Habang busy ako sa pag-aayos ng kwarto ay biglang may kumatok pero narinig kong si Mommy ‘yon. Buti na lang dahil narinig ko agad ang katok niya dahil nagpapatugtog ako.
“Anak? Anong ginagawa mo?” tanong niya nang pagbuksan ko ng pinto.
“Naglilinis po ng kwarto.” Sabi ko at dahan-dahan siyang tumango.
“Pagkatapos mo, pwedi bang bumaba ka muna? Gusto ka namin kausapin ng Daddy mo.” Bigla akong kinabahan sa sasabihin nila.
“Sige po, bababa rin po ako agad.” Sagot ko at tumango siya.
Ano kayang sasabihin nila sa akin? Ibabalik na kaya nila ako sa tunay kong magulang? Pero imposible ‘yon dahil ang sabi sa ampunan, wala na raw ang magulang ko. So, imposible ang iniisip ko.
Tinapos ko na agad ang pag-aayos at paglilinis ng kwarto ko. Ayaw ko rin silang paghintayin ng matagal. Kaya agad na akong bumaba para makausap nila ako.
I saw them at the living room. Seryoso ang mga mukha nila at kinabahan ako bigla.
Pag-upo ko ay tinignan agad ako ni Daddy.
“Samara, ‘wag mong masamain ang gagawin namin. Gusto lang namin na umangat ang business natin kapalit sa pagpapakasal mo kay Nate Salazar.” Napalunok ako sa sinabi ni Daddy.
Gusto kong tumutol pero anong magagawa ko? Sila ang nagpalaki sa akin? Natatakot ako na baka magalit at itakwil nila ako. Sila ang bumuhay sa akin. Anong gagawin ko?
“Anak, sana mapagbigyan mo kami ng Daddy mo.” Pakiusap ni Mommy sa akin.
“Sige po, willing po ako.” Sabay no’n ang paglunok ko.
“Salamat, anak.” Maluha-luhang sabi ni Mommy sa akin.
Onti na lang ay babagsak na ang business nila Daddy. Kaya nakipag-partner sila sa isang mayaman na kaibigan nila sa business nila. Ito na siguro ang kapalit ng utang na loob ko sa kanilang mag asawa.
“What? Ipapakasal niyo si Ara? Gusto niya ba? Pinipilit niyo!” nagulat ako kay Kuya Percy na galit na galit. Ngayon ko lang siya nakitang ganito magalit.
“Percival. ‘Wag ka na mangialam. Bumabagsak na ang negosyo natin! Anong gusto mo? Hayaan lang natin?” pati si Daddy ay nagalit na rin.
Napalunok ako nang makita ko si Kuya Percy na naniningkit ang mga mata.
“Anong hindi? Kapatid ko si Ara! Tapos ganoon niyo lang siya ipapakasal sa iba?” napahawak ako sa laylayan ng damit ko.
Umiinit na ang mga ulo nila.
“Percy! Calm down!” sabi ni Mommy sa kanya pero parang wala siyang pinapakinggan.
“How can I calm down? Dahil lang sa negosyo handa niyong ibigay si Ara?” napakagat ako sa ibabang labi ko. Pinaglalaban niya ako, pero ako sumang-ayon na.
“Pumayag ako.” Sagot ko sa kanya at napatingin siya.
“What did you say? You agreed? Nagjo-joke ka ba?” para akong naiiyak na. Mahina pa man din ako kapag natataasan ako ng boses. Ngayon niya lang ako nataasan ng boses.
Nangingilid na ang luha.
“Yes! She agreed! Bakit? Ano bang problema mo?” inis na tanong ni Daddy kay Kuya Percy.
I saw how he sighed and walked away.
“Hayaan mo ‘yang kapatid mo. Nabigla lang ‘yan.” Sabi ni Mommy at hinawakan ang kamay ko.
“Anak, thank you.” Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Ayaw kong madismaya sila sa akin.
“Walang anuman, Mommy. Basta makatulong ako sa inyo ni Daddy.” Sabi ko at ngumiti kahit mapait.
“Sandali lang po.” Sabi ko sa kanila at tumango silang mag asawa.
Pupuntahan ko si Kuya Percy, gusto ko rin siyang makausap. Kaya paglabas ko ay nakita ko siya sa pool area ng mansion. Kahit nasa malayo ay kitang-kita ko siya habang nagyoyosi. Bago pa man ako lumapit ay huminga muna ako ng malalim.
“K-Kuya,” tawag ko sa kanya at hindi niya ako tinignan agad.
“What?” malamig niyang tanong sa akin.
“Bakit ka nagagalit?” I asked him directly.
“Alam mo naman na ayaw kitang mapunta sa iba.” Nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi niya.
“Bakit ayaw mo? Wala namang tayo, Kuya.” Matigas at mahina kong sabi at sa wakas, napatingin siya sa akin.
“Oo nga pala, wala nga palang tayo.” Sabay labas ng usok sa bibig niya.
“Hindi kita maintindihan, Kuya! Kanina pinagtatanggol mo kila Daddy tapos ngayon ganyan ka? Ano ba talagang problema mo?” inis kong tanong dahil bakit hindi niya sabihin?
“Because I loved you, Ara. Mahal kita.” Para akong naestatwa sa sinabi ni Kuya Percy.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.