Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na inililibot ni Cai ang paningin niya sa mga nadaraanan namin habang naglalakad kami. Kabababa lang namin sa sasakyan at ito nga papunta na kami kina sa apartment nila tita. Pasado alas otso na ng umaga at hindi naman kami huli, baka nga nagluluto pa sila. Tahimik lang kami at wala ni isa ang nagsasalita sa amin. Pero ako, pinapakiramdaman ko siya at paminsan-minsan na tinitingnan. Pansin ko, may mga oras na ganito siya. Laging tahimik pero ang tingin ay inililibot sa nadaraanan namin. "Nakapunta ka na ba sa lugar na ito?" nang hindi ko na mapigilan ay tinanong ko na siya. Napansin ko ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. Nang humarap siya sa akin ay sandali lamang iyon pagkatapos ay itinuon na ang paningin sa aming dinaraanan. Ganoon rin ang

