"Ara," napatingin ako kay Kenzi habang kumakain ako. Nandito kasi kami sa favorite resturant namin noong highschool kami. "Yes? Ano 'yon?" tanong ko habang kinakain ang favorite aglio olio na pasta ko. "Ilang araw na lang, Ara. Ikakasal na tayo." Napahinto ako sa sinabi niya. "At wala na tayong magagawa doon, Ken. Ito na siguro kapalaran ko." Mahinang sagot ko. "Ayaw ko namang magsama tayo tapos napipilitan tayo." Natawa ako sa sinabi niya. "Wala na tayong magagawa, Ken. At saka, can we enjoy our food first?" tanong ko at tumango siya. Wala na, wala na akong magagawa at ito na ang kapalaran ko. Alangan namang tumakbo ako, edi sinumpa ako ng magulang ko? "Can we drink some wine?" tanong ko at tumango siya. Nag-order na rin agad siya, gusto ko lang talaga makalimot ngayong gabi.

