04

2486 Words
Third Person POV KINABUKASAN maagang nagising si Krizsca upang makapag-handa para sa kanyang klase. Hindi pa rin niya makalimutan ang halik ni Vander sa pisngi niya kagabi. Napailing siya. “Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi naman ako nagkakagusto kaya Kuya Vander, di ba? Pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing nakikita o naiisip ko ang nangyari?” tanong niya sa kanyang sarili. Napabuntong-hininga nalang si Krizsca. Bumangon siya sa kanyang kama at dumeretso sa banyo. Naghanda siya para sa kanyang klase. Nang matapos siyang maligo at magbihis, lumabas na siya ng kwarto, naabutan niya pa sa lamesa ang kanyang lolo na nagkakape. "Magandang umaga, lo," bati niya sa lolo niya. “Magandang umaga rin, apo, kamusta nakatulog ka ba ng maayos kagabi?” “Okay naman po, lo.” magalang na sagot niya rito. “Mabuti naman kung ganun, halika na at maupo para makapag almusal ka bago ka pumasok sa skwelahan.” Tumango siya sa lolo niya, at umupo na sa upuan. “Gising ka na pala apo, kamusta ang tulog mo?” tanong ng kanyang lola na kakapasok lang sa komedor. “Okay naman po, lola,” nakangiting sagot niya. “Hindi ba sumakit ang ulo mo apo?” “Hindi naman po,” Tumango naman ang kanyang lola, lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo, bago umupo sa tabi ng lolo niya. Masaya silang nag-umagahan. Habang kumakain sila, ay naisipan niyang itanong sa mga ito ang tungkol sa negosyo ng kanyang lolo. “Kamusta na po pala ang negosyo niyo, lo? May nahanap na po ba kayong pwedeng makatulong?” Ngayon niya lang kasi naisip na itanong ulit ang bagay na ‘yon, dahil naging busy siya at nakalimutan niya ‘yon dahil sa masayang birthday niya kahapon. Napayuko ang lolo niya, ngunit maya-maya lang ay nag-angat ito ng tingin. “Wag mo nang alalahanin ‘yun apo,” nakangiti na sabi ng kanyang lolo. Hindi naman kombinsido si Krizsca, sa pinapakita ng kanyang lolo kahit na masaya ito ay nararamdaman niyang hindi parin nakakabangon ang negosyo nito. Nararamdaman niyang hindi pa rin maayos ang lahat. Hindi na nag usisa pa si Krizsca, tinapos na lang niya ang pagkain hanggang matapos, saka siya nagpa-alam sa kanyang lolo at lola. “La, lo, aalis na po ako,” “Mag-iingat ka apo, pero teka lang, paano ka papasok ngayon? Wala ang kuya Cardo mo para ihatid ka.” Ngumiti naman siya sa lolo niya, “Wag po kayong mag-alala, dadaanan po ako ng mga kaibigan ko,” “Salamat naman,” “Sige po, aalis napo ako.” “Mag-iingat ka palagi apo,” sabay na sabi ng kanyang lola at lolo. Palabas na siya ng bahay ng maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Tiningnan niya ito. Message ng kanyang kaibigan, at sinasabing hindi siya madadaanan. “Paano ako ngayon papasok?” Nakasimangot na bulong niya pagkatapos mabasa ang mensahe galing sa mga magagaling niyang kaibigan. “Ten minutes nalang mag-umpisa na ang klase,” bulong niya ulit habang naglalakad palabas. Nakasimangot pa rin ang kanyang mukha ng makalabas ng gate. Ngunit agad iyon napalitan ng pagtataka ng may makita siyang itim na sasakyan. Nagulat siya ng bumukas ang pinto, lumabas doon si Vander na naka sunglasses, “Kuya Vander?” gulat niyang tanong. Tinanggal naman nito ang sunglasses na suot at ngumiti sa kanya. “Tara na?” sabi nito, na nagpa-kunot ng kanyang noo. “S-saan po tayo pupunta?” takang tanong niya sa kinakabahan na boses. Nakita naman niya ang pag-kunot ng noo nito. “Ihahatid ka?” hindi siguradong sagot nito. "Bakit po?" tanong niya kay Vander. “What do you mean? Isn't obvious na ihahatid kita para hindi ka mm-late sa klase?” sagot nito. Gustong batukan ni Krizsca ang sarili. Nagmukha siyang tanga sa harapan ng Kuya Vander niya. Para siyang wala sa sarili. "Ah, oo nga pala,” ngiwing sabi niya. Sumakay na lang siya ng tahimik, ayaw na niyang magsalita pa at baka mag mukha lang siyang tanga. Throughout the ride, walang ni isang nagsasalita sa kanina. Parang may batong nakaharang sa pagitan nina Vander at Krizsca, at ayaw magkibuan. Saka lamang nabasag ang katahimikan ng makarating sila sa University. “Ahmm…Kuya, thank you,” nahihiyang sabi ni Krizsca. Nakatitig lang naman sa kanya si Vander. “Ahm…Ingat ka, kuya. Salamat ulit," sabi ni Krizsca. Tumango naman sa kanya si Vander bilang sagot. "Sige, alis na ako." Nang tumalikod na si Krizsca, narinig niyang tinawag siya ni Vander. "Krizsca," Lumingon siya. "Bakit po?" tanong niya. Sandaling katahimikan ang namutawi, nakakatitig lamang ito sa kanya na parang may gustong sabihin ngunit ayaw maibukas ang bibig. "Uhm…W-ala," sabi nito. "Sige na, pumasok ka na." Kahit na naguguluhan, tumango nalang si Krizsca at naglakad na papunta sa gate ng university. Kakapasok niya lang sa loob ng classroom nila ng agad siyang hilain ng kanyang mga kaibigan paupo. “So tell us what happened, anong dahilan ng pamumula ng pisngi mo kagabi?” asked Anna. “Tell us, beshy, may nangyari ba sa inyo ng Kuya mo?” said bella. Agad na nag-init ang kanyang mga pisngi. Wala namang nangyari sa kanila ni Vander, pero bakit ganito? "Can you stop," sabi niya sa mga kaibigan niya. Feeling niya ay namumula na naman ang kanyang pisngi. “Can you stop, ka dyan.” said bella. “Tell us na kasi what happened, para di ka namin kulitin. Isa pa your face, that facial expression of yours tells us na may nangyari, kasi hindi naman mamumula ‘yan kung wala.” she added. "Eh, wala nga sabi eh," sabi niya. Ngunit ang kanyang mga kaibigan ay tinaasan lang siya ng kilay. “Fine, sasabihin ko na.” pagsuko niya. Tumili naman ang dalawaim na halos ikabingi ni Krizsca. “Spill the tea girl!” masayang sabi ng dalawa. “Ahmm…hinatid niya ako ngayon dito.” natatawang saad niya. Alam niyang hindi iyon ang inaasahan ng kanyang mga kaibigan na sasabihin niya. “Beshy, kami ba ‘y pinagloloko mo?” dismayado ang mukha na sabi ni Anna. Natawa siya ng malakas, ang sarap din palang pag-tripan ng mga kaibigan niya. “You will tell us the truth, or kami mismo nitong si Anna asim, ang magtatanong sa Kuya Vander mo?” banta pa nito. Nakita kong sumama ang tingin ni Anna kay Bella. “Anong asim? Baka ikaw ang ma-asim dyan,” saad ni Anna habang nakatingin ng masama sa kaibigan namin. Ngunit hindi ‘yon pinansin ni Bella. Nasa kanya ang atensyon nito at naghihintay ng sagot. “Fine.” sabi niya. “He actually…..kissed me on—” hindi pa natatapos ni Krizsca ang sasabihin ng sabay na tumili ang mga kaibigan niya. “Oh my god!!! He kissed you?? For real??” tili na tanong ng dalawa. “Did you hear that, Asim?” tili na sabi nito kay Bella. Tumango naman ang isa, sabay ang mga ito na tumayo at nagtatalon sa kilig. “Yes, piglet, I heard it clearly. Oh my godddd!!!” Napahawak nalang si Krizsca sa kanyang noo. Hindi man lang siya pinatapos na magsalita ng mga ito. Ang sasabihin niya sana dapat ay ‘‘He kissed me on the cheeks” pero dahil baliw ang mga ito ay hindi na siya pinatapos pa. Napatigil sa kakatili ang dalawa ng may biglang tumayo sa harapan nilang tatlo. “Mga baliw ba kayo, or sadyang tanga lang?” nakapamewang na sabi ng babae. Her name is Novie, ang babaeng nakasagutan ni bella kamakailan lang. Tumigil naman sina Bella sa kakatalon, at hinarap ang babae habang naka taas ang kilay. “Ano na nanamang problema mo, babaeng hamog?” matapang na sabi nito. “May problema ka ba sa amin?” “Oo, dahil nakakabingi na ang tili niyo!” “Aba! Hindi na namin kasalanan ‘yun, kung ayaw mo marinig ang tili namin, bakit hindi ka nalang lumabas?” “Kayo ang maingay, kaya dapat kayo ang lumabas. Hindi niyo ba alam na nakakaistorbo na kayo sa ibang mga kaklase natin?” “Ano namang paki ko? Isa pa, ikaw lang naman ang nagreklamo, masyadong epal ‘to!” Tumayo naman si Krizsca, at inawat ang kaibigan. “That's enough, isa pa kasalanan naman natin dahil tayo ang maingay.” Wala nang nagawa si Bella, ng hilahin siya ni Krizsca paupo. Ang babaeng namang si Novie, ay umalis sa harapan ng mga ito na parang nanalo. Hindi nagtagal ay dumating na ang professor nila. The professor just discussed something about their recent project. "Okay class, I want you to work in groups for this project," said the professor. "Each group will have four members. I will assign you to your groups later." "Okay, Sir." sagot naman ng mga students. "And for the group work, I want you to be creative and innovative. I want to see your best work. Understood?" "Yes, Sir." The students answered. “s**t! Groupings na naman!” Bella muttered, while Krizsca chuckled. “Sana lang ay mapunta ako sa group na masisipag at matatalino, hindi yung puro bobo na umaasa sa leader.” she added. “Paano kung si Novie ang maka-group mo?” Anna asked Bella. “Nuknukan pa naman ng tamad yun, at umaasa lang sa leader. Tapos kapag tapos na ang project, ay aakuin na siya ang naghirap ng lahat.” Anna added. “Kapag ‘yung babae na ‘yun ang naka-group ko….mag-q-quit nalang ako. Mas gugustuhin ko pang mag-isa sa project kisa ang makasama ang babaeng hamog na ‘yun,” Bella said with a hint of irritation. Krizsca and Anna both laughed. "Wag ka ngang OA, Bella," sabi ni Krizsca. "Hindi naman siguro siya makaka-group mo, ‘no? Baka naman hindi ka niya ma-group. At saka, kahit saang group ka pa mapunta, you can always pull through, right?" "Oo nga, Bella," sang-ayon ni Anna. "Ikaw pa, kaya mo yan! Kaya mong i-carry ang group mo kahit hindi magaling ang mga members mo." "Oo na, oo na," sabi ni Bella. "Pero sana lang talaga hindi ako ma-group sa kanya. Ayoko talagang makasama ang babaeng yun. Ang sarap niyang anohin eh,." "Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano, Bella," sabi ni Krizsca. "Baka kung ano pa mangyari sa'yo." "Oo nga," sabi ni Anna. "Focus ka nalang sa project. You can do it, Bella. We believe in you." "Thanks, guys," said Bella. "I appreciate it." “So everyone, I already have the list here kung sino ang makaka-groupo niyo.” said the professor. “s**t! Lord, please…..please, please, pakinggan niyo ako this time please, wag niyo po akong hahayaan na maging ka-group ang babaeg hamog na ‘yon.” nakapikit na dasal ni Bella. Mahina namang natawa sina krizsca at Anna, dahil sa padasal na ginagawa ng kaibigan nila. “Okay, let’s start with group 1,” the professor said. Then, a moment later, when the professor announced the group assignments, Krizsca’s heart skipped a beat when she heard her name. "Krizsca,” the professor paused and looked at her. Then, he looked at her friends. “Anna, Bella, and Novie, you are in group 1," the professor announced. Krizsca looked at her friends. They all had the same look of disbelief on their faces. “This wasn’t good.” bulong ni Anna. “Oh, Great! What a nightmare! " Bella said sarcastically. “Hey, it's fine,” pagpapakalma naman ni Krizsca sa kaibigan. “Oo nga asim, wag kang mag-alala kakampi mo kami kapag hindi tumulong ang babaetang ‘yun sa project na gagawin natin.” said Anna. Tumayo si Krizsca. “Uhmm…excuse me, professor. May I ask a question?” The professor nodded. "Professor, can we choose our own groups?" Krizsca asked. "I'm sorry, Krizsca, but I already assigned you to your groups. I want you to work with people you don't usually work with to encourage collaboration and teamwork," the professor explained. "It will be a great learning experience for all of you.” Krizsca nodded. "Mr. Professor, what will happen if one of the members doesn't help with the project?” The professor looked at her with a thoughtful expression. "That is a good question, Ms. Atienza. If a member is not contributing to the project, it will be reflected in their individual grades. Or maybe you can remove her/him from the group immediately.” Tumango naman siya. “Thank you, professor,” “That's unfair!” said novie. Napatingin ang professor, sina krizsca at ang iba pang mga student kay novie. "Just because hindi makatulong ang isang member, e reremove na agad? What if that one member is sick? Pipilitin pa rin bang tumulong kahit mamamatay na 'yung tao?" Novie said frustratedly. "Calm down Ms. Panganduyon. If the case of not contributing of one member is being sick then its valid. But there should be proof, a Medical Certificate would be necessary." The professor replied calmly. "Paano naman kung ang tao ay may sakit sa pag-iisip? Kailangan din ba nilang magbigay ng mental health certificate? Sa tingin ko ay nakakatawa na tanggalin ang isang tao sa isang grupo dahil lang hindi siya nakakatulong. Paano kung mahiyain lang sila o kinakabahan o kaya ay may learning disability?" Sabi ni Novie. "Ms. Panganduyon, I understand your concerns. But this isn't about punishment. This is about learning. I believe that everyone in this class has the potential to contribute, and I want to create a learning environment where everyone feels comfortable sharing their ideas and working together. So, if you have any concerns about the project or about the group, please feel free to come to me and we can discuss it." The professor said. "Ok, professor," Novie said, a small smile playing on her lips. Krizsca was still unconvinced. Novie's sudden outburst seemed a little too calculated. She was curious to see what Novie was really up to. “She's ridiculous! Kapag talaga amg babaeng ‘yun hindi tumulong at mag inarte lang, makikita niya ang gagawin ko!” gigil na sabi ni Bella habang palabas sila ng klase. “May pa ‘ mentally ill’ pang nalalaman ang bruha, e kung tuluyan ko nalang siya!” “Relax beshy, hindi tayo naturingan na matalino para lang mag-stoop down on her." "Baliw! Si Krizsca lang ang matalino sa ating tatlo, hindi tayo kasali na dalawa!" Bella said, chuckling. "That's enough mga beshy, we are all smart. May kanya kanya tayong talino sa iba't ibang paraan.” Krizsca said. Ngunit hindi nakinig ang mga kaibigan niya, at tuloy pa rin ang pag-babangayan ng mga ito. Kaya naman hinayaan nalamang niya ang mga ito at sabay na naglakad papasok sa cafeteria. ########## NOTE: I really don't know kung tama ba lahat ng sentence ko, especially at hindi ako sanay gumamit ng THIRD POV 😁😁😁 Kung meron man pong nagbabasa ng story na ‘to, feel free to comment po 😊😊😊 Xoxo.🥰😍😘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD