“Pero pagdating ng araw na malaman mo ang totoo…” Mahina siyang ngumiti, pero bakas na bakas ang sakit sa mga mata niya. “I’m sure you’ll hate me.” Parang tumigil ang buong mundo ko. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatingin lang sa kanya. Umaasa pa rin akong tatawa siya at sasabihing biro lang ang lahat. Pero hindi, matagal siyang natahimik. “Percy…” nanginginig kong tawag sa pangalan niya. “Tumingin ka sa akin.” Humihikbi akong lumapit sa table namin. “Please…” Dahan-dahan niya akong tiningnan. Nagulat ako nang makita ko ang mata niyang namumulq. Nakakita ako ng luha sa mga mata niya. “So that’s it?” napapailing kong sabi. “Ganito mo na lang tatapusin ang lahat?” Huminga siya nang malalim. “I’m sorry.” Napapikit ako. “I hate those words.” Nangunot ang noo niya. “Al

