Narito ako ngayon sa opisina ni Riss at si Cai naman ay nasa labas kasama ni Cardo. Nakatingin sa akin si Riss habang nakangiti. Kabado naman ako. Hindi ko gusto na magsinungaling tungkol sa pagkatao ni Cai kaya nga lang ay wala na akong ibang pagpipilian pa. Nabigla rin ako sa naging sagot ko kanina at saka sigurado naman na matatanggap si Cai kung malalaman ni Riss na kamag-anak ko ito. "Hindi ko nabalitaan kina Tita Joi na may pinsan ka na dumating. Kailan pa?" tanong niya. Parang sinusundot tuloy ngayon ang konsensya ko habang kaharap siya. "A-Ahm, last week lang. Busy rin kasi sila sa trabaho saka, ako rin, hindi ba? hindi ko na nabanggit. Ngayon lang nang maisipan ko na tulungan para maghanap ng trabaho. Kawawa rin naman kasi." Mukhang kumbinsido naman si Riss sa sinabi ko. Tuma

