Seryoso ang tingin na ibinibigay ni Cardo sa amin. Napakiusapan ko siya kanina na pagkatapos na lamang ng trabaho saka namin ipapaliwanag ni Cai sa kaniya kung ano ang totoong nangyari. Ayoko rin naman na mabigla ang ibang mga kasamahan namin kaya sinabi ko sa kaniya na huwag niyang babanggitin sa iba ang totoong relasyon namin ni Cai. Lalong-lalo na kung ano ang nakita niya. Hindi ko talaga inaasahan na mahuhuli kami ni Cardo. Siguro dala na rin ng nararamdaman namin ni Cai kanina ay kaya hindi namin narinig ang pagbukas ng pinto. Napailing na lamang ako at napasapo sa aking noo. Cai was not even nervous. Kampante nang akbayan niya kanina si Cardo upang makapasok sa loob ng bar. Ako naman nang mga oras na iyon ay nag-iisip na ng paliwanag. Kabado at malamig na ang aking pawis. Alam k

