Nang tumango siya ay malapad akong napangiti. Mahigpit niya akong niyakap at nang ngumuso siya ay napatawa ako. Tumayo ako at pagkatapos ay nakita ko ang pagsimangot niya. "I will just get my phone," sabi ko. Pagkakuha ko sa aking cellphone ay nakita ko ang mensahe nga ni Nico. Alam nilang day-off ko. Ngayon ko na rin talaga balak na ipakilala siya kila nanay. Mabuti na lang rin at napanatag ko ang loob niya kanina sa mga naisip niya. Ako na ang tumawag kay Nico. Hindi pa nagtatagal ang ring nang sagutin niya iyon. "Ate, ibibigay ko rin kay nanay ang cellphone ko dahil aalis ako. May project kami ng mga kaklase ko na kailangan tapusin. Uuwi rin ako kaagad." "Ha? oh, sige. Pero, hindi naman busy sila nanay?" Naglakad na ako palabas ng aking silid. Napansin ko na biglang tumingin sa ak

