Tori’s POV
Nakaakbay si Papa Sebastian habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng Ospital. Hindi na ako pinatuloy papasukin ni Papa sa kwarto ni Tita Estella at ngayon ay patungo kami sa elevator ng Ospital.
“Huwag mo na lang dalawin si Estella lalo pa at nandiyan si Israfel. Nagkaroon kami ng pagtatalo kanina at sinisisi niya ako sa ginawa ni Estella. Mainit ang ulo niya kaagad kadarating pa lang at inaway pa kami ni Alijah! Hindi pa rin nagbabago ang batang iyon hanggang ngayon,” may inis sa boses na sabi ni Papa.
Napatingin ako sa mukha ni Papa at bakas sa kaniya ang kalungkutan dahil sa pagtatalo nilang mag-ama. Siguradong natuwa kanina si Papa nang makita si Israfel na dumating dahil ang tagal na rin na hindi siya umuuwi at nagkikita-kita lang silang pamilya kapag nagpupunta sila sa France na isang beses lang na nakasama si Papa dahil abala siya sa negosyo rito. Tanging sila Tita Estella, Apollo at Alijah lang ang nagtatagal sa France kasama si Israfel.
“Baka sobra lang pong nag-aalala si Israfel sa Mama niya,” sabi ko bilang pag-alis ng sama ng loob ni Papa.
“Sa sobrang pag-aalala niya napauwi siya nang hindi oras,” tugon ni Papa at ngumiti pero hindi umabot sa mga mata ang ngiti niya.
Halatang pagpapanggap lang at hindi siya talaga masaya sa sinabi niyang iyon.
“Dad, Tori.”
Napalingon kami sa tumawag sa amin at si Alijah iyon na sumunod na rin pala sa amin.
“Oh, Alijah, bakit iniwan mo ang mga kapatid mo doon at ang Mom mo?” tanong ni Papa kay Alijah.
“Ayoko doon. Ang init ng mga ulo nila at pati si Apollo ay inaway na ako,” nakangiting tugon ni Alijah na napakamot pa ng buhok.
Natawa naman si Papa saka nilapitan si Alijah at inakbayan. Dalawa na kaming inakbayan ni Papa.
“Kumain na lang tayo sa labas at mag-dessert ng ice cream para iyong mga init ng ulo natin kanina, Alijah, ay mawala at isama na natin itong si Tori,” nakangiting suhestiyon ni Papa.
“Tara! Gutom na rin ako,” nakangiting payag ni Alijah.
“Pero, Papa, paano itong binili kung prutas para kay Tita Estella?” tanong ko.
“Mamaya ay dadalhin ko iyan pagbalik ko tapos ikaw, Alijah, ang maghahatid kay Tori pauwi sa bahay nila,” tugon ni Papa.
“Sige, Dad,” ayon ni Alijah.
Tuluyan na kaming lumabas ng Ospital at sumakay sa kotse ni Alijah. Habang nag-uusap si Alijah at Papa kung saan masarap kumain ng tanghalian ay tahimik naman ako na nakap’westo sa likuran ng upuan at bumalik sa isip si Israfel at tumitig sa akin kanina nang dumating ako.
Nagulat talaga ako sa pagkikita naming iyon ni Israfel at hindi ko akalain na hahanga ako sa kaguwapuhang taglay ngayon ni Israfel. Gwapo naman na noon pa si Israfel, matangkad at may magandang pangangatawan pero mas higit siyang naging magandang lalake ngayon at mas lumaki ang katawan niya. Sa tingin ko rin ang nadagdagan ang tangkad ni Israfel at kahit naging matured na siya ay mas lalo iyon dumagdag sa karisma niya.
Hindi ko akalain na magkikita pa kami muli ni Israfel at sa ganito pang pagkakataon. Base sa kwento pa ni Papa kanina na nag-away silang mag-ama at nadamay si Alijah sa pag-aaway nila ay tingin ko ay hindi pa rin nagbabago si Israfel at hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa Papa niya lalo na ngayon dahil nagtangkang magpakamatay si Tita Estella at kahit hindi sabihin ni Papa na wala akong kinalaman sa ginawa ni Tita Estella at alam kong wala naman akong kasalanan ay nakokonsensiya pa rin ako dahil noon pa man alam kong ako ang laging dahilan kung bakit nag-aaway sina Tita Estella at Papa.
Sinubukan ko naman noon umiwas at sabihan si Papa na mas intindihin niya ang pamilya niya kaysa sa akin na hindi naman niya kaano-anu pero hindi pa rin huminto si Papa sa ginagawa niyang kabutihan sa akin. Iyon din ang dahilan kung bakit tumanggi ako na magtrabaho sa negosyo ni Papa para hindi na mag-away ang mag-asawa at simula noong nasaktan ni Papa si Israfel dahil pinahiya niya ako sa school na sinumbong ni Alijah at ginantihan niya ako na hindi ko pa rin nakakalimutan hanggang ngayon ay nagsimula na ako noong limitahan ang pagpunta sa bahay nila.
Hindi ko rin talaga kayang tuluyang iwasan si Papa at itigil ang pagkikita at pag-uusap namin dahil kagaya nina Nanay Amaya at Nanay Estella ay sobrang napalapit na ako kay Papa at itinuring na tunay na ama. Nalulungkot din ako kapag nalulungkot si Papa kapag sinasabi kong huwag na niya akong masiyadong puntahan at iwasan na ako kaya binabawi ko rin iyon at sinasabing binibiro ko lang siya. Nadudurog kasi ang puso ko dahil sinasaktan ko ang Papa ko para lang hindi nag-aaway sina Tita Estella at Papa.
Matapos naming kumain ay inihatid na muna ni Alijah si Papa sa harap ng Ospital at saka kami tuluyang umalis ni Alijah dahil ihahatid niya ako sa bahay.
“Nasa bahay pa sina Tita Amaya?” untag na tanong sa akin ni Alijah.
“Wala. Nasa probinsiya sila ngayon at nagbakasyon. Pinapasama nga nila ako kaya lang ang sabi ko saka na lang dahil ngayon taon lang din ako nag-vacation leave para makasama sa kanila sa Japan. Mabuti nga at pumayag kaya lang matatagalan sila ngayon doon dahil ang gusto ng magulang ni Tita Amaya ay doon muna sila ng isang buwan,” tugon ko kay Alijah.
“So, wala kang bantay sa bahay?” nakangiting tanong ni Alijah. “Wala ka namang pasok ngayon at bukas dahil weekends kaya sumama ka na lang sa akin at mag-bar tayo!” aya niya sa akin.
Napangiti ako pero umiling din. “Alam mo naman ayoko sa mga bar kaya sa ibang lugar mo na lang ako yayayain,” tugon ko.
“Bakit ba kasi ayaw mo sa mga bar? At ang sabi mo pa dati noong unang niyaya kita sa bar ay na-trauma ka sa lugar na iyon pero hindi mo naman sinabi kung paano ka na-trauma at kung kailan ka nakapunta ng bar?” nagtatakang tanong ni Alijah sa akin.
Idinaan ko na lang sa tawa. “Secret ko na iyon baka kasi idaldal mo pa sa iba,” tugon ko.
“Bakit? Naranasan mo bang uminom sa bar at may nakasama kang stranger at naibigay mo ang V-card mo sa kaniya?” seryoso nang tanong ni Alijah sa akin.
“Hindi, ah!” kaagad na tanggi ko. “Saan mo ba napanood ang ganiyang eksena?” natatawang tanong ko.
“Ano ba kasi ang nangyari sa’yo at na-trauma ka sa bar?” nangungulit na tanong niya sa akin.
Napakagat ako ng labi at umiwas ng tingin kay Alijah. Hindi ko p’wedeng sabihin sa kaniya ang nangyari sa akin noon sa bar dahil kasama ko noon si Israfel at siya ang dahilan kung bakit na-trauma akong pumasok sa mga bar. Pakiramdam ko kasi kapag pumapasok ako doon ay may mga tao na naman na pagtatangkaan ako ng masama dahil sa kalasingan na may halong droga.
Ganoon na ganoon kasi ang nangyari sa akin noon eleven-years nang nakakalipas at fifteen years-old pa ako noon. Muli ay bumalik na naman ako sa nakaraan ko kasama si Israfel at isa sa mga hindi ko makakalimutang nakaraan.
Flashback
Alas-sais ng hapon nang lumabas ako sa bahay para bumili ng uulamin kong barbecue. Mag-isa lang ako sa bahay dahil night shift ngayon sina Nanay Amaya at Nanay Isabella sa Ospital. Palagi naman akong may kasama sa bahay kahit hindi nakakauwi dahil sa trabaho sina Nanay pero ngayong gabi ay sinabi kong huwag na nilang papuntahin si Ate Beverly dahil inimbitahan ako ni Alijah sa bahay nila na matulog.
Wala raw kasi si Israfel dahil may party siyang pupuntahan ngayon gabi at sa susunod na araw pa uuwi habang si Tita Estella at Papa ay out of town para sa negosyo na pag-aari ng mga magulang ni Tita Estella, na pinapaasikaso rin sa kanila. Hindi ko pa sinabi kay Alijah na pumapayag ako dahil nagpaalam muna ako kina Nanay at pumayag naman sila pero napakaraming binilin sa akin at sinabing umuwi rin ako kinabukasan.
Nagbilin din si Nanay Isabella na tatawag sila ng alas-nueve ng gabi para makasiguradog ligtas akong nakarating sa bahay nina Alijah, na puro tango naman at opo ang sagot ko.
Ngayon dahil hindi na nakapagluto sina Nanay ng ulam ko ay bumili na lang ako ng barbecue pang-ulam dahil may kanin naman at mamaya ay aalis na ako para pumunta sa subdivision kung saan nakatira sina Alijah. Isang tricycle lang ang sasakyan papunta doon at hindi ganoon kalayo ang subdivision nila Alijah sa bahay namin.
Matapos akong makabili ng barbecue ay naglakad na ako pauwi pero nagulat ako nang may huminto sa gilid ko na kotse at bumukas ang pinto at lumabas doon ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon. Napaatras ako at tatakbo na sana nang mahawakan niya ang braso ko at hilahin ako padikit sa kaniya.
“Akala mo, nakakalimutan ko na ang kasalanan mo!” sabi niya sa akin. “Pumasok ka sa kotse at huwag ka nang pumalag pa kung ayaw mong masaktan pa!” matigas na utos niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi sundin siya at pumasok sa kotse saka siya umikot para pumasok na rin sa sasakyan niya at pinaandar iyon. Walang iba iyon kundi si Israfel na pinakaayaw kong makaharap sa ngayon dahil sa ginawa niya sa akin noong nakaraang-araw.
“S-saan mo ako dadalhin, Israfel?” kinakabahang tanong ko.
“Basta!” tugon niya sa akin.
Napatingin ako sa mukha ni Israfel at dahil may ilaw naman sa kotse na hindi ganoon kaliwanag ay nakita ko ang mukha niya at napansin ko ang sugat niya sa labi. Alam ko kung saan nanggaling iyon. Kahapon bago umalis si Papa ay nag-away na naman sila ni Israfel at nasuntok siya ni Papa at dahil na rin iyon sa akin. Nasabi ko kasi kay Alijah ang ginawa sa akin noong nakaraang-araw ni Israfel wala naman akong planong sabihin kaso nadamay si Alijah sa galit nina Alana at Jade kay Israfel at tinaboy si Alijah nang lumapit sa amin.
Pinigilan niya ang mga kaibigan kaso nabanggit na nila na may ginawa ngang hindi maganda si Israfel sa akin at wala akong nagawa kundi sabihin na lang kay Alijah dahil hindi na niya ako tinigilan kakatanong. Hindi ko alam na isusumbong pala iyon ni Alijah dahil ilang beses akong nakiusap kay Alijah na huwag sabihin kay Papa ang ginawa ni Israfel sa akin pero nagsumbong pa rin siya kaya nasaktan na naman ni Papa si Israfel.
Si Alijah mismo ang nagsabi sa akin kahapon nang tumawag siya sa akin kaya nalaman ko ang lahat nang nangyari kay Papa at Israfel.
“Tinitignan mo ba ang sugat ko sa labi?” malamig na tanong sa akin ni Israfel na ikinagulat ko. “Dahil sa’yo nagkasugat ako nang ganiyan!” galit na paninisi sa akin ni Israfel.
“H-hindi ko kagustuhan na isumbong ni Alijah kay Papa ang nagawa mo sa akin. H-hindi talaga, Israfel—“
“Really?” hindi naniniwalang sabi ni Israfel. “Alam ko naman na masayang-masaya ka na nagagalit sa akin si Dad at sigurado ako na natutuwa ka rin na nag-aaway sina Mom at Dad dahil kung hindi ay hindi mo isisiksik ang sarili mo sa pamilya namin!” puno ng poot na sabi niya.
Hindi ko magawang magsalita at napuno na ng takot ang buong pagkatao ko dahil sa galit sa akin ni Israfel at kitang-kita ko ngayon iyon sa mga mata niya.
“Gagawin kitang laruan ko ngayon para makaganti naman ako sa’yo at hindi ka p’wedeng tumanggi dahil masasaktan ka talaga sa akin!” galit pang sabi ni Israfel pero napangisi na siya, na lalong ikinabilis ng t***k ng puso ko sa takot.
Hindi ko alam kung anong plano sa akin ni Israfel pero nasisigurado akong hindi iyon maganda at kitang-kita sa mga mata niya at pagkakangisi niya habang nagmamaneho ng sasakyan.