Tahimik pa rin ang biyahe namin pauwi ni Kenzi. Paminsan-minsan lang ay may tinatanong si Kenzi tungkol sa direksyon o kung gusto ko bang dumaan muna kami para kumain. “Diretso na tayo sa bahay,” sabi ko. “Sure?” Tumango ako. “Gusto ko nang magpahinga.” Sabi ko, tumango siya. “Sige.” Iyon lang ang naging usapan namin sa loob ng ilang minuto. Pagdating namin sa harap ng bahay, awtomatikong bumukas ang gate nang makilala ang sasakyan. Huminto ito sa harap ng bahay. Bumuntong-hininga ako bago ko binuksan ang seatbelt. “Home,” mahina kong sabi. Ngumiti si Kenzi. “Welcome back.” Nauna siyang bumaba at agad na binuksan ang trunk. “Ako na sa mga maleta.” Agad niyang sinabi. “Kaya ko naman.” Depensa ko. "Hindi ka talaga nakikinig.” Seryosong sagot niya, pero alam kong nagpipigil siya sa

