Chapter 41: Real

1492 Words

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. “Ewan ko ba sa’yo,” mahina kong sabi. “Gwapo lang talaga ang asawa mo.” Kumindat pa siya. “Narcissist.” Napailing na lang ako. “Hindi naman. Honest lang.” Natawa ako nang tuluyan. Ilang segundo lang ang nakalipas, pero pakiramdam ko unti-unti nang bumabalik ang dati kong sarili. Iyong marunong ulit ngumiti nang walang halong sakit. “That’s my wife.” Masaya niyang sabi habang muling pinaandar ang sasakyan. Tahimik ulit ang biyahe namin, pero hindi na iyon ang klase ng katahimikan na mabigat. Paminsan-minsan ay kinakanta pa ni Kenzi ang kantang tumutugtog sa radyo kahit sintunado. “Puwede bang huwag kang kumanta?” natatawa kong sabi. “Aray naman.” Umakto pa siya na parang nasaktan sa sinabi ko. “Naaawa ako sa kanta.” Natatawang sabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD