“Wala na bang chance, Ara?” tanong ni Kuya Percy. Nandito kami ngayon sa exit ng isang hotel. Dito rin kami nag staycation ni Kenzi, tapos sinundan niya kami. “Please, we’re married. Kasal na kami ni Kenzi. Madami pang iba diyan, Kuya.” Sabi ko at parang nasaktan ako sa sinabi ko. “Para akong mamatay, Ara! Please! Come with me.” Pagmamakaawa niya at halos lumuhod na siya sa harap ko. Pero kahit lumuhod siya diyan ng matagal, wala nang mangyayari. “Stop it. Kuya Percy, please.” Naiiyak na rin ako pero pinipigilan ko lang. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Ayaw ko na rin. Hindi na rin naman kita mahal.” Natigil siya sa sinabi ko at tumingin sa akin. Umiling-iling siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Please. Let me go.” Umiwas ako ng tingin pagkasabi ko. Dahan-dahan niyang

