"Ang sabi mo ay inisip mo kagabi kung saan tayo pupunta ngayon, ang tanong nakaisip ka ba?" Sinilip ko si Cai na pinaglalaruan ang aking mga daliri. Pinagsasalikop niya iyon at pagkatapos ay pinipisil-pisil ang dulo. Kanina pa siya nakatuon doon habang ako ay nakahilig sa kaniyang balikat. Nakasakay na kami sa metro at ang unang lilibutan namin ay ang Colosseo. Nakapunta naman na ako doon pero hindi rin nagtagal dahil parte lamang ng trabaho ko. Siguro ay mas mae-enjoy ko ngayon ang ganda ng lugar dahil kasama ko si Cai. "Cardo suggested places where I could bring you but I think it's better to ask you. Saan mo ba gustong magpunta? kasi kahit saan na gusto mo ay ayos lang sa akin," he said and kissed my hand. Nag-isip ako ng mga lugar na maaari namin na libutan. Pagkatapos sa Colosseo a

