Pagkaalis ni Percy, tuluyan nang binalot ng katahimikan ang buong bahay. Nakatayo lang ako sa may veranda habang pinapanood ang sasakyan niyang papalayo. Hindi ko namalayang may lumapit na pala sa likod ko. “Malamig.” Napalingon ako. Si Kenzi. Nakatayo lang siya sa may pintuan habang nakapamulsa. “Pumasok ka na.” Tahimik akong tumango. Pagkapasok namin, siya ang nagsara ng pinto. Hindi na naman kami nag-uusap, parang pareho kaming pagod. Hindi lang sa katawan kundi pati sa lahat ng nangyari. Tahimik akong naupo sa sofa. Makalipas ang ilang segundo, naupo rin siya sa katapat ko. “Kenzi…” Tawag ko at napatingin agad siya sa akin. “Hm?” hintay niyang magsalita ako. “Galit ka ba?” Hindi siya agad sumagot. Biglang napatingin siya sa kisame bago marahang napabuntong-hininga. “Hindi

