Lumipas ang ilang araw, at unti-unti na rin akong nasanay sa bahay na iyon. Hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam ko tuwing nagigising sa umaga. Hindi na rin ganoon ka-ilang ang bawat salubong namin ni Kenzi sa sala o sa kusina. Kapag tahimik siya, tahimik lang din ako. Kapag may kailangan siyang sabihin, saka lang kami nag-uusap. Hindi tungkol sa kasal. Hindi tungkol sa kontratang pinasok naming dalawa. Hindi rin tungkol kay Percy. Madalas ay tungkol lang sa mga simpleng bagay kung ano ang lulutuin, kung may kulang na grocery, o kung sino ang magliligpit ng pinagkainan. Minsan naiisip ko… Siguro ganito talaga nagsisimula ang pagsasama ng dalawang taong hindi naman kusang nagmahalan. Hindi sa pagmamahal kundi sa pag-aaral kung paano mabuhay sa iisang bubong. Nagising ako kinabukasan

