Israfel’s POV
I had no plans to return to the Philippines this year because of my business in France, but when I received a call from Apollo, my youngest brother, I suddenly decided to get a ticket home because I was worried about Mom. I just got out of the airport, and I went straight to the hospital where Mom was confined.
Sinabi na sa akin ni Apollo ang room number ni Mom at ang bunso ko lang kapatid ang bukod-tanging sinabihan ko sa pag-uwi ko. Walang alam si Alijah at si Dad sa pag-uwi ko dahil biglaan lang din naman at kung hindi dahil kay Mom ay hindi talaga ako uuwi.
Nang makarating ako sa harapan ng pinto ng kwarto ni Mom ay pinihit ko na kaagad ang pinto at puno nang pag-aalalang pumasok saka tumingin sa babaeng nakaratay sa kama na may oxygen sa bibig at ilong ni Mom.
“M-Mom,” nag-aalala kong tawag at mabilis na nilapitan ang walang malay na ina.
“Kuya?”
“Israfel?”
Halos magkasabay na banggit ni Dad at Alijah na gulat na gulat sa pagsulpot ko pero hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at kay Mom ako nakatingin saka hinawakan ang kamay niya at napaluhod habang nakasandal sa kama ni Mom.
“Mom, why did you do that? Don't you think of us?” puno nang pag-aalalang tanong ko kay Mom kahit wala siyang malay.
“Kailan ka pa dumating, Israfel? Hindi mo man lang kami sinabihan para nasundo ka sana—“
“That doesn't matter anymore, Dad! What matters is Mom and why she attempted suicide!” mariing tugon ko saka masamang tumingin kay Dad.
Tumayo ako na ako saka binitawan ang kamay ni Mom na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
“Why did Mom do that, Dad? Did you have anything to do with it, so she did that, and you didn't even notice Mom that she would try to commit suicide?” galit na tanong ko kay Dad.
Kahit nasa malayong lugar ako at wala sa tabi ni Mom ay alam ko ang nangyayari sa bahay namin. May komyunikasyon kami ni Mom at palagi niyang sinasabi ang mga sama niya ng loob kay Papa at kahit si Apollo ay nagsusumbong sa akin sa napaparati na namang pag-aaway ng mga magulang ko dahil sa mga desisyon ni Dad na hindi naman gusto ni Mom.
Hindi na siguro kinaya ni Mom ang sama ng loob kay Dad o baka may ginawa na naman si Dad na higit na ikinasama ng loob ni Mom kaya ngayon ay pinili na lang niyang mag-suicide para mawala ang sakit ng kalooban na nararamdaman niya.
“Kuya, calm down. Hindi lang naman ikaw ang nag-aalala kay Mom at hindi kagustuhan ni Dad na gawin iyan ni Mom,” sabat ni Alijah.
Tinignan ko si Alijah ng masama na ikinagulat niya. “Isa ka pa! Wala ka ring pakealam sa mga pinagdadaanan ni Mom at parehas lang kayo ni Dad na sarili lang ang laging iniisip!” galit kong tugon kay Alijah.
“At ikaw may pakealam sa Mama mo?” galit na tanong ni Dad sa akin. “Kung talagang may pakealam ka ay sana hindi mo iniwan ang Mama mo rito at nagpunta ka ng ibang bansa! Ang tagal mong hindi umuwi, ni hindi dinalaw ang Mama mo rito sa Pilipinas pagatapos kami pa ang sasabihan mo ng walang pakealam sa Mama mo!” sumbat ni Dad sa akin.
“You know what made me leave and why I don't want to go home again! If only Mama had agreed to go to France and be there with me, Mom would never have reached this point because of you!” galit na tugon ko kay Dad.
“Walang sino man ang nagtulak sa Mama mo na gawin ang bagay na iyan. Pinili niya iyan kaya huwag mong isisisi sa amin ni Alijah ang nangyari sa kaniya,” tugon ni Dad na sa ngayon ay huminahon na.
“Dad, she wouldn't do that if she didn't bring too much resentment toward you. Don't blame Mom for what she did,” sabat ni Apollo. “Mom has been locked in the room since last Sunday. Nag-usap kayo noon at may pinag-awayan at isang linggo na siyang hindi lumabas sa kwarto hanggang sa ginawa na nga niya iyan. What did you say to Mom? Why did she attempt suicide?” tanong ni Apollo kay Dad.
“Kung ano man ang pinag-usapan namin ay wala na kayong pakealam doon! Usapang mag-asawa iyon at hindi na dapat kayo makisawsaw pa!” matigas na tugon ni Dad.
“Ganiyan ang lagi mong sinasabi sa amin noon! Na huwag kaming makealam dahil usapan niyo mag-asawa iyon pero palagi na lang si Mom ang nasasaktan at nauuwing luhaan sa tuwing nag-uusap kayo at malalaman na lang namin may mga desisyon ka nang ni hindi man lang naisip ang magiging pakiramdam ni Mom!
“We're grown up, Dad, and we're not as young as we used to shut up about what you're doing to Mom! We can now see the bullsh-t you are doing to Mom, and we will not just keep quiet!” galit na tugon ko kay Dad.
Galit na humarap sa akin si Dad at isang hakbang lang ay nahawakan na niya ang kwelyo ko saka hinila ako habang labas na ang ugat sa litid niya sa galit na nakatingin sa akin.
“Wala kang alam, Israfel, kaya huwag mong isisi sa akin ang lahat ng nangyayari sa Mama mo!” galit na tugon ni Dad.
“Alam ko ang lahat, Dad! At alam kong kahit kailan ay wala kang naging pakealam kay Mom!” galit na tugon ko.
Handa na akong suntukin ni Dad pero inawat kaagad ni Apollo at Alijah at naihiwalay na si Dad sa akin.
“Kung wala lang tayo sa Ospital at hindi nakaratay ang Mama mo sa higaan na iyan ay baka hindi ko na pigilan ang sarili ko na saktan ka!” galit na sabi ni Dad sa akin at saka lumakad na palapit sa pintuan.
Hindi pa nabubuksan ni Dad ang pinto nang kusang bumukas iyon saka isang babaeng ang iniluwa ng pinto. A beautiful woman was holding a fruit basket, and she innocently rolled her eyes when Dad met her at the door.
“Papa, saan ka pupunta? Aalis ka?” the woman asked Dad, then looked at us, and now she looked at me in surprise, then parted his lips.
“Tori, let’s go,” aya ni Dad sa babaeng dumating.
Hinawakan ni Dad ang dalawang balikat ni Tori saka inakbayan at lumabas na sila nang tuluyan ng pinto. Lumakad na rin palabas si Alijah marahil para sundan si Dad at si Tori, o Victoria, na anak-anakan ni Dad at isa sa dahilan nang kinasasama ng loob ni Mom.
Itinuring na anak ni Dad si Victoria at nagdesisyon siya na hindi man lang sinabi kay Mom, nagulat na lang si Mom na dinala na noon si Victoria sa bahay nila at sinabing paaralin at gagastusan ni Dad noon ang batang iyon. At first, I thought that Victoria was Dad's illegitimate child, but she wasn't. But that's not why Mom didn't want our family to be close to Victoria, because she was the niece of Dad's ex-girlfriend and the woman Dad still loves very much.
Dad can't love Mom because Dad still loves Victoria's aunt, whose name is also Victoria, and Mom said that she once broke up the relationship between Dad and Mom because Dad suddenly left us for Victoria's aunt. Dad returned to the Philippines to reunite with Victoria's Aunt.
Ipinaglaban lang ni Mom noon ang karapatan niya bilang asawa at dahil na rin sa amin ni Alijah na kami pa lang noon ang anak ng mga magulang namin at walang nagawa si Dad kundi balikan si Mom hanggang sa nabalitaan na lang nila na namatay si Victoria dahil lumubog ang sinasakyan ng barko at nakasama siya.
Pero kahit namatay na ang babaeng iyon ay hindi nagbago ang nararamdaman ni Dad kay Mom at dumating pa sa buhay nila si Victoria na inampon na ni Dad, hindi man tumira kasama namin si Victoria subalit palaging pinapadalaw ni Dad sa bahay si Victoria at walang magawa si Mom kundi pabayaan at tahimik na nasasaktan.
Pinaaral, ginagastusan at itinuring na anak ni Dad si Victoria na palaging present pa sa mga mahahalagang araw niya at kahit sa graduation ay palagi ring dumadalo si Dad, mas pinipili niya si Victoria kaysa sa aming magkakapatid kaya kahit ako hindi ko mapigilang makadama ng selos sa kaniya. Kami ang anak pero parang kami pa ang nanglilimos ng atensiyon kay Dad at si Victoria ang napupuno ng pagmamahal ni Dad.
“Lalabas lang muna ako,” paalam ni Alijah dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
“Lalabas ka dahil nandiyan si Tori, na pinahahalagahan mo na rin, tsk!” inis na tugon ni Apollo.
“Magkaibigan kami ni Tori, ano naman masamang pahalagahan ko siya?” inis na tugon ni Alijah.
“Ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit sumasama ang loob ni Mama kay Dad at ikaw parang wala lang sa’yo at mabuti pa rin ang pakikitungo sa Tori na iyon!” tugon ni Apollo.
“Hindi kasalanan ni Tori kung sumasama ang loob ni Mama kay Dad! Labas siya sa problema nina Mama at Dad!”
“Pati ikaw nabulag na rin sa babaeng iyon. Parehas lang kayo ni Dad! Ano bang espesyal sa babaeng iyan at ang lapit-lapit niyo sa kaniya?” tanong ni Apollo. “O baka naman naikakama mo na ang Tori na iyan—“
“Shut your f-cking mouth, Apollo!” galit na sita ni Alijah kay Apollo. “Wala akong pakealam kung hindi mo gusto si Tori pero huwag na huwag mong pagsalitaan nang ganiyan si Tori dahil hindi siya ganoong babae!”
Napailing ako sa galit na ipinapakita ni Alijah ngayon dahil sa babaeng iyon.
“Pareho lang kayo ni Dad, nababaliw sa babaeng iyon!” galit na tugon ni Apollo.
Napatingin ako sa sinabi ni Apollo at nagtaka sa sinabi niya.
Si Dad ay nababaliw sa babaeng iyon? Parang higit pa sa pagiging anak na ang turing ni Dad kay Tori kung nababaliw na siya sa babaeng iyon?
“Masama lang ang isip mo, Apollo,” tugon ni Alijah saka tuluyan nang umalis ang kapatid at iniwan kami ni Apollo sa loob ng kwarto.
“What do you mean by saying that Dad is crazy about Tori?” tanong ko kay Apollo.
“May nabasa ako sa isa sa mahahalagang papeles ni Dad at may ipapamana si Dad kay Tori at malaking share iyon ng kompanya. Higit pa sa ating magkakapatid,” tugon ni Apollo sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. “Pero bago iyon ay plano na niyang palitan ang apelyedo ni Tori na kaparehas ng apelyedo natin. He mentioned that once we ate together and Mama and Dad argued, I thought then that Dad would not continue, but I saw the adoption paper in his office, and the name of Tori was there,” dagdag na sabi ni Apollo.
“He is really crazy!” galit kong tugon.
“Sa tingin ko iyon din ang dahilan kung bakit nag-away sina Mama at Dad, dahil sa gustong mangyari ni Dad na legal adoption kay Tori saka ang ipapamana niya sa babaeng iyon. Hindi na kinaya ni Mama kaya nagtangka na siyang magpakamatay.”
“No! That will never happen!” galit na tutol ko saka napakuyom ang kamao.
Napatingin silang magkapatid nang umungol si Mom at kaagad na nilapitan ang ina na nagmulat na ng mga mata. Bakas sa mukha ni Mom ang gulat sa mga mata nang makita ako kaya hinawakan ko ang kamay niya saka pinisil iyon.
“Mom, I’m here na,” sabi ko kay Mom.
“Israfel, anak,” mahina pero puno nang kalungkutan sabi ni Mom sa akin. “Ang Dad mo.” Tumulo na ang mga luha sa mga mata ni Mom na halos magpadurog sa puso ko.
“Mom, magpahinga ka na muna—“
“M-may r-relasyon sila ng Tori na iyon. M-makikipagdeborsiyo na siya sa akin d-dahil gusto na niyang makasama ang babaeng iyon at magsama na s-sila. Iiwanan na ako ng Dad niyo d-dahil sa babaeng iyon,” utal man ay nasabi pa rin ang lahat nang iyon ni Mama na ikinagulat namin ni Apollo. “S-sinira niya ang pamilya n-natin na m-matagal ko nang iniingatan. T-tinitiis ko ang pagtataksil ng Dad niyo kahit kaninong babae b-basta hindi n-niya tayo i-iwanan p-pero n-ngayon hindi na niya kaya pa akong pakisamahan d-dahil sa T-Tori na i-iyon at lahat ibibigay pa niya sa babaeng iyon.”
Napahagulgol na si Mom at niyakap naman siya ni Apollo na awang-awa rin sa kaniya.
“M-mas gugustuhin ko pang mamamatay kaysa makita ang lahat nang iyon. N-na masaya sila habang ako nagdudusa dahil sa pag-iwan sa akin ng Dad niyo,” umiiyak pang sabi ni Mom.
Napuno na naman ng galit at poot ang dibdib ko sa lahat ng sinabi sa akin ni Mom. Iyon pala ang dahilan kung bakit nagtangkang magpakamatay si Mom dahil makikipaghiwalay na si Dad kay Mom at pinili ni Dad si Victoria. Marahil minahal din ni Dad si Victoria dahil nakikita ng ama si Victoria sa dati niyang kasintahan na Tita ni Victoria. Magkamukhang-magkamukha raw sila kaya pati kay Victoria ay nababaliw rin si Dad kagaya noon sa tiyahin ni Victoria.