Nakaramdam ako ng takot, lalo sa tingin na ibinibigay ni Cai sa akin. "Cai... a-anong? Ano ang ginagawa m-mo dito?" "Kailan ka pa pumupunta dito? Kailan pa?!" sigaw niya. Napapikit ako at naikuyom ko ang aking mga kamay. Ngayon lang niya ako sinigawan ng ganito na puno ng galit ang boses at ang mga mata ay namumuhi habang nakatingin sa akin. "C-Cai..." Ang kaniyang mga mata ay dumako sa aking likod. "Those things…" iyon ang mga sinabi niya habang nakatingin sa aking likod. Sinundan ko si Cai ng tingin. Lumapit siya sa paper bag na naroon sa gilid at pagkatapos ay kinuha niya ang nasa ibabaw non. O-Oh God… Itinaas niya at ngumiti siya sa akin habang puno ng sakit ang kaniyang mga mata. "This box..." "Is this the box of the cellphone you gave me?" "C-Cai..." "Sabihin mo!" D

