Huminto si Kenzi sa tapat ng gate namin. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingin si Kuya Percy sa amin mula sa may garahe. Nakapamulsa siya habang hawak ang yosi, seryoso ang mukha at parang kanina pa kami hinihintay. “Pasok ka na,” mahinang sabi ni Kenzi. Tumango lang ako. “Salamat sa paghatid.” Sabi ko at nginitian siya. “Text mo ‘ko pag okay ka na.” Napangiti ako at tumalikod. Ramdam ko agad ang mabigat na tingin ni Kuya Percy habang papalapit ako sa gate. Pagkapasok ko, agad niyang itinapon sa sahig ang upos ng sigarilyo at tinapakan iyon. Tumingin siya sa akin pero alam kong kalmado lang siya. “Ang aga mong umuwi ah,” malamig niyang sabi. Napairap ako. “Kuya, alas-dose na.” Sagot ko habang hindi ako nakatingin sa kanya. “Anong pinag-usapan niyo?” diretsahan niyang tanong

