Nakaupo ako habang pinapanood si Cai sa aking kusina. Kanina nang sabihin ko sa kaniya na hindi na niya ako kailangan pa na ipagluto ay nagpumilit siya. Kaya ito ako ngayon, nakasalumbaba habang nakatingin sa kaniya. Natutuwa ako at natanggap siya kaagad sa bar. Ibig sabihin hindi nasayang ang pag-alis namin kanina. Hihintayin ko naman ngayon ang tawag ng mga ina-applyan pa namin at pati na rin ang mga bosses nila Tita Rechie. "Ano ba ang trabaho mo dati?" Tumingin siya sa akin sandali pero nang maalala ko na may amnesia nga pala siya at maaaring hindi niya iyon naaalala ay kaagad ko rin na binawi. "Huwag mo nang sagutin pala," bawat pagkilos niya ay sinusundan ng mga mata ko. Ang galing lang kasi niyang humawak ng mga gamit sa kusina. Tuloy para akong nanonood ng isang cooking show at

