Bigla akong hinalikan ni Kenzi at binuhat hanggang sa makaupo ako sa billiard table. Alam kong nakainom na kaming dalawa, kahit hindi ko masuklian ang pagmamahal niya, kahit ligaya na lang ang pambawi ko. “Are you sure? You want this?” tanong niya, at tumango ako. “Baka naman nabibigla ka lang?” tanong ulit niya, at natigilan ako. Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. Oo. Siguro nabigla lang ako. “S-Sorry.” Mahinang sabi ko. “Okay lang ‘yan.” Pagkasabi niya ay hinalikan niya ang noo ko. “Tara, laro ulit tayo.” Sabi niya at tumango na lang ako. Napangiti na lang ako dahil hindi siya yung lalaking pipilitin ako. — Maaga kaming nagpunta sa bahay dahil tinawag kami para mag luch. Buti na lang walang trabaho si Kenzi ngayon. “Wife.” Napalingon agad ako kay Kenzi na nakaupo sa sof

