"Aalis na po ako. Hindi ninyo naman kailangan na--" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumapit si Tita Gemini kay Cai at kumapit sa braso nito. Maski ang ibang mga tita ay hindi rin iyon inaasahan kaya hinila siya ni Tita Joi at kinurot sa tagiliran. Ngunit ang Tita Gemini ay nakatingin lang kay Cai at ngiting-ngiti pa. "Ay, nakapag-usap na kami, Pulubing gwapo! dito ka muna sa dalaga namin, tutulungan ka namin na makahanap ng trabaho at kapag nakaipon ka na ay saka ka na maghanap ng matutuluyan mo. Panigurado na sa lansangan na naman ang buhay mo niyan kung aalis ka ngayon, eh!" Pagkasabi non ni Tita ay napatingin sa akin si Cai. Napahilot ako sa aking noo at tumango sa kaniya pagkatapos ay isa-isa niyang tiningnan ang mga tita na nasa kaniyang harapan. "Are you... sure? I am a stra

