Third Person POV
“APO, BUMANGON ka na diyan,” gising ng matandang lola ni Krizsca, sabay tapik sa pisngi ng dalaga.
“La, mamaya na po, antok pa ako, maaga pa naman po eh,” parang groggy na wika ni Krizsca. Pagod na pagod kasi siya, mentally and physically. Marami kasing ginawa sa school. Tourism Week at meron pa silang mga project; tapos ang problema pa nila—ng kanyang lolo na hindi pa nila masosolusyunan. Pakiramdam niya araw-araw siyang pagod.
“Anong maaga pa, apo ko. Tanghaling tapat na, oh, alas dos na eh,” ang mga salitang iyon ng kanyang Lola ang nagpabangon sa kanya. Pakiwari niya ay bigla siyang nahimasmasan.
“Oh my godddd,” pabulong na sabi ni Krizsca. Napahawak siya sa kanyang noo at napahilamos sa mukha. “Ganoon ba ako kapagod at di ko na namalayan ang oras?” bulong na tanong niya sa kanyang sarili.
“Apo,” pukaw ng lola ni Krizsca sa kanya. Napabaling naman siya dito. “Umamin ka nga sa akin, apo, bakit ba palagi kang pagod? Ilang araw ka na ganyan, ah. Ano bang pinag-gagawa mo sa buhay mo? Baka kung ano na iyan, apo, ah.” Pag-uusisa nito na may kasamang pag-aalala.
“La naman, marami lang po kaming ginagawa sa school. Tourism Week po kasi. Wag po kayong mag-alala, wala po akong ginagawa o gagawin na hindi ninyo po magugustuhan,” saad niya na sinabayan pa niya ng isang malambing na ngiti.
“Apo, huwag mo nang problemahin ‘yung sinabi namin noong nakaraan. Maayos din iyon, humihingi na ng tulong ang Lolo mo sa kanyang mga kakilala,” pag-aalo sa kanya ng kanyang lola. Alam niyang ayaw ng mga ito na sabihin sa kanya ang tunay na sitwasyon, pero nararamdaman niyang unti-unti na silang nauupos. Noong nagdaang araw lang ay narinig niyang nag-pull-out na ng shares ang kanilang mga stockholders at ang iba pang mga kasosyo sa negosyo. Kaunti na lang lulubog na sila; hindi na niya alam kung saan pa sila pupulutin.
“Lola, alam ninyo naman po na gusto ko talagang makatulong. Naghahanap na rin po ako ng paraan. Don’t worry, sooner or later mareresolba din iyan,” magalang niyang sabi. Kahit hindi magsalita ang mga ito ay halata niya ang paghihirap ng mga ito.
“Hayaan mo, apo, malapit na. Kaya ikaw, mag-aral kang mabuti. Makita ka lang namin na matupad ang lahat ng mga pangarap mo, masaya na kami niyan ng Lolo mo,” masayang sabi nito sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit, pinipilit niyang huwag maiyak; gusto niyang siya ang magbigay ng pag-asa at lakas ng loob sa mga ito, lalo na sa problemang kinakaharap nila ngayon.
“Kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili.
“Oh, siya. Bangon ka na at magbihis, tapos bumaba ka na para sa late na tanghalian,” sabi ng kanyang Lola; ito na rin ang nagtulak sa kanya papasok ng banyo.
Pagkatapos niyang maligo at makapag-ayos ay saka lamang siya lumabas ng kanyang kwarto. Bumaba siya para kumain at para kahit kunti man lang ay magkalaman ang kanyang tiyan. Pagdating sa may kusina, nakita niya agad si Manang Tes, na naghahanda ng pagkain para sa kanya.
“Manang Tes, ako na po diyan,” saad niya at lumapit. Kinuha niya ang hawak nitong serving spoon at siya na mismo ang nag-serve ng pagkain para sa sarili niya.
“Ikaw, talagang bata ka. Bakit ngayon ka lang nagising? Hindi ba sumakit ang tiyan mo?”
Bumaling naman siya dito at ngumiti, “Hindi naman po,” magalang niyang sagot.
“Oh siya sige, pupunta muna ako doon sa may garden at may iuutos yata ang lolo at lola mo sa akin.” saad nito.
“Thank you, po.” Pagkatapos ay umalis na ito.
Si Krizsca naman ay kumain na nang mag-isa. May kailangan pa siyang gawin; Tourism Week nila at may tatapusin pa silang project kasama ang mga kaibigan niya. Lalo pa at hindi tumutulong sa kanila ang isa nilang ka-group na si Novie.
Habang kumakain, ay biglang pumasok ulit si Manang Tes. “Ica, anak, pinapasabi ng iyong lola at lolo na pumunta ka raw sa San Antonio,”
Kumunot ang kanyang noo. “Para saan po?”
“Ay, hindi mo ba naaalala na kaarawan ni Kuya Renald mo ngayon, na kaibigan ng Kuya Vander mo?”
‘Shocks naman, oo nga pala. Bakit niya ba iyon nakalimutan? Birthday pala ngayon ng anak ng kanyang ninang. “Sige po, thank you,”
Pagkatapos niyang kumain ay umakyat ulit siya sa kanyang kwarto at nagbihis ng pormal na kasuotan. Pagbaba niya ay nakita niya ang kanyang lola at lolo na masayang nakatingin sa kanya.
“La, Lo, aalis na po ako,” magalang na sabi niya.
“Mag-iingat ka, apo. Nariyan si Kuya Banjo mo para maihatid ka ng ligtas. Pakisabi na rin sa Ninang mo na hindi kami makakadalo ng Lola,” saad ng lolo ni Krizsca, na ang tinutukoy ay ang ina ni Renald.
“Sige po, Lo, La,” paalam niya at humalik sa pisngi ng mga ito bago maglakad palabas ng bahay.
“Tara na po, Kuya?” tumango lang naman ang driver. Pinasakay siya nito at siniguradong maayos bago pinaandar ang sasakyan.
Nang makarating sila ay agad siyang sinalubong ng kanyang Ninang. “Ang ganda-ganda naman ng inaanak ko,” papuri nito. Nahihiya naman siyang nagbaba ng tingin.
“Nasaan po si Kuya Renald, Ninang?”
“Ah, naroon sa may pool area, doon nila pinili na magtipon-tipon.”
“Pwede ko po ba siyang puntahan para maibigay ito?” magalang na sabi niya sabay taas ng kamay na may hawak na paper bag.
“Of course naman, pero pagpasensyahan mo na lang kasi puro lalaki ang naroon.” ngiting sabi nito. “Oh, siya. Puntahan na natin baka nagtatampo na iyon lalo na at late ka.” saad ng Ninang niya na ikinatawa niya ng mahina.
Habang papalapit ay palakas ng palakas ang ingay na kanyang naririnig.
“Pag mga lalaki naman talaga, pagpasensyahan mo na lang, anak,” bulong ng Ninang niya.
“Okay lang po iyon.”
Nang makarating sa pool area ay ingay agad ang sumalubong sa kanila. Ngunit naagaw iyon ng masilayan siya ng mga tao/kaibigan ni Renald.
“Kuya,”
Lumingon naman si Renald sa kanya. Nakangiti ito ngunit agad rin na napasimangot ng makita siya.
“Bakit late ka na? Nakalimutan mo ang birthday ko, ‘no?” saad nito at tumayo upang salubungin siya.
“I’m sorry po. Happy Birthday,” saad niya at niyakap ito. Naramdaman naman niya ang pagyakap nito pabalik sa kanya kaya naman napangiti siya.
Nasa ganoon pa rin ang position nila ng biglang may tumikhim. “Ehem, baka naman,” sabi ng lalaking kulot na may tattoo. Pamilyar ito sa kanya at para bang nakita na niya ang mukha nito sa TV, ngunit hindi niya maalala kung kailan.
“Oo nga naman. Masyado kang sakim,” sabi ng isang singkit, na sinang-ayunan naman ng isa pang lalaki na maputi, na may magandang kulay ng mata. Matangkad ito at mayroong dirty blond na buhok.
“Pakilala mo naman kami,” sabad pa ng isa pa, matangkad din ito at maputi, malinis ang pananamit, walang tattoo sa katawan, at malapad ang katawan.
“Shut up, mga fucker,”
“Oh, bakit?” sabi ng isang lalaking naka-blonde ang buhok.
“Come here, upo ka dito sa tabi ko.” saad ni Kuya Renald at iginiya siya paupo. Nahihiya naman siyang ngumiti sa mga bisita nito.
“Here’s my gift, Kuya, hope you like it po,”
“Thanks, baby sis,” saad nito at hinalikan siya sa noo. “Anyway, I want you to meet these friends of mine na puro babaero.” saad nito na ikina-angal naman ng mga lalaki. “This one,” turo ni Kuya sa lalaking naka-blonde. “This is Jefferson, he’s so babaero kaya kung manliligaw man siya sa iyo ay huwag mong sasagutin.”
“Gago!” sabay nito, na ikinatawa niya ng mahina.
“And this one,” turo ni Kuya sa lalaking kulot ang buhok. “This is Andres, tatlo ang girlfriend niyan kaya kung sakaling mag-attempt siya na manligaw din sa iyo, huwag mo nang pag-aaksayahan ng oras.”
“Gago! Hindi pa nga kami nag-umpisa sinisiraan mo na kami!” sagot nito, na tinawanan lang ni Kuya Renald.
“And this is Vrok,” turo ni Kuya sa lalaking tahimik lang. “Wala kang dapat na ipag-alala dahil may asawa na iyan, iniwan nga lang, kaya nga Vrok ang pangalan eh kasi broken,” saad ni Kuya na tinawanan naman ng iba pa.
Nang tumingin ako sa lalaki, ay nag-sign language lang ito kay Kuya Renald na tinawanan lang naman nito.
Ipinakilala pa ni Kuya sa akin ang iba pero ganoon pa rin. Laging umaangal ang mga ito.
“Hello po, I’m Krizsca, kapatid po ni Kuya,” magalang na pakilala niya.
“Bata pa kami, ‘wag ninyo kaming i-po. ‘Yang kaabay mo, ‘yan ang totoong gurang, ‘yan ang dapat igalang,” natatawang sabi ng mga kaibigan ni Kuya Renald.
“Suntok gusto mo, kulot?” seryosong sabi nito sa mga kaibigan.
“Oh, tama na ‘yan. Sa akin na muna ang maganda kong inaanak. Hindi ko pa ito napapakain. Hala sige kayo na muna diyan, ‘wag lang masyadong magpakalasing, mga hijo,” paalala ng Ninang niya. “Sige, maiwan muna namin kayo. Krizsca, halika na sa loob.” Ngumiti muna siya sa mga ito bago sumama sa kanyang Ninang.
########
A/N: Hello 👋 pa-comment naman po ng HEART ❤️ kung may nagbabasa po ba nito hehe…😁😁😁
Xoxo. 🥰😍😘