“Ara!” Mabilis akong nasalo ni Kenzi bago pa tuluyang sumayad ang katawan ko sa sahig. “Ara, look at me.” Ramdam ko ang nanginginig niyang boses habang marahan niya akong tinatapik sa pisngi. “Ara…open your eyes.” Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin na ayos lang ako. Pero sobrang bigat ng katawan ko. Parang may humihila sa akin pababa. “Kenzi…” halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. “I’m here.” Iyon lang ang narinig ko bago tuluyang nagdilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong walang malay. Ang una kong naramdaman ay ang malamig na bimpo sa noo ko. Sunod ay ang mabigat na pakiramdam ng ulo ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago naging malinaw ang paligid. Nasa kwarto ako at nakahiga sa kama. Napakurap ako.

