01

2056 Words
Third Person POV "BESHY, bakit ka pinatawag ni President last week?" bungad ni Anna, umagang-umaga, habang si krizsca ay kakababa lang ng sling bag niya. Nasa school cafeteria sila noon, may tatlumpung minuto pa bago magsimula ang unang klase nila. "Nagka-emergency lang sa bahay beshy," tugon niya. Hindi pa rin siya maka-get over sa mga pangyayari noong nakaraang linggo. Nakausap na ng kanyang Lolo ang kaibigan nito at ipinahayag na ayaw nitong ituloy ang napagkasunduan. Nakita niya ang pagkadismaya sa kaibigan ng kanyang lolo na si Mr. Chua habang palabas ito ng library. Mukhang itong nalugi ng malaki. Ramdam ni krizsca, na kahit nahihiya ang kanyang Lolo sa kaibigan, ay pinipilit pa rin nito na hindi siya ibibigay sa kahit sinong lalaki. Sinabi rin ng lolo niya na mas mahalaga siya kaysa sa kahit na ano man. Kaya siya ngayon, problemado kung paano siya makakatulong sa problema ng kanyang lolo. Ayaw naman niyang tumunganga na lang at maghintay ng taong lalapit or magliligtas sa kanila, syempre dapat kumilos din siya pag may oras. "Krizsca, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng kanyang kaibigan "Parang ang lalim yata ng iniisip mo, beshy?" tanong ni Anna. Siya ang matalik na kaibigan ni krizsca, kasama si Bella. Magkaklase na sila mula kindergarten, hanggang dito sa highschool, at pareho silang kumuha ng BS Tourism Management sa kolehiyo. Madalas silang tanungin ng mga dating kaklase kung hindi ba sila nagsasawa sa isa't isa, na agad lang naman nilang tinatawanan. "Anna, nagkaroon lang ng konting problema sa ‘min, pero naayos na," pagsisinungaling niya. Ayaw niyang madamay ang kanyang mga kaibigan sa problemang kinakaharap niya ngayon. "Beshy, sigurado ka ba? Baka mamaya nagsisinungaling ka lang.” sabi pa ni Anna. " Magtapat ka nga, may problema ba kayo o wala? Sabihin mo ang totoo? Kakausapin ko si Daddy at Kuya para matulungan ka nila." sabi pa nito. Mayaman ang pamilya ni Anna. Matagumpay na negosyante ang magulang nito, at isa sila sa mga mayayaman sa buong San Antonio, may malaking farm din sila sa lugar na iyon, kasama ang palaisdaan at iba pang negosyo. Kaya naman lubos ang paggalang ng mga taga-San Antonio sa pamilya nito, pero mabait si Anna, at matulungin sa kapwa. Hindi rin siya mapangmata katulad ng iba. "Don't worry, if I have problems again, I'll ask for your help. For now, we're okay. My grandparents are okay. Thank you so much for reaching out. I do appreciate it a lot." nakangiting sabi niya. Niyakap naman siya nito ng mahigpit. "Bakit ba ang tagal ni Bella?" inis na sabi ni Anna. "Nagpa-order pa, tapos di naman yata papasok, nakakainis ang piglet na iyon talaga!" Nanunulis sa inis ang nguso na sabi nito. "Piglet ka nang piglet diyan, pag narinig ka nun, may batok ka na naman," banta ni krizsca. Ayaw pa naman ni Bella na tinatawag siya ng ganun, kahit medyo chubby ang kaibigan nilang ‘yon. Pero maganda pa rin ang hubog ng katawan nito kahit chubby. "Totoo naman, beshy ah," depensa pa ni Anna, sa sarili. "At tsaka…twenty minutes na lang mag-start na ang klase natin, tapos wala pa rin siya. Kahit kailan talaga!" inis pa rin na sabi nito na ikinangiti na lamang niya. "Mga beshyyyyyyy!!!!" agad na napalingon sina krizsca at Anna sa entrance ng cafeteria, nang marinig nila ang sigaw ng kaibigan nilang si Bella. "Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay dito? Halos mamuti na ang mga mata namin, masyado ka talagang pa-importante!" sabi ni Anna, na inismiran lang naman ni Bella. "Upo ka na nga dito, para makapag-almusal na tayo. May klase na tayo mamaya, oh." "Oo, ito na po, madamdamin," pang-aasar ni Bella. Madalas mag-asaran ang dalawa, at si krizsca ang madalas na umaawat sa mga ito. "That's enough, let's just eat.," suhestiyon niya para matapos na ang pag-aasaran ng kanyang mga kaibigan. "Beshy, naligo ka ba?" pabulong na tanong ni Bella kay Anna. "Bakit mo tinatanong?” taas-kilay na tugon ni Anna. "Amoy asim ka kasi eh,” pabulong ulit na sabi ni Bella kay Anna. "Hoy! Masyado ka!" sabi ni Anna. “Naligo ako ‘no! Baka sarili mo kamo ang naamoy mo!” “Aba't nilipat pa sa 'kin ang kataraman! For your info madamdamin, halos tatlong beses ako maligo sa isang araw except nalang kung nandito ako sa school!” saad ni bella. “Ede, ikaw na ang mahilig maligo!” asar na asar na sagot ni Anna. “Hey, hey, tama na yan. Nakakahiya na, oh,” saad ni krizsca sa mga kaibigan niya. Agad naman ang mga ito na tumahimik, ngunit nagbabangayan pa rin sa mahinang paraan. Napailing nalang siya, hindi talaga makokomepleto ang araw ng mga kaibigan niya ng hindi ang mga ito nagbabangayan. "Humanda ka sa ‘kin mamaya," sabi ni Anna. Kinuha na nila ang kanilang mga gamit at sabay-sabay na umakyat sa kanilang classroom. Gumamit silang tatlo ng hagdanan dahil ayaw nilang makipagsiksikan sa elevator, at hindi pa rin gumagana ang escalator sa school. Pagkapasok sa classroom, umupo sila sa tatlong upuan sa unahan. Doon niya kasi gustong umupo para maituon ang buong atensyon sa kanilang propesor. Sa tatlong taon nilang pag-aaral sa university na ito, wala naman silang naging problema sa mga propesor, lahat mababait, kapag mlay kailangan ka ay tutulungan ka nila. "Malelate daw si Prof. Montessori," imporma ng isa sa mga kaklase nila. Kaya imbes na makipag kwentuhan, nagsimula na lang siya na magbasa ng posibleng tatalakayin sa klase mamaya. "H0YY!!" sigaw ng isang babae sa gilid nila dahilan upang mapalingon siya "Hoy! Ikaw, Miss Cruz." Tawag nito kay Bella. Taas-noo namang hinarap ni Bella ang babae. "Anong problema mo, batang hamog?!" Nagtawanan ang ibang kaklase. Lumalabas talaga ang katarayan ng kaibigan niyang si Bella lalo na kapag inunahan siya. "Bakit ka nagtetext sa boyfriend ko?!" maangas na tanong ng babae. "Hoy ka rin!! Hindi ko kilala ang jowa mo, at wala akong panahon para alamin pa. At bakit ko naman siya etetext, aber?" sagot ni Bella. "Wag ka ng magdeny, tinatanong mo nga kung nasaan na siya eh. Bakit may usapan ba kayo? May date kayo? Saan?" sunod-sunod na tanong ng babae. "Ahh, si Mr. Dela paz pala ang boyfriend mo?” sabi ni Bella, sa babae. "Gusto mong malaman kung bakit ko siya tenetext?” tumawa si Bella, “Dahil dumbbell 'yang jowabels mong putot! Pasabi ha, tanggal na siya sa group presentation namin, kasi toxic 'yang jowa mong putot na pingakaitan yata ng height!!!!!" Gigil na gigil na sabi ni Bella. "Bella, enough," sabi ni krizsca at tumayo para awatin ang kaibigan. Si Anna naman ay parang nanonood lang ng teleserye. Habang ang babaeng nagsimula ng gulo ay umalis naman na takot na takot. "Juskooo, umpisa lang pala matapang. Kapag niresbakan pala talo!” sabi ni Bella. Matapang talaga si Bella, lumalaban siya sa kahit na sino lalo na at kapag alam niyang nasa tama siya. "Bella, calm down," pagpapakalma ni krizsca sa kaibigan. Sa kanilang tatlo, si krizsca ang nagsisilbing taga-balanse pagdating sa mga bagay na ganito. Para siyang ate sa dalawa niyang kaibigan, kahit na magkaka-edad lang naman sila. Tumigil lang si Bella sa pag ngingitngit nang pumasok na ang kanilang propesor. Matapos ang ilang oras na klase, dali-dali silang lumabas para mag-lunch. Nagmadali sila para hindi maabutan ng kung sino man sa daan. Nasa hagdanan pa lang sila nang may tumawag sa pangalan ni niya. "Hi, Krizsca," bati ni Aldrich. Naiirita naman na tiningnan niya ito. Matagal na kasi siya nitong ginugulo, hindi siya nito tinantanan simula ng first year high-school pa. "Kumusta na? Ano, may pag-asa na ba ako?" mayabang na tanong nito. "Aldrich, I already told you about this. Ayoko, bakit ba ang kulit-kulit mo?" she whispered to him. They were already attracting attention from other students, and she didn't want to be embarrassed in front of so many people. He was known throughout the university, supposedly a campus heartthrob, but she didn't find him attractive. "Maybe you're just confused. Don't worry, I'll wait for you, and I'm willing to wait," he said before leaving. "Beshy, why not give him a chance?" tanong ni Anna. "Anna naman, parang di mo kilala ang lalaking 'yun. Kaliwat-kanan nga ang mga babae nun. Nakakarinig pa nga ako minsan na mahilig daw 'yun sa dual. Tapos makapilit ka dun kay krizsca ay wagas. Wag ganun, dzai!" komento ni Bella. “Anong dual?” curious na tanong niya sa kaibigan. Tumawa ang dalawa. “Dzai, hindi pala alam nitong kaibigan natin ang dual, hahahahahaha!” saad ng dalawa, muntikan pa ang mga ito mabilaukan kakatawa. "Wala ‘yun beshy, ang mabuti pa ay kumain nalang tayo. Saka na namin ipapaalam sayo kung ano yung dual na sinasabi namin sayo.” Hindi na nakapagsalita pa si Krizsca ng hilain siya ng kanyang mga kaibigan. “So tell us the truth, may problema ba talaga kayo o wala?” tanong ni Anna, habang nagtatambay silang magkakaibigan sa ilalim ng puno. “Tell us the truth na, beshy, bago pa namin ni bella personal na tanungin ang lolo mo.” Walang nagawa si krizsca, kundi ang umamin. Huminga siya ng mahina. Bago mag-umpisa. "We are actually…..facing bankruptcy.” Bulong ni krizsca. “"In a few months, if this problem…wouldn't be solved early. Lolo can't function well, he's getting old. Ayaw naman ni Lolo na ibigay iyon sa kapatid ni mommy, dahil mas inaalala ni Lolo yung business na naiwan ni mommy, kesa sa mismong business nila." kagat labi na amin ni krizsca, sa mga kaibigan. "Tutulong kami beshy, ipapaki-usap namin sa pamilya namin, kung gusto mo." said Anna. "Mga beshy, long term help ang kailangan ni lolo—namin. ‘Yung talagang taong makakatulong sa amin." Paliwanag ni Krizsca. "What do you mean long term help? Parang ang hirap naman n'yan beshy. Baka kung sino sino na ang nilapitan mo ha?" that's Anna and her mouth. "Hindi, naghahanap pa lang ako." "Krizsca, sa panahon ngayon walang tutulong ng walang kapalit. Baka mamaya pati dangal at puri mo ay iaalay mo na. iba na ang takbo ng utak ng mga tao ngayon." It was Bella. Her statement made krizsca lower her gaze. Nahihiya siya, paano kung ganon na nga? What if they took advantage of the situation? "Anong plan ng Lolo mo?" tanong ni Anna. "Actually, dapat talaga ay ipakakasal nya si Ate Ann Lyn dun sa anak ng kumpare nya." "Yung pinsan mong ubod ng yabang?” tanong ni Anna na ikinatango lang ni krizsca. "Yes, kaso hindi siya pumayag. So, I volunteered myself." Nagtaasan ang mga kilay ng mga ito. "But Lolo refused, he didn't want me to do it, he said I was too young for that. So he had no choice, he broke their agreement. So here I am, trying to find a way to help," mahabang paliwanag niya sa mga kaibigan. "Alam mo, beshy, mukhang mahihirapan ka ng medyo diyan. Lahat kasi ng tulong may kabayaran eh. Wag ka kaagad magtitiwala, lalo na at di mo pa lubusang kilala ang tao. Baka naman makarinig ka lang ng 'tutulungan kita' ay bumigay ka na agad. Wag ganun, beshy ha," payo ni Bella. "Oo naman, alam ko naman 'yun. Kaya nga wala pa rin akong nahahanap hanggang ngayon, eh," sagot ni krizsca. "Naku naman. Basta when you need help, andito lang kami, okay?" sabi ni Anna. "Group hug nga tayo," nakangiting sabi ni Anna. Buong hapon ay lutang si krizsca. Hindi niya na naintindihan ang klase. Hanggang pag-uwi ay iniisip pa rin niya ang sinabi ng kanyang mga kaibigan na walang tutulong ng walang hinihinging kapalit. Wala na nga namang libre sa panahong ito, lahat may presyo. Pero umaasa pa rin siyang makakakita siya ng taong bukal sa loob ang gagawing pagtulong. Alam niyang mahirap, pero umaasa pa rin siya. Uwian na at subrang sama ng panahon. Para itong uulan. Napaisip tuloy si krizsca, kung may pasok bukas? Sana wala, para makapagpahinga siya. Ngayon lang niya kasi napagtanto na nakakapagod din pala ang mag-isip. Pag-uwi, agad siyang humiga sa kama. Magpapahinga muna siya. Nanalangin siya saglit bago ipikit ang mga mata. Bandang alas otso, ginising siya ni Manang Tes para maghapunan. Sa komedor, napag-usapan nila ang nalalapit niyang kaarawan. Napag-usapan nila kung ano ang ihahanda; tinanong din siya kung ano ang gusto niya, ngunit sumagot lang siya na gusto niyang maging simple ang lahat. ##########
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD