko at kapag magyayaya ang mga kaklase ko ng gala ay nakakasama ako kahit mayayaman pa sila. “Oo. Walang magbabawal sa akin sumama sa birthday party ni Lea kasi nasa outreach service sila Nanay at one week sila sa probinsiya,” nakangiting tugon ko. “Pero sa bar daw iyon? Ayos lang ba sa’yo na pumasok tayo doon at magkaroon ng ‘konting inuman?” tanong pa rin ni Karlos sa akin. Bigla ay bumalik sa alaala ko ang unang beses kong nakapasok sa bar. Nakadama ako ng takot dahil hindi talaga magandang unang karanasan iyon sa isang bar pero napaisip din ako na bakit hindi ko subukang pumasok na muli ngayon sa isang bar at palitan ang alaala na iyon ng masayang karanasan kasama ng mga kaklase ko? Para makalimutan ko na ang masamang alaala na iyon sa isang bar at magsaya ako total naman ay nasa legal age na ako. “Gusto ko pa rin sumama. Wala namang masama kasi nasa tamang edad na tayo,” tugon ko. Ngumiti si Karlos. “Huwag kang mag-alala hindi ako magpapakalasing dahil ihahatid pa kita ng ligtas sa bahay niyo,” aniya. Napangiti ako. Isa iyon sa nagustuhan ko kay Karlos, napaka-gentleman at palaging iniisip ang kapakanan ko. Kinilig na naman tuloy ako at ito na naman ang malandi kong puso para kay Karlos at tumatalon-talon. Dahil sa kalandiang nararamdaman ko ay niyakap itinulak ko si Karlos na hindi niya napaghandaan dahilan para matumba siya at mapahiga sa sahig ng hallway. Natataranta akong dinaluhan si Karlos at tinulungan na tumayo, namumula man sa kahihiyan si Karlos ay tumawa lang siya habang tumatayo at pinagpag ang damit at pants na suot niya. “Sorry!” mabilis na hingi ko nang tawad. “Ikaw kasi, pinakilig mo ako masiyado!” paninisi ko pa sa kaniya na tinawanan naman niya. “It’s okay. Sanay naman na ako na kapag kinikilig ka bigla ka na lang nanunulak. Hindi ko lang napaghandaan ngayon,” nakangiting tugon niya sa akin. “Mabuti hindi ka natu-turn off sa akin?” pabebeng tanong ko dahilan para matawa si Karlos pero hinaplos niya ang pisngi ko. “Bakit ako matu-turn-off, eh, mahal kita,” tugon ni Karlos na lalong ikinalundag ng puso ko. “Tara na nga, ihahatid na kita sa bahay niyo at may lakad pa tayo mamayang gabi,” aya niya saka hinawakan ang kamay ko. Nag-holding hands kami habang naglalakad at masayang nag-uusap habang nakatingin ako sa kaniya saka kami lumiko. Nagulat pa ako nang may mabangga akong matigas na bagay pero mabango kaya mabilis akong lumayo dahil napagtanto kong tao iyon at napatingala ng tingin. “Victoria!” nakangiting bati sa akin ng nabunggo ko. Nanlaki lang ang mga mata kong napatingin sa kaniya at naramdaman kong hindi lang siya nag-iisa dahil nakita ng peripheral vision ko na may mga kasama siya. “Nakalimutan mo na ba kung sino ako? Si Draco? Three-years na yata nakakalipas noong nagkita at nagkausap tayo,” sabi pa niya. “S-sorry kung nabunggo kita,” hingi ko kaagad ng pasensiya at kinakabahan ako dahil baka ang taong isa sa pinakaayaw kong makabangga ay kasama ngayon ni Draco na taong nabunggo ko. “Sorry? Tatanggapin ko sana kaya lang itatanong ko muna sa kaibigan kong nabunggo ko rin dahil sa pagkakabunggo mo sa akin,” tugon ni Draco saka tumingin sa likuran niya. Napakagat ako ng labi na sumunod sa tinignan ni Draco at walang iba iyon kundi ang taong pinakaayaw kong makabangga sa school na ito at lahat ginagawa ko para maiwasan ko lang siya. “F-ck! Nabasa ng soda ang damit ko!” inis na bulalas ni Israfel habang pinupunasan ng panyo ang damit. Napalunok ako ng laway sa takot dahil masamang tumingin sa akin si Israfel at bumaba ang tingin niya sa kamay ko habang magkahawak kami ng kamay ni Karlos. “Hindi naman sinasadya ni Tori ang pagkakabunggo sa’yo saka babae naman siya. Siguro naman hindi niyo na ibi-big deal pa iyan dahil ano naman ang laban niya sa inyo?” sabat ni Karlos. Tumingin si Israfel kay Karlos at alam kong mapanganib ang tingin na iyon kaya kinabahan ako lalo. “Hindi ka naman kasali sa usapan bakit sumasabat ka?” tanong ni Draco kay Karlos at lalapit pa sana kaya lang mabilis akong humarang. “Sorry na talaga, Draco, s-saka sa kaibigan mo dahil nabangga ko kayo,” mabilis kong sabi. “A-ayaw namin ng gulo—“ “Kaibigan mo?” sabat ni Israfel. “Sinong kaibigan ni Draco ang tinutukoy mo, Victoria?” galit na tanong niya sa akin. “Naku, lagot ka na, Victoria,” natatawang sabi ni Midnight na nandoon din. Si Draco, Midnight, Nyx at Israfel ang magkakasama ngayon at mukhang ang mga kaibigan pa ni Israfel na hinahayaan lang si Israfel sa ginagawa niyang kalokohan hindi katulad ni Nyx, Kaan at si Diego, na sinasaway si Israfel noong nasa bar kami tatlong taon na ang nakakalipas. “Ayaw namin ng gulo! Kaya p’wede ba, tigilan niyo kami!” puno nang tapang ko nang sabi saka mabilis na hinila si Karlos at tumakbo na ako paalis doon. Mukhang nakahalata naman si Karlos kaya hindi na siya tumutol at sumunod na lang sa akin dahil hila-hila ko rin naman siya. Mabuti na lang talaga hindi na sumunod si Israfel at ang mga kaibigan niya. “Ang yayabang talaga ng mga iyon! Lalo na iyong Draco na iyon porke’t sila ang may-ari ng school!” inis na sabi ni Karlos. Napatingin ako kay Karlos at huminto na ngayong nakalayo na kami sa grupo ni Israfel at bakas sa binata ang inis. “Iwasan mo na lang sila para maiwas ka rin sa gulo,” sabi ko sa kaniya. “Mahirap din naman kalaban ang mga iyon kasi ang isa may-ari ng school tapos iyong iba naman ay may share rin sa school kagay ng Israfel na iyon kaya nga mayayabang sila,” tugon ni Karlos. Tama, mahirap talagang kalabanin ang mga iyon dahil malakas sila sa school at sikat pa dahil sa taglay na gandang lalake, kayamanan at mga matatalino pa. Minsan napapaisip ako na bakit binigay na sa mga kabataan na iyon ang lahat samantalang ang pangit naman ng ugali nila lalo na si Israfel. Malala na raw ang kasamaan ng ugali ayon kay Papa Sebastian at pinaghihinalaan pang baka gumagamit na rin daw ng pinagbabawal na gamot kaya mas pumangit ang ugali. Ngayon ko napagtanto na si Israfel ay walking red flag kaya nakakakilabot na nagustuhan ko ang taong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD