“Why are you mad?” Ay, bakit hindi? Nakapag-usap na kami kanina tapos iyon ang maaabutan ko? "Ikaw? anong ginagawa mo dito? bakit mo ako sinundan? bakit ka sumakay ng bus? hindi ba at mag-uusap kayo ni Cassi? may usapan kayo na pagkatapos ng reunion ay mag-uusap kayo at ikaw ang maghahatid sa kaniya sa hotel, hindi ba?" sunod-sunod ang aking mga tanong nang lingunin ko siya. Hindi naman siya sumagot. Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa makita ko na padaan kami malapit sa Spanish Steps. Ayokong umuwi ng ganito ang nararamdaman ko. Doon na ako nagpahinto at kaagad bumaba ng sasakyan. Naglakad ako habang nakasunod pa rin sa akin si Cai. "Hanggang saan mo ako susundan?" tanong ko. Iritado. Sa dami ng mga tanong ko kanina ay kahit isa wala siyang sinagot. "Hindi ba at m

