DISCLAIMER: This book is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
A/N: This story is entirely fictional. The characters, events, and situations depicted are products of my imagination. While I strive to create compelling narratives, I do not intend to offend or cause distress. If you find the content upsetting, you are welcome to remove it from your library. Thank you for your understanding. 🥰😍😘
×××××××××××××××
TEASER
PAUWI NA si Kriszca; this time, hindi na siya sumabay sa kanyang mga kaibigan. Tinawagan na lang niya si Kuya Banjo para sunduin siya. As usual, busy na naman si Vander; ni hindi man lang ito nag-text sa kanya para kamustahin siya.
Nasa loob na siya ng sasakyan. Kinakabahan siya sa kadahilanang hindi niya maintindihan. Kumakabog nang malakas ang kanyang puso at para na itong sasabog sa sobrang bilis.
Pagdating sa bahay, hindi pa rin nawawala ang kanyang kaba. May kung anong mabigat sa kanyang puso, katulad noong araw na may natanggap siyang text message mula sa isang unknown number na hanggang ngayon ay ginugulo pa rin siya. Tuloy-tuloy siyang naglakad. Pagdating niya sa tapat ng pintuan ng bahay, ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto; walang tao. Ngunit ang kaba ay nanatili pa rin sa kanyang dibdib.
Habang papasok siya sa sala, may narinig siyang munting ingay ng dalawang tao, ngunit hindi niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. Diretso lang ang lakad niya; ang kaba sa kanyang dibdib ay mas lalo lamang bumilis. Nanlalaki ang mga mata ni Kriszca, at parang sinasaksak nang paulit-ulit ang kanyang puso nang makita niya si Vander at ang isang babaeng nakatalikod sa gawi niya. Naghahalikan ang dalawa. Parang dinudurog ang kanyang puso sa nakita, at lalo pa siyang nasaktan nang lumingon ang babaeng kahalikan ng asawa niya.
##########