Chapter 5

2229 Words
Tori’s POV Sa isang bar ako sapilitan ipinasok ni Israfel kahit ilang beses akong nagpapalag at tumutol ay hindi pa rin naging dahilan iyon para makawala ako sa kaniya at tuluyan na niya akong naipasok sa bar saka dumiretso kami sa isang kwarto. May mga lalake at babae sa kwarto na mukhang mga kaibigan ni Israfel. “Raf, teka? Hindi ba iyan si Victoria? Iyong binully mo noong nakaraang-araw at hindi ba, bata pa iyan?” gulat na tanong ng isang kaibigan na lalake ni Israfel nang makita ako. “Oo, siya nga,” tugon ni Israfel saka hinila ako paupo sa sofa at wala na naman akong magawa kundi sumunod sa paghila niya sa akin. “Raf, minor pa iyan? Bawal pumasok ang minor sa bar ko!” reklamo kay Israfel nang lalaking una nang kumausap sa kaniya. “Nyx, easy ka lang. Sa likod naman ako dumaan at hindi naman ako binawalan ng guard mo doon—“ “Paano kung magsumbong iyan sa Dad mo at sabihin na dito sa bar mo siya dinala? Pati bar ko mapapahamak dahil sa’yo!” sabi ng lalake na Nyx pala ang pangalan. “Itong si Victoria, magsusumbong?” tanong ni Israfel saka tumingin sa akin at hinila ang braso ko saka pinadikit ako sa katawan niya. “Magsusumbong ka na naman ba?” nagbabantang tanong niya sa akin. “H-hindi ako magsusumbong. P-pangako, k-kaya hayaan mo na akong umuwi k-kasi siguradong inaantay na ako ni Alijah,” utal-utal na tugon k okay Israfel. “Tinatakot mo naman kasi, rafel. Huwag mong takutin at mukhang nanginginig na sa takot dahil sa’yo,” natatawang sabat ng isa pang lalake na kasama nila sa kwartong iyon. Napatingin ako sa lalaking iyon na may ngisi sa labi at may kaakbay na babae na todo pulupot naman sa braso niya at nakahilig ang ulo sa dibdib. Halos lahat ng kaibigan ni Israfel ay may mga gwapo kahit ang mga kasama namin ngayon sa kwarto na ito. Kitang-kita ko ang mga itsura nila kahit medyo madilim sa loob dahil sa ilaw na medyo malabnaw ang kulay na pula. May maliit at mahabang mesa sa harapan nila na puno ng alak at pagkain na sa tingin ko ay pulutan nila at amoy alak at sigarilyo sa loob ng kwarto na nahaluan pa ng iba’t-ibang pabango nila. Inakbayan ako ni Israfel. “Hindi magsusumbong ito, takot lang niya,” nakangising sabi ni Israfel sa mga kaibigan niya. “Victoria ang pangalan mo, tama?” tanong ng lalake sa harapan namin ni Israfel na pangalawang kumausap kay Israfel. “O-opo,” tugon ko. “Ako nga pala si Logan,” pakilala niya sa sarili. “Ilan-taon ka na nga ba?” tanong muli ni Logan sa akin. “F-fifteen po,” sagot ko. “Bata pa nga,” nakangising tugon ni Logan. “Child abuse ang ginagawa mo, Rafel! Kapag iyan nagsumbong lago ka pati ang bar ni Nyx!” sabat na pang-aasar pa ng isa. “Manahimik ka na nga lang, Draco! Lalo mo lang akong pinoproblema, eh!” inis na tugon ni Nyx sa Draco ang pangalan. “Bakit mo ba kasi dinala ang batang iyan dito? Halatang batang-bata pa iyan, hindi mo man lang pinapalit ng suot at naka-pajama pa, saka bakit may dalang plastic iyan? Teka, anong laman niyan? Barbecue?” tanong pa ng isa. Tumayo pa ang lalake saka kinuha ang barbecue ko na hindi ko hinayaan na kunin niya kaya iniwas ko. “Huwag! Hapunan ko ito, eh!” tanggi ko. Natawa naman si Draco pati si Logan at kahit ang mga babaeng mga partner nila. “Hindi pa pala naghahapunan iyan tapos dinala mo na rito,” sabat ni Draco. “Tignan mo may barbecue pang dala at mukhang ayaw i-share sa’yo, Midnight,” natatawang sabi pa niya. “H-hindi sa ayaw ko. P-pero uuwi rin naman ako saka may pagkain kayo—“ “Sinong may sabi sa’yong uuwi ka? Dito ka lang hangga’t gusto ko!” matigas na putol ni Israfel sa sasabihin ko pa sana kaya napinid ang labi ko at takot na napatingin sa kaniya. “Take that kid home, Israfel. Sa oras na pakealaman mo iyan at magdemanda ang guardian niyan sa ginawa mo ay siguradong malaking kaso ang kakaharapin mo. Once you get into trouble, the group won't help you because one of our rules is not to touch a young girl!” seryosong utos ng isa pang kaibigan ni Israfel. Inalis ni Israfel ang pagkakaakbay sa akin saka seryosong tumingin sa huling nagsalita. “Ano man ang pasukin ko, Diego, alam kung kaya kong labasan saka sa tingin mo ba gagalawin ko ang batang ito? Hindi sa ngayon,” tugon ni Israfel sa Diego pala ang pangalan saka sumandal sa sofa inuupuan namin. Hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila pero hindi pa rin maalis ang takot ko sa puso dahil hindi ako nagtitiwala sa mga taong kasama ko ngayon lalong-lalo na kay Israfel na alam kong may masamang balak sa akin. “Pakainin mo muna iyang batang kasama mo. Gabi na at hindi pa iyan naghahapunan,” sabat ng isa pang lalake. Tumingin pa sa akin ang lalake saka ngumiti na mukhang pinakamabait sa kanila. “Kaan nga pala ang pangalan ko, Victoria,” nakangiting pakilala niya sa sarili. “Ang cute mo rin pala, by the way. Kaya pala itong si Israfel—“ “Shut up, Kaan!” sita ni Israfel kay Kaan dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita at nakangiti na lang na inabutan ako ng pagkain. “Kumain ka na, Victoria, bilisan mo at aalis tayo rito!” utos sa akin ni Israfel. Nagulat akong napatingin kay Israfel. “Aalis tayo rito? Iuuwi mo na ako?” hindi makapaniwalang tanong ko. Masama akong tinignan ni Israfel. “Kumain ka na!” utos niya sa akin dahilan para kunin ko ang inabot ni Kaan at nagsimula nang kumain. Matapos kong kumain ay hinila na naman ako ni Israfel sa braso saka lumabas kami ng kwarto at sa isang kwarto kami pumasok at pinaupo niya ulit ako sa sofa. Tumayo si Isrefel at lumapit sa telepono na malapit lang sa sofa. Narinig kong nag-order siya ng maraming alak at pagkain dahilan para lalo akong magtaka dahil kami lang naman dalawa ang nandito. Nagulat pa ako dahil tumunog ang cell phone na nasa bulsa ng pajama ko na mabilis kong kinuha at si Alijah ang tumawag sa akin. Pipindutin ko na sana iyon para sagutin pero nagulat na lang ako nang hablutin ni Israfel ang cell phone ko at nang lingunin ko siya at matalim na ang tingin niya sa akin matapos malaman kung sino ang tumatawag. “My brother is calling you, and you plan to answer it. Will you ask my brother for help and tell him what I did now to you?” tanong ni Israfel sa akin. Napasigaw ako nang hawakan nang mahigpit ni Israfel ang baba ko at halos magdikit na ang mukha namin. Kitang-kita ko ang poot sa mga mata niya at nakakatakot siya lalong tignan ngayon. “Sa tingin mo ba, ay may magagawa ang kapatid ko para matulungan ka? Ang kaya lang gawin ni Alijah ay magsumbong kay Dad pero hindi ka niya kayang ipagtanggol sa akin dahil mahina si Alijah! At kung siya ang naiisip mong magiging knight and shining armor mo laban sa akin, nagkakamali ka nang pagpigpili, Victoria! Kayang-kaya kitang kunin kay Alijah sa ayaw at sa gusto mo at wala siyang magagawa!” galit na sabi ni Israfel sa akin. Nagpapalag ako pero para hindi ako makawala ay pinahiga na ako sa mahabang sofa ni Israfel at itinaas niya ang dalawang kamay ko pasandal sa hinihigaan kong sofa saka dumagan sa akin. “Israfel, tama na!” sigaw ko saka tumulo ang mga luha ko sa mga mata. “Hindi kita titigilan kailan man, Victoria! Tandaan mo iyan!” Nanlaki ang mga mata ko at natulala nang lumapat ang labi ni Israfel sa labi ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya dahil sinibasib niya ako bigla ng halik at nang matauhan ako sa kapangahasan ni Israfel ay pilit kong inaalis ang labi ko sa labi niya saka napapasigaw na ako sa tuwing nagagawa kong iiwas ang labi ko sa labi niya pero nagulat ako nang umangat ang kamao ni Israfel at susuntukin ako kaya malakas na naman akong napasigaw saka napatakip ng dalawang kamay sa mukha. “Huwag ka nang lumaban!” galit na sigaw ni Israfel sa akin. Hindi ako sinuntok ni Israfel kundi ang sofa lang na hinihigaan ko pero alam kong pananakot niya iyon dahil lumalaban ako sa gusto niyang gawin at sasaktan niya talaga ako kapag patuloy akong lumaban at hindi pinagbigyan ang gusto niyang gawin sa akin. Naramdaman kong hinawakan ni Israfel ang damit ko at hihilahin niya iyon para mapunit pero umiyak na akong hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Parang-awa mo na, Israfel, huwag mong gawin sa akin ito,” umiiyak na pakiusap ko kahit pakiramdam ko ay wala nang pag-asa ang pakiusap ko sa kaniya. “P-patawarin mo na ako kung nasaktan ka ni P-Papa Sebastian dahil sa akin. H-hindi ko na uulitin—“ Galit na tumayo si Israfel at tumayo. “F_ck!” sigaw ni Israfel. Umiiyak akong umupo saka napayakap sa sarili habang nanginginig ang buong katawan sa takot ko sa nangyari sa akin ngayong gabi. Tumunog na naman ang cell phone ko na nasa sahig na ngayon at takot ko na lang iyon tinignan. Si Nanay Amaya ang tumatawag at mukhang chene-check niya lang ang kalagayan ko ngayon dahil alam nilang magpupunta ako kina Alijah. Kinuha ni Israfel ang cell phone ko saka tumingin sa akin. “Ayusin mo ang sarili mo at tumigil ka sa pag-iyak!” matigas na utos ni Israfel sa akin. Mabilis na pinunasan ko ang mga luha sa mga labi at pinipigil ang mga hikbi sa labi. “Sagutin mo ang tawag ng Nanay-nanayan mo pero huwag kang magsusumbong!” Napatango lang ako saka inabot sa akin ni Israfel ang cell phone. Muli ay pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mga mata ko saka pinindot ang answer call sa cell phone. “Hello po, Nanay,” umpisa ko saka pinigil na mapahikbi. “Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko, Tori?” tanong ni Nanay Amaya sa akin kaagad. Napasinghot ako na hindi ko nagawang pigilan. “May sipon ka ba, Tori?” nag-aalalang tanong muli sa akin ni Nanay Amaya. “W-wala po,” kaagad kong tanggi at napatingin kay Israfel at nakabantay sa akin. “Parang nagkasipon nga po ako kasi naligo kami sa pool ni Alijah at iyon din po ang dahilan kaya hindi ko kaagad nasagot ang tawag mo, Nay. Abala sa pagsi-swimming,” pagsisinungaling ko. “Bakit naman kasi gabi kayo nag-swimming? Baka naman magkasakit ka niyan,” nag-aalalang sabi ni Nanay Amaya. “Iinom na lang po ako ng gamot mamaya. Hindi po kasi nakakaitim kapag gabi kami mag-swimming saka hindi po ba ilang beses naman na kaming nag-night swimming ni Alijah pero hindi naman ako nagkakasakit. Nagkakasipon pero inuman ko lang po ng gamot ay gumagaling na rin naman,” tugon ko. “Huwag na kayong masiyadong nagbababad sa tubig para hindi lumala ang sipon mo,” bilin ni Nanay Amaya. “Opo, Nay,” tugon ko. “Kumain ka na ba?” “Opo, busog na po ako.” “Sige, mag-iingat kayo saka huwag kang masiyadong magdidikit kay Alijah na iyan. Hindi pa rin ako masiyadong tiwala sa kaniya,” bilin ni Nanay Amaya sa akin. “Mabait po si Alijah, Nanay, hindi niya ako sasaktan,” tugon ko saka tumingin kay Israfel. “Sige, basta tawagan mo kami kapag magkaproblema ka riyan. Baka biglang dumating si Israfel na iyon at awayin ka na naman,” aniya. “W-wala po siya, Nanay.” “Iwasan mo ang sira-ulo na Israfel na iyon. Masamang bata iyon kahit nga ang Papa niya ay naiinis sa pangit na ugali niya kaya iwasan mo ang mga ganoong lalake dahil sigurado kahit sinong tao ay walang magtatiyaga sa ugali niya. Nanay lang niya magtatiyaga sa kaniya kasi parehas silang masama ang ugali at matapobre!” inis na sabi ni Nanay Amanda sa akin. Takot akong napatingin kay Israfel dahil tiyak kong narinig niya ang lahat ng sinabi ni Nanay Amaya, malakas kasi ang volume ng cell phone ko at nasa tabi ko pa si Diego. Kitang-kita ko ang poot sa mga mata ngayon ni Israfel nang tignan ko siya. Marami pang sinabi si Nanay Amaya na hindi ko na naintindihan pa saka nagpaalam na siya at pinutol ang tawag. Hinablot ni Israfel ang cell phone ko saka inihagis sa pader ng kwartong kinaroroonan namin at wasak iyong bumagsak sa sahig dahilan para manlaki ang mga mata kong tignan na lang iyon na wasak na wasak na sa sahig. “Iwasan? Ako iiwasan mo?” galit na tanong ni Israfel sa akin saka hinablot na naman ang braso ko. “Ito, tatandaan mo, Victoria! Saang sulok ka man magtago kahit sa impiyerno pa, ay hahanapin kita at gagawin ko ang lahat nang gusto kong gawin sa’yo! Hinding-hindi mo ako maiiwasan kailan man!” galit na sabi ni Israfel sa akin. Tumulo na naman ang mga luha ko saka walang nagawa na napatango sa mga sinabi sa akin ni Israfel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD