Third Person POV
SA HAPAG-KAINAN, maraming kwento ang ibinahagi ng ninang ni Krizsca sa kanya, ngunit hindi roon nakatuon ang atensyon niya. Mula sa silid-kainan, natanaw niya ang isang taong maaaring makatulong sa kanyang problema. Sa tingin niya ay negosyante ito at baka ito na ang tamang panahon para may makatulong sa lanya. Dumating ito kanina para batiin si Renald may iba pa itong mga kasama. Naisip niyang humingi ng pabor dito, dahil sa tungin niya ay ito na ang tamang pagkakataon na ito at paraan na ni Lord upang matulungan ang kanyang lolo at lola.
Magtatakipsilim na nang makakita siya ng pagkakataon. Umalis ang lalaki, sinundan niya ito sa likurang bahagi ng mansyon. Nakatalikod ito, nagsisigarilyo. Umihip si Krizsca ng hangin upang makuha ang atensyon nito. Lumingon ang lalaki at itinapon ang sigarilyo. Isang matalim na tingin ang iginawad nito sa kanya.
"Who are you?" mabigat nitong tanong.
"Pasensya na po kung ginambala ko kayo, Sir, ngunit may maliit na pabor sana akong hihingiin. Hindi naman po ito magtatagal," magalang na sagot niya.
"Sige," tugon ng negosyante.
"Sir, kakapalan ko na po ang mukha ko, I am Krizsca Atienza, by the way. I know that your company is well known in the business industry," kagat labing panimula niya, humugot muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago magpatuloy. "I'm humbly asking for your help, sir. I know you have the capacity to help us. We're almost drowning, we're falling, we're on the verge of losing everything. I'm willing to take the risks, Sir, as long as you help us." She was desperate, but if this was the only way, she was ready.
"Ok then," nakangiti nitong tugon. Kinilabutan siya bigla sa ngiting ibinigay nito sa kanya. "But, how about the payment? You told me that your company is in the midst of bankruptcy, if I help you, will you recover immediately? What if you don't? What will be the price for my help?" The smile suddenly vanished from his lips. Her friends were right, all help comes with a price. Nothing is free in this world
"Don't worry, I will find means on how to pay you back, sir." mahinahong sabi niya. Hindi inaalis ng lalaki ang tingin sa kanyang mukha. Tumaas ang gilid ng labi nito, at pinasadahan ng tingin ang buo niyang katawan, mula sa mukha pababa sa kanyang mga paa, at pabalik na nagdulot ng kilabot at takot sa kanya. Ilang sandali pa ay naglakad ito palapit sa kanyang pwesto na ikina-atras niya.
"Pwede naming ikaw na lang ang mahing kapalit," mapang-akit na sabi nito. Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan. Hindi man lang niya maigalaw ang kanyang mga paa para makalayo. Palapit ito nang palapit, hanggang sa hawakan nito ang kanyang braso at hilahin siya sa isang tagong bahagi ng lugar.
"NO!!! Bitawan mo ako!" nagpupumiglas na sigaw niya, pero mas malakas ito sa kanya.
“You told me that you want my help. Your body is enough as a payment. After this, expect my help.” He said with a glint of pagnanasa sa boses nito na mas lalo kong ikinatakot.
“I said, let me go!” takot na takot na sigaw niya. She use her free hand to slapped him on his arms, pero wala, his strong at parang wala lang dito ang hampas na ginawa niya.
“I thought that you will do everything?” he said, “Kaya wag ka ng mag enarte. After this, matutulungan mo na ang pamilya mo.” sabi nito at akmang hahalikan siya nito sa pisngi ng agad niya itong masalag ng isang kamay niya.
“Woah, this is going to be hard. But it's fine, gusto ko ang mga ganito, mas masarap lalo na pag palaban,” Bawat salita nito ay nakakakilabot. Gusto na niyang maiyak sa takot, at sakit ng pagkakahawak nito.
“Please, let me go,” mahinag bulong niya. Wala na siyang lakas pa, dahil kahit anong panlalaban ang gawin niya ay hindi parin siya makawala rito.
“Fvck, your smell is so nice,” kinilabutan siya lalo ng biglang itong yumuko. Napapikit na lamang siya, wala siyang lakas para makawala.
"God help me," she silently prayed, then suddenly, something flew across the floor with a loud thud. Nang magmulat siya ay ang galit na galit na mukha ni Vander ang sumalubong sa malabo niyang paningin dahil sa namamasa niyang mga mata. "Kuya Vander," she managed to whisper, before he lunged at the man again.
"Damn you, asshole!!! Tangina ka!" Vander rained blows and kicks upon him. She approached him, watching as he held the man by the collar, pinning him against the wall. The man was bleeding profusely, seemingly unable to fight back.
“Kuya tama na, please…” naiiyak na awat ni Krizsca kay Vander, ngunit parang wala itong naririnig. Patuloy lang ito sa pagbibigay ng sunod-sunod na suntok sa lalaki.
"Pűt@ngin@!!! Vander, tumigil ka!!" Sigaw na awat ni Kuya Renald, dahil mukhang wala itong balak tumigil. "B@llshït Vander, mapapatay mo na yang pinsan ko. Alam kong gago yan, pero.. Sh>tt.. stop this b@llcrap!!" Ang mga kaibigan nito ang umaawat kay Vander, nang hindi makinig si Vander sa mga kaibigan nito ay agad na lumapit si Krizsca at niyakap ito mula sa likuran. “Tama na, please…” she sobs. Naramdaman naman agad niya ang pagtigil nito. Ramdam pa ni Krizsca ang malalalim nitong paghinga.
“Fvck! Make sure na hindi na yan magpakita sa akin dahil baka mapatay ko ang gagong yan!” ramdam ni krizsca ang galit sa boses ni Vander.
“Krizsca, are you okay? Tell me what happened, ako mismo ang papatay dito sa g@gø kong pinsan!” saad ni Renald.
Hindi na siya nakasagot pa ng hawakan siya ni Vander sa kamay at hinila paalis.
"Mag-uusap tayo." Iyon lang ang narinig niya, nang malapit na sila sa sasakyan nito. "Sakay," sabi nito sa malamig na boses nang pagbuksan siya ng pinto. Mabilis naman siyang sumunod. Sa byahe ay walang nagsalita sa kanilang dalawa. Kita niya ang pag-igting ng panga nito at hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha nito. Ang mga kamao nito ay nakakuyom, at paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa kanya, ang mga mata nito ay puno ng halo-halo na emosyon, galit, at pag-aalala.
Gustong magtanong ni Krizsca kung paano ito nakarating doon kanina sa birthday party ng Kuya Renald niya, lalo pa at hindi niya ito nakita ng dumating siya. Ni hindi nga rin niya alam na ang lalaking hiningian niya ng tulong ay pinsan pala ng kuya Renald niya. Kanina niya lang kasi ‘yon nakita at ang pagkakaakala niya ay isa lamang itong business partner or kaibigan rin ng kuya Renald niya.
"Baba," pagtingin niya ay nasa tapat na sila ng bahay nito, dito sa San Antonio. Sandali siyang nagpunas ng luha bago bumaba ng kotse, pinauna siya nitong pinapasok sa bahay at pabalibag nitong sinara ang pinto, na nagpagulat sa kanya.
"Kuya Van, I'm sorry. Nang dahil sa akin napa-away pa kayo," nagsisimula na namang tumulo ang kanyang mga luha. Napasabunot naman ito sa sariling buhok, at sandaling tumingala, animoy pinapakalma ang sarili.
"What happened back then?" nakaturo ang kamay nito sa may pinto ng bahay. "D@mn it!! Tell me!!" Mukha itong aburido at gustong-gusto na malaman ang kanyang sagot.
“S-sorry kuya. I thought he could help me.” Nakayuko niyang sabi, “Nagpatulong ako sa kanya, because we’re already falling. Mawawala na sa amin ang mga pinaghirapan ni Lolo ng maraming taon, akala ko matutulungan niya ako, kami. Hindi ko naman alam na ganun pala ang interpretasyon niya ng pagbabayad. God knows Kuya, hindi ko ‘yon ginusto.” Doon na lumakas ang kanyang pag-iyak. Nilapitan siya nito at naramdaman niya ang mainit nitong yakap sa kanya. Ang yakap nito ay puno ng pag-aalala at pag-unawa, isang yakap na nagpaparamdam sa kanya ng seguridad at kaligtasan.
“You didn’t know who you were talking to, kriz. If you need help nandito kami, ako, para tulungan ka. Why did you have to ask for help from someone else?” He then cupped her face. But she winced at his touch. His forehead creased, and she noticed his jaw clench at her reaction.
“That motherfvcker will pay!” galit na sabi nito at agaran nitong tiningnan at sinuri ang pisngi niya. Panay naman ang ngiwi niya kapag nasasagi ng daliri nito ang kanyang pisngi. “s**t!” sunod-sunod na mura nito.
“Sit there,” saad nito sabay turo sa may sofa. Pagkatapos ay umalis ito sa harapan niya, pagbalik nito ay may dala na itong icepack, kukunin na sana niya ito ngunit tiningnan siya nito ng masama.
##########
A/N: Kung marami man kayong makita na typos pagpasensyahan niyo nalang po ako hehe…😁😁😁 busy kasi ako sa mga projects namin kaya wala na akong time para ireview pa ang mga nasusulat ko 😁😁😁 sulat lang ng sulat, walang review-review then publish agad 😁😆😅😄 Thank you and God bless everyone 🙏🙏🙏
#BakaMagFirstPersonPovNaAkoNextChapter🤣
Xoxo.🥰😍😘