"Sa sinabi ng mga tita, kapag natulungan ka namin na makahanap ng trabaho at kapag kaya mo nang mangupahan ay maaari ka naman na rin na umalis dito. Siguro ay isang linggo, o dalawa, hindi--" "Hindi ka natatakot sa akin?" pagputol niya sa sinasabi ko. Ito na naman ang tanong niya. Umiling ako at tumayo. "Hindi. Pero kung may binabalak ka man na masama sa akin kayang-kaya ko na depensahan ang sarili ko sa iyo. Kaya huwag mo akong--ay!" Napatili ako nang bigla niyang hilahin ang isang kamay ko at ihiga ako sa tulugan na inilatag ko para sa kaniya. Ang kamay niya ay nasa aking ulunan at ang isa naman ay nasa aking baywang. Nanlalaki ang aking mga mata na nakatingin sa kaniya habang nasa ibabaw ko. "Can you escape from my hold?" his eyebrows rose. "Brave woman but do you really think, a

