Third Person POV
IT WAS Krizsca's twenty-first birthday. All she wanted was a simple celebration with her family and friends. Her uncles and aunts arrived, along with her Kuya Renald, a friend of Vander. Malalapit ang mga ito sa kanya kaya hindi pinalampas ng mga ito ang kaarawan niya. Halos mapuno ang isang sulok ng sala sa dami ng regalo.
"Happy birthday, baby ganda! Here's my gift for you," Renald greeted her, handing her a paper bag from a famous designer.
"Here's my gift for you to," Andrie said, one of her cousins,
"Ito nga pala, pinapaabot ni Vander. Hindi raw siya makakarating, alam mo naman 'yun... laging busy sa paglilingkod sa bayan," sabi ni Kuya Bornok, sabay abot ng isang malaking kahon. May kunting naramdaman na lungkot si Krisca, naiintindihan naman niya ang sitwasyon ni Vander, pero sana 'y kahit papaano ay nakapag-celebrate sila nang sabay. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya diba? Kung hindi nga talaga makakapunta ang kuya Vander niya.
Simpleng handaan lamang ang inihanda. Hindi ito katulad ng mga naunang selebrasyon na engrande. Pero ayos lang iyon sa kanya, ayaw na niya ng ganoon. Ilang beses siyang pinilit ng kanyang Lolo at Lola, pero tumanggi siya.
"Vecencio, kompadre," bati ng ng Lolo ni Krizsca sa mga taong bagong dating. "Vander Hijo, kumusta ka na? Buti naman at nakarating ka sa kaarawan ng Apo ko," saad ng lolo ni Krizsca dahilan upang nagpalingon siya. Nagtama ang mga mata nina Vander at Krizsca, lumapit siya sa mga ito. Nagmano siya kay Lolo Vecencio, at bumeso sa kanyang Kuya Vander. Ang bango at ang presko ng mukha nito. Marami rin ang nagsasabi na mas bagay daw itong maging modelo kaysa ang maging public servant.
"I thought, hindi ka makakarating," sabi niya kay Vander sa mahinang boses, habang iginigiya ang mga ito papasok sa komedor. Ipinatong naman ni Vander ang kaliwang braso sa balikat ni Krizsca. "Pinadala mo na kasi ang regalo mo para sa akin kay Kuya Banjo. Sabi niya ay busy ka raw sa munisipyo," pagkukuwento niya..
"Busy ako, pero syempre pupunta pa rin ako. Late lang," malambing na sabi nito. Hindi sigurado si Krisca kung tunay ang kanyang narinig or nanaginip lamang siya. Pagkapasok sa komedor, tumulong siya sa paghahain.
"Dalaga na ang apo mo, Rodie. Baka mamaya may ipakilala na iyang boyfriend sa inyong mag-asawa. Pagka-ganda pa namang bata," puri ni Don Vecencio, kay Krizsca.
"Lolo Vecencio naman," pagtatampo niya. "Wala po akong boyfriend, bata pa po ako, at wala pa po akong balak sa ngayon," magalang na sagot niya.
"Hindi ka na bata, hija. Dalaga ka na nga eh. Parang kailan lang ay kinakarga ka pa nitong si Kuya Vander mo," sabi ni Don Vecencio, sabay turo kay Vander. Natawa naman si Krisca. Totoo nga iyon, parang kailan lang ay buhat-buhat pa siya ng kanyang kuya Vander. Pero ngayon kasi iba na, may pagkakataon na naiilang siya dito na hindi niya maintindihan.
"Basta po, wala po munang boyfriend. Aral po muna, para makatulong kina Lolo at Lola," dagdag pa niya, na may matamis na ngiti.
“Krizsca, umupo ka na," aya sa kanya ni Vander. "Dito ka," sabay turo nito sa upuang katabi nito.
"Hija, sabihan mo nga ang kuya mong 'yan. Aba, tumatanda na, wala pa yatang balak mag-asawa. Parati 'yang gabi ng umuuwi dahil sa sobrang dami ng ginagawa sa munisipyo," patuloy ni Don Vecencio.
"Hijo, mahirap tumandang mag-isa. Mas masarap umuwi sa bahay at gumising sa umaga na may mag-aalaga at mag-iintindi sa iyo," payo ng lolo ni Krizsca.
"Tama si Rodie, apo. Gusto ko ring makita ang apo ko sa'yo," segunda naan ni Don Vecencio.
"Huwag ninyo pong pinipilit si Kuya. Malay ninyo, may girlfriend na pala 'yan, tinatago lang," awat niya sa dalawang matanda. Ngunit sa kanyang sariling sinabi ay may naramdaman siya sa puso niya na hindi maipaliwanag.
"Wag pi kayong mag alala, darating din po tayo diyan sa tamang panahon. Sa ngayon po ay kumain nalang po muna tayo. Wala pa akong maayos na kain mula kanina, sobrang abala ko sa munisipyo," ani ni Vander na ikinatawa ni Krizsca ng mahina.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" mahinag tanong niya. "Alam kong mahal mo ang bayan mo, Kuya," saad niya. Ngunit napansin niya ang pag-ngiwi nito ng tawagin na naman niya itong kuya. "Pero sana mahalin mo rin ang katawan mo. Isa lang 'yan. Sige ka," pananakot niya. Ngunit sa loob ng puso ni Krizsca ay kinakabahan siya, lalo na ng makita niya itong nakakatitig sa kanya.
"Hija, para kang asawang sinasaway ang kanyang kabiyak," komento ng Don, na ikina-ubo bigla ni Krisca. Tumigil siya sa pagsandok ng pagkain at umayos ng upo.
"Lolo naman, hindi naman po," depensa niya. "Kumain na lang po tayo, ang dami na po ninyong napapansin," biro niya.
"Mabuti pa nga, nang matapos na ang usapan na 'yan," sang-ayon naman ni Vander. Natapos ang hapunan ng maayos at matiwasay, walang muling nagbanggit pa tungkol sa boyfriend, kasal, at apo. Na ikihinga ng maluwag si Krizsca.
"Have you already opened my gift for you?" tanong nito sa kanya. Umiling siya; tinatamad pa siyang magbukas ng mga regalo. Pagod na rin siya kaka-entertain ng mga bisita kanina.
“Whereis it? Where did you put it? Buksan na natin?" Ngumiti si Krisca at agad na igiya si Vander papasok sa loob kung saan ang mga gift na para sa kanya. “Open it," utos nito na agad naman niyang sinunod. Nagulat si Krisca nang makita ang laman: ang pinakabagong model ng Iphone, kasama ang smart watch at ang pinakabagong earpods. Ayaw niyang magkwenta dahil baka himatayin siya.
"Kuya, this is too much. Ang mahal-mahal kaya nito," manghang-mangha niyang sabi.
"Hindi naman. Huwag kang mag-alala, galing sa bulsa ko 'yan. Sa malinis na paraan 'yan galing," nakangiting sagot nito sa kanya. Kilala ito bilang isang matapat na pulitiko, kaya naman naniniwala siya sa sinabi nito.
"Salamat talaga, Kuya. I super duper love it," sabi niya na ikinatuwa nito. Nakaupo silang dalawa sa sofa. Sobrang natutuwa siya sa regalo. Dalawang taon na rin siyang hindi nagpapalit ng telepono dahil maayos pa naman ang dati niyang gamit. Kaya ngayon subrang saya niya na may bago na siyang phone..
"Try it," sabi nito. Excited naman na binuksan at sinet-up niya ang bagong telepono. Pagkatapos, inilipat niya ang kanyang mga contact.
"Thank you, ulit," masayang sabi niya.
"Don't mention it," tipid na sagot nito, na may kasamang ngiti. Bihira lamang magsalita ito lalo na kapag siya ang kausap. Kaya naman espesyal ang bawat ngiti at salita nito para sa kanya ngayon.
Hindi na rin naman iyon masama lalo na sa uri ng trabaho nito, kailangan talaga nitong maging seryoso. Siya lang yata ang kilalang alkalde na sobrang gwapo at artistahin. Karamihan sa mga alkalde na kilala niya ay matatanda na at may pamilya na; ang iba ay namuti na lang ang buhok dahil sa paglilingkod.
Naisip ni Krisca na sigurob'y binoto siya ng mga kababaihan sa bayan dahil sa taglaynitong kagwapuhan. Napatawa siya sa naisip.
Natapos ang gabi na puno ng saya ang bahay lalo na si krizsca. Pumunta ang kuya Vander niya, ang mga kaibigan. Hanggang sa isa isa na ang mga ito na nagpa-alam. Ang pinakahuli ay sina Vander at ang lolo nito.
“Sigurado po kayo na uuwi kayo? Mukhang mga lasing na po yata kayo, lo,” saad niya na ikinatawa lang naman ng Don.
“Wag kang mag-alala, malakas pa naman itong kuya Vander mo, mataas rin ang tolerance sa alcohol kaya nasisiguro kong ligtas kaming makakauwi. Isa pa may driver naman kami, nandun pa sa loob nanliligaw yata sa sa mayor doma ninyo dito sa bahay.” biro pa nito.
Wala na siyang nagawa nang magpaalam na ang mga ito. Ngunit bago ang mga ito umalis ay nakita niyag naglakad palapit sa kanya si Vander. "Happy birthday again," sabi nito at binigyan siya ng mabining halik sa pisngi na ikina-init ng puso niya at ikinapula ng kanyang pisngi. “We're going,” bulong nito bago ang mga ito nawala sa harapan ni Krizsca.
Nakatulalang pumasok siya loob ng bahay. Namangha pa ang kanyang lolo ng makita siya nito na parang walang sa sarili.
“Apo, okay ka lang ba?” tumango lang siya sa lolo niya, bago maglakad papasok sa loob ng kanyang kwarto. Agad siyang napatili. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon dahil sa isang halik na iginawad ng kanyang kuya Vander. Mabilis na siyang napayuko, halos hindi na niya makita ang mukha niya sa sobrang pamumula. "K-Kuya Vander..." mahina niyang bulong, habang patuloy pa rin sa pagtibok ang puso niya. pagkatapos ay napatili ulit siya. Saka llang siya napatigil ng biglang tumunog ng sunod-sunod ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha sa bulsa at tiningnan. Nakita niya na ang group chat call nila nina Anna, at bella ang nanduon. Agad niya itong sinagot.
“Gosh! What happened to you, beshy? Bakit parang nangangamatis na sa pagkapula ang pisngi mo?” It was Anna.
“Oo nga, bakit nga ba namumula ‘yang chikabels mo?” sigunda naman ng isa niyang kaibigan na si Bella.
Nahihiya naman na napahawak siya sa sarili niyang pisngi. God, bakit ba naman ganito? Wala naman ang ganito sa kanya noon kapag hinahalikan siya ng kuya niya sa pisngi. Pero bakit ngayon parang kakaiba? Bakit parang may nararamdaman siyang kakaiba na hindi niya mapangalanan.
“Ewan ko, basta, ang weird ng feeling ko ngayon,” sagot niya sa mga kaibigan. “Parang ang bilis ng t***k ng puso ko,” dagdag niya pa.
“Hala, baka may sakit ka na sa puso?” sagot ni Bella.
“Oo nga, kawawa ka naman,” sigunda naman ni Anna.
“Mga baliw! Hindi ba pwedeng…..” nabitin sa eri ang kanyang sasabihin. Nakita niya na naghihintay ang mga kaibigan niya sa sasabihin niya.
“Pwedeng ano?” naiinip na tanong ni Anna. “Dali na, may pa bitin ka pang nalalaman eh,”
“Oo nga!” segunda na naman ni Bella.
“Wala. Wala ‘yon,” sagot na lamang niya. Ayaw niyang sabihin ang totoong dahil baka ma kantyawan siya ng mga ito. Hindi pa naman matahimik ang mga bibig nito lalo na kapag may mga nasasagap itong balita. At panigurado na kapag sinabi niya ang nangyari kung bakit namumula ang pisngi niya ay baka hindi siya tantanan ng mga ito. Baka hindi siya patululugin kaka-interview.
“Ang kj mo naman,” sabay na sabi ng kaibigan niya. Napangiwi naman siya. Tumingin siya sa kanyang relo at nakita niya ang oras na medyo late na. Kailangan pa niyang mag halt bath bago matulog.
“Oh sige na, usap na lang ulit tayo sa school. Matutulog na ako, at baka ma late ako bukas sa pagpasok.” saad niya.
"Sige, pero tandaan mong may utang ka sa amin. Wag mong kakalimutan, naiintindihan mo?” napatango na lang si Krizsca sa kakulitan ng kanyang mga kaibigan.
“Bye beshy! Good night!" sabay na sabi nina Anna at Bella. Napailing na lang siya. Mukhang wala siyang kawala kapag nagkita-kita sila.
Pagkatapos niyang maligo, ay saka lamang siyang nahiga sa kama. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata ng marinig niya ang pag vibrate ng cellphone. Kinuha niya ito, at binuksan. Napatili na naman siya sa kilig ng makita niya ang message ni Vander.
Kuya Van: Good night and happy birthday again.💖💖💖
‘Yon ang message nito with matching heart pa
##########
HELLO 👋 THIRD PERSON P0 ANG GAMIT KO NGAYON SA PAGSUSULAT, KUNG MERON MAN PONG NAGBABASA, PLEASE GIVE ME A FEEDBACK PO KUNG OKAY LANG ANG PAGKAKASULAT KO.
THANK YOU 🥰😍😘 and PLEASE VOTE po 😊
Xoxo.🥰😍😘