Pareho kaming napatingin sa cellphone ni Kenzi. Percy. Parang may kung anong kumabog sa dibdib ko. Hindi ko inaasahang tatawag pa siya. At lalong hindi ko inaasahang kay Kenzi pa. Tahimik lang si Kenzi habang nakatitig sa screen. Halatang nag-iisip siya kung sasagutin ba niya o hindi. “Kenzi…” mahina kong tawag.Napalingon siya sa akin. “Sagutin mo.” Kumunot ang noo niya. “Sigurado ka?” Tumango ako. “Ayokong mag-isip ng kung anu-ano.” Ilang segundo pa siyang nagdalawang-isip bago tuluyang sinagot ang tawag. “Hello.” Tahimik ang buong kwarto. Hindi ko marinig ang sinasabi ni Percy sa kabilang linya. Tanging mahinang boses lang ang naririnig ko. Nakatingin lang ako kay Kenzi habang unti-unting nagbabago ang ekspresyon niya. “…Oo.” Saglit siyang tumingin sa akin. “Gising na siya.”

